Chapter 45: Alexis

55 6 0
                                    

Alexis P.O.V


At dahil curious parin ako sa estado nila sa isa't isa sa lovelife ay naisipan ko na makipaglaro. Sabi naman ni Lola kanina ay free daw sila dito anytime.

"Tara na magpapakasaya na tayo ngayon kasi sa susunod na araw ay balik sa dati na" pagyaya ko sa kanila

"Tara para mamaya aminan na!" sigaw ni Shane.

"Anong aminan?" sabay na tanong nila Chandria at Mikaela

"Malalaman nyo din mamaya. Tara para masimulan na natin ting kasiyahang to!" sigaw ko

"Sa pool tayo" sabi ni Axel

"Oo papadala ko nalang yung food don tapos iinum tayo habang wala yung mga bantay ko" sabi ko sakanila na nagsimula ng maglakad pero pansin ko si Raven hindi talaga nagsasalita. Ano nangyari sakanya? sumunod nalang sila saakin

"Ano talon na tayo sabay-sabay?" sabi ni Shane

"Selfie muna tayo!" sigaw ni Nathan

"Game!" sabay na sabi namain ni Andy

"Raven sali ka dito!" sigaw ni Axel kay Raven. Wala akong narinig na sinabi ni Raven, tumayo nalang sya at tumabi sakin habang nag seselfie natapos naming mag selfie sabay-saby kaming tumalon sa pool

"Woooooh!" rinig kong sigaw ni Sebastian ngayon kolang sya nakitang ganyan. Hindi na ata sya cold!

"Ang saya" sigaw naman ni Shane. Lumipas ang mga oras at nag-aya ako na kumain na muna kami.

Pagkatapos ng maingay naming pagkwekwentuhan kasama si Lola ay nag-aya si Shantel na uminom kaya mabilis kaming nagtungo sa side area ng pool at kinuha ang mga inumin, hindi tubig pero alak, Tanduay at Smirnoff lang naman e

"Hindi ako umiinom" sabi ni Mikaela

"Huwag kang kj Mikaela" sabi ni Andy

"Okay sige pero isang bote lang" sabi nya

"Game gusto nyo bang maglaro?"sabi ko. Ito ang laro na sinasabi ko hahaha ito ang most effective way ñara mapaamin sila

"Anong laro?" tanong ni Raven. Ngayon lang ata sya ulit nagsalita

"Truth or dare" seryosong sabi ko

"Game" sabay na sabi nila Nathan at Shane, umiwas naman agad si Shane kay Nathan

"Spin the bottle, first" sabi ni Andy. Sa hindi inaasahan ay sakin tumuro yung bote

"Alexis, truth or dare?" tanong ni Shane

"Truth" deretstong sabi ko

"Uhm... kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa past babalik ka paba?" nakangating tanong ni Shane

"Hindi na. Bat pa ko babalik sa past kung pwede naman ako maghintay sa future?" sabi ko sakanya

"Okay, ikot nyo na ulit" sabi ni Andy. Kay Mikaela tumuro yung bote

"O Alexis, ikaw magtanong" sabi ni Andy

"Mikaela kung papipiliin ka anong gusto mo si past o si future?" nakangiting sabi ko

"Mas gugustuhin ko si future kasi si future naghihintay lang na dumating ka pero pag si past sasaktan kalang kaya mas mabuti ng maghintay kaysa sa magdali" nakangiting sabi nakanganga lang si Shantel sa sinabi ni Mikaela

"O game iikot nyo na ulit" sabi ko pinaikot nila tumapat kay Raven

"O, bro ikaw na truth or dare" tanong ni Nathan

"Nathan pwede ba ako nalang magtanong sakanya?" tanong ko kay Nathan

"Oo naman" nakangiting sabi ni Nathan

"Truth" malamyang sabi ni Raven

"Papipiliin kita kaibigan na laging nandyan o girlfriend na may kailangan lang pag nandyan?" tanong ko sa kanya

"Kaibigan. Hindi ko kailangan ng girlfriend na hindi pa nakakamove-on sa ex nya" ano daw? May pinaghuhugutan lang?

"Ang lalim!" sabi ko

Nagpatuloy ang laro namin at kung ano-ano na ang nalalaman kong balita tungkol sa lovelife nila haha. Marami narin kaming nainom, mga 12 na tanduay at 10 na smirnoff ang nainom namin. Sa lakas naming uminom nila Andy at Shane pati na ang mga boys ay talagang babagsak ang 20 case ng alak hahaha

Nagswimming pa kami hanggang sa tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang araw. Medyo nilamig narin kami kaya umahon na kaming lahat. Nagnight swimming kami at pinayagan ang bawat isa sakanila dahil si Lola na mismo ang nagsabi sa bawat parents nila.

"Ang saya ng night swimming natin
First time ko to" sabi ni Chandria bigla nalang tumayo si Raven kaya sinundan ko sya.

"Raven may problema ba kasi napapansin ko ang tahimik mo" may pag-alala na sabi ko

"Wala masakit lang ang ulo ko kaya tahimik ako" sabi nya sabay talikod

"Kaibigan moko kaya handa akong makinig kung may problema kaman andito lang ako sa tabi mo" sabi ko habang nakayakap sa likod nya hinawakan nya yung kamay ko tapos humarap sya sakin

"Lasing kalang kaya ganyan ka" sabi sabay hawak sa pisnge ko

Raven P.O.V

Hindi ko kayang sabihin yung nandito sa loob-looban ko kasi baka anong magawa ko sakanya pero gagawin ko ang lahat mailayo lang sya kay Blake

Alexis P.O.V

Lumipas ang oras magkasama parin kami ni Raven sa gazebo. Tulog na yung mga iba naming kaibigan pero may biglang nagsalita sa likod namin

"Hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ni Mikaela agad namang akong umalis sa mga bisig ni Raven dahil sa gulat. Yup, magkayakap kami dahil feel ko lang na yakapin sya

"Hindi pa may pinag-uusapan pa kami ni Alexis, Mikaela, ikaw matulog kana baka hindi kana makatulog nyan" nakangiting sabi ni Raven kay Mikaela

"Sige babalik nako sa pagtulog ko" masayang sabi ni Mikaela

"Ikaw hndi kapa ba matutulog?" tanong ko sakanya

"Mamaya na pag matutulog kana para wala nakong iisipin pa pag pinikit ko ang mata ko kasi alam kong maayos kana" nakangiting sabi tsaka nya ko hinalikan tumugon ako sa halik sa tumigil din ako baka may makakita samin

"Ayaw ko nang matulog kasi baka sa paggising wala kana" malungkot na sabi ko. Why I'm telling him this? May nararamdaman na ba ako para kay Raven?

"Pangako bukas makikita mo pako" masayang sabi nya. Hinila ko sya at hinalikan, mabilis naman syang tumugon. Ewan pero feeling ko lang na halikan sya. Lasing nanaman ba ako? Nalasing ba ako sa mga ininom namin kaya feeling ko nagiinit ako? Pero alam ko naman na si Raven to!

"Raven, please, just stay with me" yun lang ang nasabi ko sakanya. Tapos ay tuluyan na akong nilamon ng sobra kong pinapigilan na pagikot ng mundo. Hilong-hilo nako kanina pa.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon