Chapter 98

31 1 0
                                    

Alexis P.O.V

Nagising ako sa lumang bahay habang nakagown ako na kulay pula. Sinong nagbihis saakin? Tumayo ako at may nakita ako na sulat sa sahig.

'LUMABAS KA' yun lang ang nakasulat. Akmang lalabas na ako ng may nakasulat nanaman sa pintuan.

'SORRY' yun lang ang nakasulat. Binuksan ko ang pinto at kalabas ko ay may mga petals. Is this some kind of joke? Sinundan ko ang petals at dinala ako nito sa gitna nang daan. Nakita ko si Raven na nakatayo habang may hawak na mic. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na okay siya. Ligtas siya. Magisa siya duon at pansin ko na nagbigay saakin ng isang bouquet ng red rose din, my favorite.

"Isipin mo na ikakasal ka na" sabi ni Chandria na siyang nagabot saakin. Lumapit saakin ang mga kabanda ko at niyakap ako.

"Time mo na to. It's worth the risk" sabi saakin ni Andy. Tama nga siya. Kung hindi ka susugal ay hindi ka mananalo.

"Ginalingan ni Raven. Sana ay sagutin mo siya" sabi ni Shane. Tss. Kami na.

"Sigina, Alexis. Lakad na" sabi ni Mikaela. Napatingin ulit ako sa gawi ni Raven. You're always worth the risk, Heart.

Sinimulan ko ng maglakad ng dahan dahan para dama at sinimulan niya na ring kumanta. Ang lamig ng boses niya.

There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now

I miss his voice.

There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now

I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason

Ang swerte ko sakanya. Ang swerte ko kay Raven. Nung saktong nasa harap ko na siya ay isang linya nalang ang sasabihin niya.

'Cause I need you to see
That you are the reason

"You're the reason why I change myself to be a good person. You change me, heart. Please, come back to me...." sabi niya tapos ay lumuhod. Dahan dahan umilaw ang paligid. Napuno ang street na ito na puro fairy lights. Ang ganda. Lumabas si Sebatian na may hawak na magarang karatula.

"Will" basa niya sa hawak ni Sebastian. Lumabas naman si Shantel sa isang gilid.

"You" basa niya ulit. Lumabas naman si Nathan na may hawak na..

"Be" tapos si Axel na may hawak rin na...

"My" naglakad si Shane at tumabi kay Axel.

"Partner" si Andy naman ngayon ang naghahawak ng...

"Forever" ngayon naman ay si Mikaela na may dala ng...

"And" tapos ay si Chandria na...

"Ever?" tapos ay lumuhod si Raven sa harap ko.

"Will you be my partner forever and ever?" basa ni Raven sa nabuong sentence. Shit. Nangilid ang luha ko. Ang effort niya.

"Oo naman, heart. Forever tayo!" sabi ko tapos ay itinayo siya at niyakap. Mahigpit rin niya akong niyakap. I missed that hug!

Natapos ang gabi namin sa pagvivideoke dahil kila Raven pala bahay yun, bahay ng lola niya. Maganda siya pero pangmatanda na, pero eligante parin naman tignan.

Nagkaroon din kami ng konting inom dahil hindi kami pwede ng maramihan dahil may pasok bukas. Hayst. Katamad.

Raven P.O.V

Nung sinagot ako ni Alexis dalawang linggo ang nakalipas ay sumaya ulit ang barkadahan namin. Wala nanaman kasing nagaaway at doing good kami. Isang linggo nalang ay gagraduate na kami. Sobra na akong excited para dun! Lahat ata kami.

"Guys, sabi ng dean tutugtog daw tayo sa isang high class bar para sa after party. Mga Silverian na gusto lang naman ang pupunta pero kung lahat naman ay okay lang daw, sagot lahat ng dean" sabi ni Chandria habang kumakain kami. Pinatawag kase silang dalawa ni Alexis.

"Bale tayo yung magma-manage. Kaya maghanda narin tayo" sabi ni Alexis.

So natapos kaming maglunch at hinatid sila sa kanya kanyang room.

"Heart, I love you" sabi ko habang papasok na sana siya sa classroom niya.

"Huwag kang mag-alala mahal din kita, kahit ang gwapo nung President namin" sabi niya tapos ay humalakhak, sinamaan ko naman siya ng tingin. Kahit crush niya yung President nila ay wala namang kaso saakin yun, crush lang naman e, ako parin yung mahal. No need to be jealous kung alam mong ikaw talaga ang mahal. You only need trust for a good relationship.

Mabilis lang natapos ang klase namin at gaya ng nakagawian ay hinatid ko siya. Nakita ko na nagdidilig yung mommy niya sa labas. Nakita ko naman na sumama ang aura niya, so I held her hands.

"Papapuntahin mo siya sa graduation?" tanong ko sakanya na mabilis niyang ikinailing.

"Ayoko" matigas na sabi niya. Alam ko naman na iniwan siya ng nanay niya pero dapat tanggapin niya parin ito, nanay niya e. Ako ngang boyfriend niya nagawa niyang patawarin yun pa kayang nanay niya.

"Heart, papuntahin mo na. Every mother wants to see their children receiving diploma. Pag nagkaanak tayo gusto mo bang ayaw ka ng anak mo?"

"Hoy! Anong pag nagkaanak tayo?! San san naman napupunta yung advice mo" natawa nalang ako sa reaction niya.

"Ayaw mo bang magkaanak tayo? Heart, sayang ang gandang lalake ko kung hindi tayo magkakaanak" sabi ko. Inis niya akong pinalo sa dibdib ko at pansin ko na namula rin siya.

"Sayo na yang sperm mo! Kadiri ka talaga!" sigaw niya saakin.

"Ayaw mo talaga? Ikakalat ko na sa iba" banta ko sakanya.

"Edi ikalat mo! Manyakis! Huwag ka nang makakakapit saakin, ah! Ikalat mo yang pinagmamalaki mong lahi!" sigaw niya saakin tapos ay galit na galit na lumabas sa kotse ko. Natatawa ko naman siyang sinundan.

"Heart, sayo lang to! Promise" sigaw ko dahil medyo nakalayo na siya. Inis niya akong binalingan ulit.

"I hate you, Raven Xander!" sigaw ni Alexis. Tapos ay dire diretsong pumasok sa bahay nila. Kinausap siya ng mommy niya pero hindi niya ito pinansin. Lumapit ako sa Mommy niya.

"Hi Tita, boyfriend po ni Alexis. I'll try my best to convince na kausapin na kayo. Sorry po pala sa ganung ugali niya" sabi ko.

"Okay lang, hijo. I like you for my daughter, huwag mo siyang saktan, ah?" tumango ako at ngumiti.

"Alis na po ako" sabi ko sakanya.

"Hindi mo ba susundan si Alexis?"

"May gagawin pa po ako. At medyo nainis po siya kanina kaya baka bugahan ako ng apoy" biro ko kaya parehas kaming natawa.

"Sige na, hijo. Maiingat ka" sabi ng mommy ni Alexis tapos ay nagpaalam ulit ako.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon