Mikaela P.O.V
Maaga akong nagising para sana ipagluto ng almusal si Shantel. Naligo muna ako at pagkatapos ay nagbihis. Nang pagbaba ko papunta sa sala ay may naaamoy akong mabango galing sa kusina kaya lumapit ako at nakita kong nagluluto si Shantel--- teka marunong ba siya?
"Shantel marunong kang magluto?" nagtatakang sabi ko o sabihin na nating namamangha.
"How many times do I have to tell you that it's baby not shantel."
"Dahil pangalan mo ang Shantel. Kaya iyon tinatawag sayo" palusot ko nalang.
"Shantel is my name, yes. But you're my baby... And I need to be your baby too" nagtatampo na yung boses niya. Tumalikod na siya at humarap sa niluluto niya. Natawa nalang ako para sa simpleng Shantel lang magtatampo na siya.
"Baby ano bang niluluto mo diyan?" tanong ko sakanya at yumakap ako sa likod niya. Susuyuin ko siya baka sakaling mawala yung tampo niya.
"Don't hug me" nagtatampo parin siya na parang isang bata.
Hindi ko siya pinansin at nananatili parin ang kamay ko sa katawan niya.
"Hindi kasi ako sanay na tinatawag kang baby" palusot ko nalang.
"Kaya nga sinasanay kita"
"Oo na, BABY" pinagkadiinan ang salitang baby.
"Good" pagkatapos niyang magluto ay kumain na kami. Pero habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.
"Siya nga pala, saan ka natutong magluto?" tanong ko. Wala kasi sa itsura niya na magaling siyang magluto.
"Noong bata kasi ako mahilig akong manood kay manang tuwing nagluluto siya. Kaya ayon mabilis kong natutunan." mahahalata mong sa boses niya na nagyayabang siya. Tingnan natin.
"Alam mo bang magluto ng Sinigang at adobo?" binanggit ko yung mga bagay na alam kong iluto.
"Basic food? of course."
"Tinola?"
"Yes"
Nakakagulat man pero hindi ko pinahalata. Ako kailan lang ako natuto. Pati nga sa pag dadrive, tinuruan lang ako nung pagkagraduate ko. Eh siya bata palang siya andami na niyang talent.
Nanahimik nalang ako at pati siya ay hindi narin nagsalita. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may tumawag sa cellphone ni Shantel na nasa table. Umilaw ito kaya nakita ko yung wall paper niya.Yung picture naming dalawa.
Brother Calling...
It's Sander... Mabilis naman niya itong sinagot.
"Anong kailangan mo?" -Shantel
Hindi man lang ba niya kakamustahin yung kapatid niya.
"Enrolment na. Umuwi ka na muna" -Sander
"Okay."
Then he hung up the phone.
"Ngayon na pala yung enrolment"
"Talaga?"
"Yes, uuwi muna ako. Magpapalit lang ako ng damit pagkatapos ay magkita nalang tayo sa school."
Nang makauwi na siya ay naligo muna ako at mabilis na nagbihis.Tumawag pa si Shane saakin para itanong kung magpapaenroll daw ba ako. Sinabi ko oo .kaya napagusapan ng lahat na sabay sabay na kami.
Nang makarating ako sa school kung saan kami magkikita kita ay nadatnan kona silang lahat maliban kay Shantel.
"Where's Shantel? hindi mo ba siya kasama?" -nathan.
"Hindi man eh. Umuwi muna siya kanina galing sa bahay?"
"Sa bahay niyo siya natulog?" -silang lahat.
"Oo" it's Shantel, na ngayon ay nasa gilid kona at nakaakbay sakin.
"What?" tanong nila.. "Sa guest room siya natulog" pagkukumpirma ko. Inunahan ko na siya dahil baka ano pa ang masabi niya.
"Ahhhh" sabay sabay nanaman sila. Kaya sabay sabay kaming nagsitawanan.
"Kayo ano anong pinagiisip niyo." sabi nalang ni Shantel.
"Ano bang iniisip namin?"
"Wala" sabi nalang ulit niya para tumigil na sila.
Sabay sabay kaming nagpaenroll. Nakakalungkot lang dahil hindi pare pareho ang mga course ng bawat isa maliban lang saming dalawa ni Chandria dahil accountant pareho ang kinuha naming kurso.
Bale 1 week nalang ang natitirang bakasyon namin. Susulitin na namin dahil kapag nagklase na paniguradong busy na naman ang bawat isa.
"Guys bonding naman tayo. Hindi na natin magagawa yon kapag nag klase
na." -Nathan"Puro nalang bonding"
reklamo ni Raven."Kung ayaw mo edi huwag kang sumama. Easy bro"
Tumawa naman si Axel.Pero sa huli nagsama rin yung mga boys, mag babasketball daw sila. Kami namang mga girls ay pupunta sa mall. Mamayang gabi naman ay magkikita kita ulit kami sa bahay nina Shantel.
Una naming ginawa sa mall ay kumain. At ngayon ay nandito kaming lima sa salon. Gusto ko mang tumutol ay hindi ko na ginawa dahil alam ko namang pipilitin at pipilitin nila ako hanggang sa pumayag ako.
Una ay sa kuko, sumunod ay sa buhok pagkatapos ay inayos ng konti ang kilay namin at nilagyan ng konting kalorete. Sunod naming ginawa ay mamili ng mga damit. Pinili ko lang ay ang pinakasimple dahil hindi rin naman ako sanay mag dress.
Nang mag gabi na ay pumunta na kami sa bahay nina Shantel.
Habang naglalakad papasok sa bahay. Para kaming mga model sa hitsura at paglalakad namin. Nang makapasok na kami sa loob parang mga rebulto sila dahil sa pagkakaestatwa.
"Hello guys" sabay sabay na bati namin sa kanila pero hindi parin sila gumagalaw o nagsasalita. Nagkatinginan kami at natawa nalang sa mga naging reaksyon nila.
Lumapit kami sa kanya
kanya naming mga boyfriend at humalik sa pisnge."Hey you okay?" Atsaka ko siya tinapik sa mukha.
"A-ah oo"
"Seriously, nag paganda pa kayo para saamin." pagkatapos sabihin ni sebastian ay humalakhak silang lima, ayan nanaman sila.
"Bakit hindi niyo ba nagustuhan?" -Chandria
"Kahit hindi na kayo magpaganda. You're all beautiful." -Nathan
"Really?" -Shane
"Mga bulero kayo" bwelta ni Andy.
"Babe, ah. Kailan ba ako nagkulang ng pagmamahal sayo?"
Alexis POV
"Babe, ah. Kailan ba ako nagkulang ng pagmamahal sayo?"
"Ang sweet nila, Heart. Inggit ako" sabat naman ni Raven.
"Edi inggit ka. Duh" sagot ko naman.
Pagkatapos nilang sabihing maganda parin kami kahit hindi nakaayos ay mabilis kaming nagpaalam sakanila at hinanap kung saan ang guest room nina Shantel. Mabuti nalang at alam ni Mikaela kung saan namin iyon matatagpuan.
Matatawag niyo na kaming baliw ngayon. Dahil pagkatapos naming gumastos at magsayang ng oras sa parlor ay nauwi lang sa ganito. Nagpalit ulit kami ng damit na suot namin kanina. Then, we washed our face.
Pagbalik namin ay kami naman ang nasorpresa dahil sa nakikita namin.
Silang lima ay naka tuxedo na akala mo may prom sa pinasukan nila.
"Why did all of you change you're clothes?" -Shantel
Pero imbes na sagutin sila ay tinawanan lang namin.
Napapahiya silang tumalikod at naglakad paalis.Nang bumalik sila ay nag iba na ang suot nila. Makikita mo sa mukha nila ang disappointment.
Ginawa lang namin buong mag gabi ay uminom at nag kwentuhan.
Hanggang sa nag si uwian na ang bawat isa saamin.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...