Chapter 118

14 1 0
                                    

Mikaela P.O.V

"Kahit ano pa ang rason niya ay hindi kona maibabalik ang dati.Kung anong meron kami
noon."

"Malay mo mabigat ang rason niya kung bakit niya nagawa iyon?"-Rose Andy.

"Ang rason lang naman niya ay si Dame eh.Sobrang invalid."

"Ayun nanga sobrang invalid kasi malay natin meron pa siyang ibang
mas valid na rason."

"Kung ganon bakit hindi niya sinabi saakin.Kung talagang mahal niya
ako."Hindi ko mapigilang ilabas ang nasa looban ko.

"Maybe ayaw ka niyang madamay.In other word,gusto niyang sarilihin."

"Gusto niyo ng space?"
-Sebastian.

"Space?"-Chandria

"Sila lang kasing dalawa yung nagkakaintindihan.Para tayong mga hangin na nakapaligid
sakanila."

Natawa naman ako sa dahilan niya.

"Panira ka talaga.Nakikita monang seryoso ang usapan."-Chandria

"Sorry na, my love."

"Continue"-Chandria

Saan nanga ba ako.

"Sabihin na nating sacrificing.Pero nasaktan parin ako."

Hindi ba nila iintindihin yung side ko?

"Desisyon ko yon."

Biglang may nagsalita galing sa likod ko.Isang familiar na boses.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko.

"I invited him."-Axel

Ano pa bang magagawa ko.Umupo siya sa isang bakanteng upuan.Kamalas malasan sa tabi kopa talaga.

"I hope you don't mind."

Parang nabasa niya yung nasa isip ko.

Bale nakakatatlong bote na ako ng beer at alam kong medyo may tama na ako.Hindi naman kasi ako gaanong umiinom.Yung mga kasama ko naman ay halos nakakalima na hanggang anim na bote maliban lang kay Shantel dahil pang siyam na ang iniinom niya ngayon.

"Guys let's play a game."-Alexis

Pumayag naman silang lahat pwera lang saamin ni Shantel.

"Ang KJ niyo naman.Para laro lang."-Raven

Wala kaming nagawa kung hindi ang pumayag dahil mapilit sila.

"Ang laro natin ay tinatawag na Kiss Hug and Marry. Sa box na ito ay may mga pangalan tayo."Itinaas niya ang hawak na maliit na kahon.


"Syempre magkahiwalay ang pangalan ng babae sa lalaki.Kapag naturo ka ay kailangan mong bumunot which is our name.Yung nabunot mong tatlo ay sila ang magiging kiss hug and marry  mo."-Shane

Unang nagpaikot ng boteng walang laman ay si Sebastian.Huminto ito kay Chandria.Bumunot siya ng tatlo.

"Kiss Shantel"

"Hug Raven"

"Marry Sebastian"

"Will you marry me?"Biro pa ng boyfriend niya.

Sumunod ay si Axel.

"Kiss Mikaela"

"Hug Shane"

"Marry Andy"

Ngayon ko lang nakitang kinilig si Rose Andy.

Ganoon din yung mga sumunod halos mga bf o gf nila yung mga imemarry nila.

Apat nalang kaming hindi napipili.Ako,Andy,Nathan at Shantel.

"Maiba naman.Kung sino ang una mong nabunot ay siyang magiging Kiss mo,sumunod ay ang Hug mo at ang huli mong nabunot ay ang marry mo."

Pinaikot na nila ang bote.Dahan dahan ang pagikot nito at sakto namang pagtutok sakin ay huminto ito.

Bumunot ako ng isa.

"Kiss Axel"

Pangalawa.

"Hug Nathan"

At ang pinakahuli.Hindi ko alam kung sasabihin kopa ba.

"Who's your marry?"
-Nathan

"Marry...."hindi ko masabi sabi.

"Who?"Nagaabang silang lahat sa sasabihin ko.

Sasabihin kona ba o aalis nalang ako.

"Marry..Him"
"Tatlo pa ang natitirang lalaki kaya paano namin malalaman kung sino sakanila"-Shane

"It's me."Hindi ko namalayang hawak na niya pala yung huli kong nabunot.Sumipol naman si Raven.

"Ayoko na nga."Tumayo ako at derederetsong lumabas.Pumunta ako sa garden at doon umupo magisa.Gusto ko munang mapagisa.

"Mikaela"Siya na naman.

"Kahit ngayon lang gusto kong mapagisa."

Hindi na siya nagsalita at umalis na.

Nanatili pa ako ng  kalahating oras sa labas bago tuluyang pumasok sa loob.Nadatnan kong tulog na silang lahat.

Hinayaan kona sila at pagkatapos iniligpit ang pinaggamitan namin ay umakyat na ako sa taas.Naligo muna ako at natulog na.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito.Nakaupo sa MC park at hinihintay si Ryle.Sabi ko kahapon hindi ko siya sisiputin pero ngayon heto naghihintay.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya.

"Hindi mo talaga ako binibigo"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Wala halika na."Hinila
niya ako at naglakad kami papunta doon sa nagtitinda ng fish ball.

"Anong gagawin natin
dito."

"Kakain"

Kumuha siya ng dalawang plastic cup at ibinigay saakin ang isa.Actually kumakain naman ako nito kaso nga lang ayoko ko kasi yung lasa ng sauce nila.

Nang hindi pa ako gumagalaw ay kinuha na niya ang baso ko at siya na mismo ang nagtusok para saakin.

"Kumakain kaba nito?"

"Oo naman,ang sarap kaya niyan.Akin na nga."Mabilis kong inagaw sakanya ang baso at sinimulang kumain.Hindi paman niya nakakalahati yung kanya ay ubos na yung akin.

Marami pa kaming ginawa tulad ng Pagpapalipad ng saranggola, Nakipaglaro din kami sa mga batang naroon. Aaminin ko nagenjoy ako.May ganoon din pala siyang ugali.Kaya niyang magpasaya ng mga babaeng katulad ko.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon