Chapter 57: Rose Andy

65 1 0
                                    

Rose Andy P.O.V

Pagkatapos sinabi ni Axel ang nga sinabi nya ay mabilis rin syang umalis. Is that a confession? Damn hindi ako sanay nakakarinig ng sweet message kundi ito galing kay Luke. Gusto ba ako ni Axel? Tss bakit hindi nalang ako diretsuhin, hindi yung pa mysterious..

"Bakit umalis na si Axel?" tanong ni Mama. Bakit ba umaalis ang isang tao? Malamang may gagawin o iiwasan.

"What do you think?" tanong ko sakanya. Inirapan ako ni Mama at binigyan ako ng nakabalat na apple. Mabilis akong kumagat dahil gutom narin ako.

"Umayos ka nga, Rose. Kaya marami kang natatanggap na death threat, e" malumanay pero alam mong may pagkasarcastic na tono nyang sabi. Wala naman syang pake kung makatanggap ako ng death threat.

"That is just a threat, it won't kill me" sagot ko sakanya. Nagbabanta nga sila hindi naman sila kumikilos, parang wala rin. Puro sila satsat. Puro salita pero hindi naman kumikilos. Duh

"Anak, please take care of yourself" seryoso nyang sabi. Tss kung sya sana yung nag-aalaga saakin. Hayst. Ayoko na ngang makita si Mama. Letche

"Can you please leave? Nababanas na ako sa mga paalala mo saakin na dapat ginagawa mo dahil ikaw ang nanay ko" seryoso kong sabi sakanya. Pansin ko na natigilan si Mama. Tss

"Bakit ka ba nagkakaganyan, Rose?! Alam mo ba na nahihirapan na akong pakitunguhan ka?! Sobra mo akong sinasaktan na parang hindi mo ako nanay! Ni minsan ba hindi sumagi dyan sa isipan mo na nahihirapan rin ako para sayo?!--------"

"Alam mo na pala na nahihirapan ako bakit ka pa lumandi?!!!" isang malakas na sampal ang nakuha ko kay Mama. Nakita ko na tumutulo ang luha nya. Nanatili lang akong seryoso habang nangingilid narin ang luha ko.

"Hindi ako nanlandi, anak. Fix marriage lang ang meron kami ng Papa mo. Nainlove ako sakanya at ganun rin sya saakin pero bumalik sya sa dating sya nung balik yung ex nya. Kinalimutan nya ako na parang hindi nya ako asawa. Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko sa Papa mo? Harap-harapan kong nakikita kung paano sya mambabae! Alam mo ba kung gaano kasakit na makita syang may katalik na iba?!!" sabi nya saakin habang tuloy-tuloy ang luha nya. "Tapos nakita ko ulit ang first love ko which is Renz. Mahal nya ako kaya natutunan ko rin syang mahalin ulit. Rose, patawarin moko kung sobra akong naging makasarili. Gusto ko namang sumaya, anak. Gusto----"

"Kaya ang kapalit ng saya mo ay ang pagdurusa ko. Ganun ba, Ma?" tanong ko habang lumuluha narin. Bigla ko nalang naalala ang mga taon na sobra akong naghihinagpis dahil iniwan ako ng nanay ko.

"Hindi ganun, Rose-----"

"Ganun yun Ma! Pagbali-baliktarin mo man ang mundo ay iniwan mo parin ako! Bakit hindi ka nalang nag-stay kahit para lang saakin? Bakit mas pinili mong maging nanay ni Mia at Renz habang may anak ka rin naman na iniwan?! Ma! Ang sakit.... Ang sakit na nakikita kitang masaya kasama nila habang ako nag-iisa. Nung nakipaghiwalay ka kay Papa hindi mo man lang ba naisip na kailangan ko pa ng Nanay----"

"Hindi naman ako aalis, Rose. Nandito parin naman ako"

"Nandyan nga ang presensya mo pero hindi naman para saakin. Sabihin mo nalang na hindi mo talaga ako naalagaan kaya nagkakaganito ako. I'm a rebel girl at kilalang-kilala sa mundo ng mga kung ano-anong masasamang organisasyon. Hindi na ako yung dati mong anak, wala na sya. Pinatay ko na" marahan nyang hinaplos ang pisnge ko pero tinabig ko lang ito. Tinignan ko sya ng walang kabuhay-buhay.

"Leave now, Mrs. Velasco" cold kong sabi. Pero mukhang nag-aalanganin pa sya. Walang gana akong humiga sa hospital bed at pumikit.

"Leave. Your patient will rest" sabi ko. Nanatili akong nakapikit at naramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon