Sebastian P.O.V
11 PM na at hinihintay parin namin si Axel. Satuwing new year ay sakanila na kami nagnew new year. Kaming StoneCold Band lang ang nandito, hindi namin kasama ang mga girlfriends namin.
"Ano wala pa?" tanong ni Raven saakin. Kinakabahan na si Tita Alianna dahil kanina pa umalis si Axel. Nakabalik na si Amanda kaso lasing na lasing naman. Tinanong namin kung nasaan si Axel, tanging tawa lang ang kanyang sinagot.
"Parehas tayong nasa loob, Raven. Don't be stupid" sagot ko sakanya. Nakahanda na ang lahat at kaming lahat ay nasa sofa na, imbes na nasa labas kami at nagaayos ng mga paputok ay nandito kami sa loob at nagaalala kay Axel.
"Hindi talaga siya sumasagot, e. Maging si Andy ay hindi rin" sabi ni Nathan. 11:45 na at 15 minutes nalang ay new year na.
"Axel is calling" sabi ni Nathan ng marinig namin na nagring ang cellphone niya, mabilis naman niya itong sinagot. "Pare" sabi ni Nathan
"Binaba niya agad pero may sinabi siya" sabi ni Nathan. "Puntahan daw natin siya sa Mary Christina Park"
"Ano bang ginagawa niya dun?" agad ba segunda ni Tita Alianna. "Ilang araw na siyang wala sa sarili. Ano bang nangyayare sakanya?" dagdag niya pa.
"Tita, pupuntahan na namin siya kaya huwag na kayong magalala" sabi ni Raven.
"Let's go" sabi ni Shantel kaya kaming apat ay mabilis na tumayo at pumunta sa sasakyan ni Shantel.
Mabilis lang namin siyang nakita dahil nasa playground lang siya at nakatingin sa ulap. Nilapitan namin siya pero hindi man lang siya bumati, unusual Axel.
"She left" saad ni Axel matapos ang napakahabang katahimikan. "She said she's tired and she's giving up. How can I survive?" tanong niya tapos ay tumulo ang luha niya habang siya ay nakatingala.
"Who are you talking about?" tanong ko sakanya.
"My Rose Andy" sabi niya na ikinabigla namin.
"Baka naman sinusundan nanaman siya ng mga gangster? If she gave up, then don't. If she is tired be her strength" sabi ni Shantel.
"We broke up" sabi ni Axel habang walang tigil ang pagtulo ng luha niya.
"Axe, don't be like that. Malay mo may surprise siya sayo" sabi ko naman.
"Yeah, right. Surprise break up"
"Pare, hindi naman nawalan ng ala ala si Andy para kalimutan niya ang pagmamahal niya sayo. Baka may malalim na dahilan" sabi ni Nathan.
"Simula nung nakita niya si Amanda ay nagkaganun na siya"
"Selos yun, pare. Suyuin mo lang" sabi naman ni Raven.
"Nakita niya na magkayakap kami. Then after that she became weird. She became cold. She was gone for days and then boom" sabi niya with action pa "Our realtionship just ended. Just like that" sabi niya tapos ay humagulgol na. Nagkatinginan kaming apat.
"Magiging okay rin yan, pare" sabay na sabi namin. Tapos ay biglang nagsunod sunod ang putok. Katingin ko sa phone ko ay new year na. 2018 na.
Tinext ko silang apat at sinabi na paluntahin ang mga girlfriend namin kila Andy at itanong kung anong nangyare.
Mabilis naman silang sumagot. Nagreply saakin si Chandria at tinatanong kung bakit... Sinabi ko na need sila ni Andy kaso hindi siya pinayagan.
Kahit si Mikaela ay hindi rin pinayagan. Tanging si Alexis at Shane lang ang pwede. Si Shane kase ay sa bahay lang ay nanunuod ng boring niyang mga telenovela. Sila mom at dad ay wala rin at ako naman ay kila Axel nakikipagnew year kaya ganun.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...