Chapter 11

118 11 2
                                    

Mary Chandria P.O.V

Hay... Nandito ako ngayon sa Dean's office talagang lagot ako kay Mommy and Daddy. Kung kelan grade 12 na ako ngayon pa ako na office hay... Paano na nyan to? For sure madidisappoint nyan sila saakin.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae.

"So, girls ano ang nangyari bat kayo nagkagulo? At dito pa talaga sa loob ng school natin" tanong ng dean ng naka-upo na kaming lahat

"E kasi po dean nauna naman po talaga silang nanampal kaya gumanti lang po ako" ako na ang unang sumagot para i-depensa ko sa sarili ko. I need to clean my name...

Tumingin si dean kay Ms. Gonzales "Totoo ba ito Ms. Gonzales?" tanong ng dean.

"Opo dean" nakayukong sagot nya.

"Bakit ka naman nila sinampal?"

"Pinagtatanggol ko lang naman po sya dean e binubully po kasi nila sya tapos bigla nalang po nila akong sinampal" pageexplain ko

"Dapat nagsumbong ka nalang at di mo na sya sinampal" sabi nya. Napayuko nalang ako

"Sorry po, hindi na po mauulit" nakayukong sabi ko.

"O kayo naman Ms.De Vera at Ms. Sampal bakit kayo nag away?" Medyo galit na sabi ng Dean. Oo nga pala. Hindi pala sila kilala ng dean. Wait! Kilala ng Dean tong blonde girl? Wow! Bakit kaya?

"Siya po kasi ang nauna binagga nya po ako kahit wala naman po akong ginagawa" Nakaturong sabi nung babaeng black ang buhok

"Duh! Humaharang ka kaya sa dadaanan ko!" sagot naman nung blonde ang buhok

"Anong humaharang? Ang lawak lawak ng daan! Ang sabihin mo sinadya mo talaga yun!" pasigaw na sagot nung black hair

"E ano naman ngayon kung sinadya ko?" Nakataas ang kilay na sabi nung blonde hair

Tatayo at susugurin na sana ni black hair si blonde hair ng biglang nagsalita ang dean.

"Tumigil kayo! Hindi na kayo nahiya sa harap ko pa kayo nagsisigawan?!" mariin na giit nito

"Sorry po, Dean" nakayukong sabi ni black hair. Samantalang si blonde hair parang wala lang sakanya. Hays... Bitch talaga.

"O ikaw naman Ms. Valencia bakit ka nagdiditch ng klase?"

"Nakakabored e" walang emosyon na sabi nito.

"Anong sabi mo?!" Galit na sabi ni Dean.

"Hindi na mauulit, okay?" walang galang na sabi nito.

"Maipapangako nyo ba na hindi nyo na uulitin ang makipagaway at mag ditch ng klase?"

"Yes dean"- Mikaela

"Yes po"- Ako

"Susubukan ko"- black hair

"No!"- blonde hair

"Ewan lang"- Ms. Valencia

"Maipapangako nyo ba?!" Paguulit ng dean at sa pangalawang paguulit nya ay medyo tumaas ng ang kanyang boses.

"Yes, Dean" sabi naming lima.

"Dahil sa ginawa nyong yan magkakaroon kayo ng parusa"

"Anooo?!"- Black hair

"Whaaat?!"- Blonde hair

"Tutal wala namang banda ng mga babae dito sa Silver National High kayo ang magiging girl group. Magiging isang banda kayo"

"Hell noooo!"- Ms. Valencia

Ako at si Mikaela ay walang kibo kanina pa hindi tulad sa tatlo na puro reklamo. Handa ko naman gawin lahat ng sabihin na parusa ng Dean, may kasalanan din naman kasi ako.

"Ang tumangi sa parusa ko na tayo ay may panibagong parusa. Maglilinis lang naman sya ng bawat cubicle sa campus, maglilinis ng bawat classroom araw-araw, at taga linis ng canteen sa buong school year."

Napanganga kaming lahat. Masgugustuhin ko ng maging part ng banda kesa gawin lahat ng sinabi ni Dean.

"So ano magiging girl group kayo sa isang banda? O gawin lahat ng sinabi kong parusa?" nag-isip muna yung tatlo tapos nagtanong ulit ang dean "Kakanta o maglilinis?"

"Kakanta" agad naming sagot dahil mas gugustuhin na naming kumanta kesa maglinis..

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon