Chapter 59: Rose Andy

64 1 0
                                    

Axel P.O.V

Dalawang linggo ko ng nililigawan si Rose, pansin ko rin na naiinlove narin sya saakin pero dahil nga sya si Rose Andy ay kaya nyang panipulahin ang nakikita ng tao. Gusto kong malaman kung nagugustuhan nya na talaga ako dahil pansin ko naman na kinikilig sya sa mga sinasabi ko, minsan napapatulala nalang sya saakin, minsan sobrang bait nya saakin pero hindi naman nya ako pinapansin pag may kumakausap na babae saakin. Lahat ng sagot ay pinaparamdam nya na saakin, ang kailangan ko nalang ay ang 'OO' nya.

Tinanong ko ang nga kaibigan ko kung anong magandang gawin para malinawan sya na gusto na talaga nya ako. Una hindi ako naging sangayon sa sinabi nila dahil parang nagsinungaling narin ako sakanya pero dahil Bad Influence ang mga kaibigan ko ay sinabi nila na para lang naman maliwanagan sya. Kaya heto ako ngayon hinihintay sya sa rooftop para maisagawa na ang plano ng mga kaibigan ko.

"Hey, Axel. Bakit ka nagtext saakin? What's with the 'I need to talk to you'?" tanong nya saakin. Nanatili lang akong seryoso kahit gustong gusto ko na syang ngitian

"Hey, I'm already here" sabi nya saakin. Tinignan ko sya ng walang emosyon. Gusto kong sabihin sakanya na nagjojoke lang ako pero paninindigan ko na tong kasinungalingan na to. Hayst. Sorry, Rose

"Aalis na kami ng bansa at hindi na babalik pa" seryoso kong sabi at pansin ko na natigilan sya. Effective ata "I'm no longer your suitor. I'm sorry" pansin ko na napangisi sya pero ramdam mo yung parang nasakatan sya sa mga sinasabi ko

"Marami akong manliligaw dyan, Don't worry" walang emosyon rin na sabi nya. Ano na kase ang next step pag walang effect ang pag-alis ng bansa? Hays. Ang dami ko ng white lies.

"Basta huwag mong kalimutan na mahal kita. Gusto ko man sayo iparamdam na mahal na mahal kita ay pinagkaitan ako ng Diyos" Lord, sorry po kung kailangan ko pang magsinungaling gamit ang pangalan nyo. Patawad po, gusto ko lang malaman kung mahal rin ako ng babaeng mahal ko.

"Teka anong sinasabi mo? Linawin mo nga ako, Axel Black" seryoso nyang sabi. Hay nako, ito na talaga

"I'm....." lying. Yan ang gusto kong sabihin sakanya kaso panira ng plano. "I'm dying" tumingin sya saakin na may kunot-noo

"No! Bakit ka mamatay? Sinong nagsabi? Mga doctor ba?" pansin ko na nangilid ang mga luha nya. Shit! Dapat talaga hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko e

"I need to go. Always remeber that there is Axel Black Forest that loves you" tapos dahan dahan akong humakbang palayo sakanya. Pero bago ako tuluyan makalayo ay niyakap nya ako mula sa likuran ko

"I love you" sambit nya habang umiiyak na sa likuran ko. Shit naman! Ayaw kong makitang umiiyak ang babaeng mahal ko dahil lang sa gusto kong malaman kung mahal nya rin ako. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay nya at napangiti nalang ako. Mahal nya rin ako!

"Masaya ako sa nalaman ko, Rose. Kaso huli na" tapos tumakbo ako palabas ng mga ngiti. Mahal nya rin ako! Yes!

Rose Andy P.O.V

"Masaya ako sa nalaman ko, Rose. Kaso huli na" yun ang huling linyang binitawan nya saakin bago sya tumakbo palayo. Mahal nya ako diba? Pero bakit iniiwan nya ako? Bakit lahat ng taong sinasabing mahal ako ay ang ending ay ang pag-alis sa piling ko? Bakit pa nila sasabihin na mahal nila ako kung iiwan rin ako? Nakakagago talaga sila! Tangina

"HOW I FVCKING HATE ROOFTOP!" sigaw ko. Siya ang nagturo saakin na ilabas ko lang daw ang saluobin ko at isigaw lang. Nice timing, Mr. Forest. Unang time na naging close kami ay sa rooftop tapos wawakasan nya rin sa rooftop. Ang galing talaga.

Pero hindi naman sya kukunin saakin ni Lord, right? Hindi sya mamatay. Walang mamatay. Damn. Bakit ang sakit? Huli na ba talaga lahat? Bakit lagi ata akong nahuhuli...

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon