Mikaela P.O.V
"Tama nayan, tingnan niyo lasing na kayo" pinilit kong agawin sakanila ang alak ngunit ayaw nila itong bitawan..
"Hindi pa kami lasing, atsaka last nalang naman ito eh... Wala na ako bukas" pagkatapos sinabi ni Kuya yon ay lumagok ulit siya..
Nandito kami ngayon sa bahay dahil nga nagpadespedida si kuya para sa pagalis niya bukas..
Kagagaling lang namin mag batangas, ngunit dito parin sila dumeretso gusto daw nila makilala kuya ko.. Tingnan mo ngayon lasing na.. Nakauwi nanga lahat maliban lang sa dalawa dito.. Si Nathan at si Shantel.. Parang wala lang kay Shantel yung nangyari nung gabing yon..
"E-ella wuah" nagsuka si kuya at sa kamalasmalasan sa paa ko tumama! Yuck
"Kuya!" malakas na sigaw ko.
"Uwi nako" paalam ni Nathan
"Kaya mo bang magmaneho?" tanong ko dito
"Kung sasabihin kong hindi, pagmamaneho mo ba ako?" sabay tawa nya pa
"Tss uwi" taboy ko sakanya.. Pagkatapos ay lumabas na nga siya..
"Ikaw Shantel dika-" tulog na.... Tulog na sya
Hay naku tulog na silang dalawa paano ba ito ang bibigat panaman nila.. Bahala na?
Una kong binuhat si kuya at kahit magkatama-tama ako sa pader ay pinilit koparin siyang ipasok sa kwarto niya. Sunod naman ay si Shantel, bahala na sa guest room ko nalang siya papatulugin.
"Shantel?" inuga uga ko pa siya ngunit hindi siya nagising.
"Tss maglalasing kasi, ako pa ang namomoblema"
Nang nasa loob na kami ng kwarto ay inihiga ko na siya ngunit ng tatayo na ako ay bigla niya akong hinila kaya napahiga din ako. Masama pa doon ay nasa ibabaw niya ako..
"Mikaela kapag ba niligawan kita sasagutin mo ako?" ano bang pinagsasabi niya?
"Pwede bang bitawan mo ako at nang makatayo ako" inis na sabi ko sakanya.
"Sagutin mo muna ako"
"Nanliligaw ka ba?"
"Sige bukas na bukas liligawan na kita" pagkatapos ay binitawan na niya ako at nagmamadali naman akong pumasok sa kwarto ko. Mikaela, huwag kang maniniwala doon lasing lang siya.. Yun yon.... Yun lang yun
Hanggang sa lamunin nako ng antok
"Ella gumising kana riyan at ihahatid pa niyo ang iyong kuya" napabalikwas ako ng bangon.. Oonga pala nakalimutan ko.
"Atsaka pala yung lalaking natulog dito eh nakaalis na" dagdag pa ni Manang
"Sige po maliligo lang ako" pagkatapos ay bumaba na si manang..
Habang naliligo ako ay naiisip ko parin yung mga salitang pinagsasabi ni Shantel na nakapagpabagabag saakin..
Nang matapos ay bumaba na ako at nakita sila kuya na kumakain na kaya sumabay na ako sakanila.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid namin si Kuya sa airport. Pero bago sya makaalis ay niyakap ko sya
"Kuya mamimiss kita" sabi ko habang umiiyak sa bisig nya.
"Babalik naman ako eh"
"Oo, Alam ko babalik ka pero syempre mawawala ka muna" umiiyak paring dagdag ko
"Para kang bata" at ginulo ang buhok ko bago humiwalay..
Yumakap din siya kay mommy at daddy at pagkatapos ay until unti na siyang nakakalayo
"Bye" pagkatapos ay umalis na siya.
Dumeretso muna kami sa mall para bumili ng makakain ngunit ng matapos ay nagpaiwan na ako dahil may bibilhin ako.
Dumeretso ako sa bilihan ng mga damit at may nahanap akong simpleng shirt na may nakalagay sa gitna na malaking letter M sakto sa pangalan ko.
"Miss, I'll take this" may lalaking nagsalita sa likod ko at ng lingunin ko ay si Shantel ang nakita ko. Ano to sinusundan niya ako?
"Sinusundan mo ba ako?"
"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?" pambabara nya saakin. Tss kainis to!
Binayaran ko na ang damit na binili ko para makaalis na ako dito pero bago ako makaalis ay napansin ko ang biniling damit ni Shantel.. Teka parang pareho kami ah.. Pero yung sakanya malaking K ang nakalagay..
"May hinihintay ka?" tanong niya
"Ah wala"
"Kung ganon sabay na tayo"
Wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sakanya..
"M atsaka K means Mahal Kita" bulong niya
"Ano yon?" tanong ko ulit dahil di ko gaanong maintindihan eh.
"Ah Wala Wala"
Pagkatapos non ay hindi na kami nagpansinan at inihatid niya pa ako saamin.. Tumanggi ako ngunit nagpumilit siya
"Mikaela tulad ng sinabi ko sayo kagabi kung natandaan mo pa?Seryoso ako doon at magsisimula na ako ngayon" bigla niya akong hinalikan sa pisnge at pagkatapos ay tumakbo siya papasok sa kotse niya at mabilis na pinaharurot yon.
What?! Hinalikan nya nanaman ako? Nakakapansin na ako, ah. Pumasok ako sa loob na parang walang nangyari..
"Oh, hija, nakauwi na ka pala. Anong binili mo?" bungad na tanong ni Mommy saakin. Pero seryoso hinalikan nya ako? Bakit parang ang hirap paniwalaan? Kiss lang naman yun, ah. Sa pisnge lang naman ah! Pero kase, Isang King Shantel yun! Badboy sya tapos ako? Isa lang akong hamak na estudyante ng SNH....
"Anak?" tanong ni Mommy sabay hawak sa balikat ko kaya tinignan ko sya ng makahulugan. Ano nga kase yung sinabi ni Mommy? Hay nako... Mikaela mag-focus ka nga! Focus! Focus! Focus
"Ano nga kase yun, Mom?" tanong ko sakanya. Tumawa naman si Mommy
"Tinatanong ko kung ano yang binili mo... Mukhang wala ka sa sarili, anak" mukhang wala nga ako sa sarili. Kainis ka talaga Shantel! Kasalanan mo!
"Heheh bumili lang po ako ng damit" sabi ko sakanya.
"Sige anak, magpahinga ka na muna. Alam ko na wala ka pang maaayos na tulog" sabi ni Mommy. Hay nako buti wala ng masyadong interrogation
"Sige, po. Aakyat na ako" malumanay kong sabi tapos dumiretso na sa kwarto ko. Kasarado ng pinto ay dumiretso ako sa kama ko at tinignan ang kisame
"Ano bang nangyayare sayo Mikaela. Simpleng halik lang yun para mawala ka sa sarili!" sabay tabun ko ng unan sa mukha ko. Pero mabilis ko ring tinanggal, hindi ako makahinga e
"Pero... Hinalikan nya ako! Hinalikan ako ng nagngangalang King Shantel slash Badboy of the SNH! He kissed me!" sigaw ko. Wala namang makakarinig dahil soundproof tong kwarto ko. Pero dapat ba akong mabahala dahil.... Dahil manliligaw daw sya. Hayst. Ewan ko ba! Bahala na si Batman saakin.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...