Chapter 97

27 1 2
                                    

Alexis P.O.V

So ngayon nakatakda akong pumunta sakanila. Medyo kinakabahan ako dahil pagkatapos ng hiwalayan namin ay ngayon nalang ulit ako pupunta sakanila.

Nakakainis kase ang Crystal Group. Akmang magdodoorbell na ako nang iatras ko ang kamay ko. Natatakot ako e. Pipindutin ko na sana ulit kaso binawi ko ulit yung kamay ko. Kinakabahan ako.

10 minutes na ata akong nakatayo sakanila at wala parin nangyayare. It's all or nothing, Alexis. Mabilis kong pinindot ang doorbell.

BAKIT KO PININDOT?! NAKU NAMAN! Kaya ko to. Kaya ko to.

Bumungad saakin ang yaya nila Raven. Wala naman ang parents niya dahil nasa business trip ata.

"Ma'am Alexis" bati saakin.

"Uhmm Si Raven po?" tanong ko sakanya. Sana nandito. Sana nandito. Kinakabahan na talaga ako. Ang lamig pa ng kamay ko bwisit!

"Nasa kwarto niya, Ma'am. Puntahan niyo nalang po" sabi niya. Nagpasalamat ako at dumiretso sa kwarto niya. Habang nasa tapat ako ng kwarto niya ay nagsimula nanaman magtambol ang dibdib ko. Nakaya kong pumasok sakanila sa kwarto niya pa kaya! Kaya mo yan, Alexis. Huwag ka ngang duwag.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbukas at wala ring sumagot. Kaya dahan dahan kong binuksan ang kwarto niya at tanging sinag lang ng araw ang liwanag dito. Amoy alak, letche!

Si Raven ay nakadapa sakanyang kama habang walang saplot pang itaas, ewan nalang kung may suot siyang short or atleast boxer dahil nakatakip ito ng kumot.

Ang daming nagkalat na iba't ibang brand ng alak at ang dami ring bote na wala ng laman. Tss. Hindi talaga niya kayang nawala ako sakanya. Sa ganda ko ba naman na to ay lahat hindi na ako magawang iwan.

"Hey, Raven... Wake up" gising ko sakanya sabay yugyog.

"Hmmm..." tugon niya habang natutulog parin. Tangina naman ng lalaking to! Nagayos ayos ako tapos maabutan ko ganito? Stress na beauty ko sakanya ah.

"Bahala ka sa buhay mo, Raven! Nanggigigil na ako sayo!" sigaw ko sakanya at tumalikod na pero nagulat ako ng may humawak saakin kaya napaharap ako. Kaharap ko ay napatili ako.

"Ahhhhhh! Yuck kadiri!" sigaw ko dahil nakita kong nakaboxer lang si Raven at nakabugkol..... Yuck kadiri talaga! Tangina naman bakit salahat ng pwedeng makita ay yung sandata pa niya. Shocks! So kadiri.

"Tss matitikman mo rin to" sabi niya habang nakatalikod ako. Yuck! Matitikman his face! Never kong titikman yun! Iwwwww. "Hintayin mo nalang ako sa sala. Magbibihis lang ako" sabi niya. Tumango ako habang nakatalikod sakanya pero bago ako umalis ay may sinabi pa siyang nakakakilabot.

"You'll be a Victor someday. And I'll punish you with this so be ready. That will be rough" sabi niya.

Kaya habang nasa sala ako ay yun ang tumatakbo sa isipan ko. Kadiri talaga ang lalaking yun. Manyakis. Kadiri talaga. Bakit ko ba kasi nakita yun? Badtrip.

Ilang minuto lang ay bumaba narin si Raven at thank god dahil may short na siya.

"So my heart, what are you doing here? Missing me already?" tanong niya.

"Actually, gusto ko sanang tanggapin yung sinabi mo. I'll give you a damn chance" sabi ko sakanya. Nagulat siya sa sinabi ko. Duh, dapat lang. Siya lang ang binigyan ko ng ganung chance.

"Dahil ba sa malaki?" biro niya kaya hinampas ko siya.

"Babawiin ko na ata. Manyakis!" sigaw ko sakanya kaya natawa nalang siya.

"Bakit napagisipan mo na bigyan ako ng second chance? Dahil ba gusto mong matikman si-----"

"Myghad! Iniwan lang kita ay naging manyak ka na. Gusto kitang bigyan ng second chance dahil hindi ko kayang mawala ka, kaya kahit masasaktan ako ay gusto ko parin subukan. Gusto kong lumaban kasama ka" seryoso kong sabi. Hinila niya ako at niyakap.

"Thank you for this, Heart. I love you" sabi niya.

So after nun ay nagkaayos kami and talk about what happened to us nung panahong break pa kami. At naging kami na ulit.

Hindi niya ako hinatid saamin dahil may gagawin pa siya. Sinabi niya na babawi siya kaya sumunod nalang ako. Ayoko munang maghinala. Pagtitiwala muna bago paghihinala.

Hayst kainis naman at may pasok nanaman bukas at 3 weeks nalang ay graduation na! So excited!

May kumatok sa kwarto ko at nakita ko si Angela na humahangos at kinakabahan

"A-ate, punta ka daw sa *** Hospital. Naaksidente si Raven" sabi niya kaya napatayo agad ako at diretsong lumabas sa bahay, hindi ko alam kung bakit hindi sumunod si Angela pero bago ako makaalis ay may nagtakip sa mukha ko at nawalan ng malay. Ano ba tong nangyayare saakin? Pero mas kinakabahan ako sa nangyare kay Raven kesa sa nangyare saakin. Sana okay lang siya.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon