Chapter 84

43 0 0
                                    

Rose Andy P.O.V

Nagising nalang ako ng tapikin ako. Pagmulat ko ay si Axel ito. Nginitian ko siya ng pilit. Naalala ko nanaman yung kagabi. Erase that in mind, Rose Andy.

"B-babe sorry" sambit niya ba ikinabigla ko.

"Why?" tanong ko habang naghihilamos ng mukha.

"I just want to say that...." napapikit nalang ako ng mapagtanto ko na hindi niya sasabihin saakin ang kasalanan niya.

Habang naliligo ako ay siya naman yung nagluluto. Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin ay bumaba na ako.

"Sarap ata niyan, babe" sabi ko sakanya.

"Syemre" sabi niya. Habang kumakain kami ay bigla akong nagsalita.

"Pinuntahan mo ba siya kahapon?" tanong ko. Siguro alam naman niya kung sino ang tinutukoy ko.

"H-hindi, nagbantay l-lang ako s-sa hospital" Liar. A big liar.

"Good. Remember this, pag umayaw kana ay ako na mismo ang lalayo. Alam mo naman na hindi man ako santo pero mapagpasensya ako lalo na sayo. Pag naubos mo ang pasensya ko ay ako na ang makikipaghiwalay sayo at wala nang balikan yun. Kaya kung gusto mo talaga ako manatili sa tabi mo, huwag kang gagawa ng bagay na ikasasakit ko. Huwag mong subukan, Axel. Hindi ako marunong magbiro" seryoso kong sabi sakanya.

"O-oo n-naman, b-babe"

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Sinabi ko sakanya na samahan niya ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Sinabi ko rin sakanya na magreresign na ako. Marami siyang naging tanong pero isang sagot lang ang sinasabi ko at hindi na iimik pa.

Pagkatapos kong magpasa ng resignation letter ay nagpasama si Axel sa Mall. Tahimik lang akong sumusunod sakanya. Pansin ko rin ang pagbabago sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit parang ang lamig ng pakikitungo ko sakanya.

Naglakad lakad pa kami ng konti hanggang sa kumain kami sa isang restaurant. Ang dating maingay na table namin satuwing kakain ay nababalot na ngayon ng katahimikan.

Pagkatapos namin sa Mall ay pumunta kami sa Hospital. Dinalaw ko si Abigael.

Napatingin ako sa katapat niyang room at naalala kong bisitahin su Luke kaso mamaya nalang. Ayaw kong sabihin kay Axel na may sakit si Luke. Hindi ko alam pero parang ayaw ko nalang.

Pagkatapos ng ilang kwentuhan ay napagpasyahan kong umalis na.

"Sige Abi, aalis na ako. Pagaling ka agad" sabi ko tapos ay lumabas na ng hindi kinakausap si Axel. Pagkababa ko ay magpapara na sana ako ng taxi ng may nagsalita sa likod ko.

"Babe, ihahatid na kita" walang gana niyang sabi. Tinignan ko siya at pilit na nginitian.

"No need, may pupuntahan pa ako" sabi ko.

"Babe, huwag naman ganito. Tara na" sabi niya. Naawa ako sa tindig niya kaya tumango nalang ako

"Fine" sambit ko. Sumunod nalang ako sakanya patungo sa kotse niya.

Hanggang sa hinatid niya ako ay wala parin kaming imikan. Baba na sana ako sa kotse niya ng hilain niya ako at yakapin.

"May problema ba, babe? Kanina ang saya naman natin. Okay naman tayo kanina. Ayaw ko ng ganyan ka. Hindi ako sanay. I love you" sabi niya tapos ay hinalikan niya ako sa noo.

"Huwag mo muna ako puntahan ng ilang araw. Ako nalang mismo ang pupunta sayo" seryoso kong sabi.

"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"Huwag ng maraming tanong, babe. Basta hintayin mo ako"

"Hindi ka naman gagawa ng ikapapahamak mo diba?"

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon