Rose Andy P.O.V
Nandito ako ngayon sa trabaho ko at hinihintay si Axel na sunduin ako dahil nakagawian na. Sinabi ko sakanya dati na kaya ko naman kaso mapilit siya, Kaya hinayaan ko nalang.
11 niya ako sinusundo dahil ang pagsasara naman ng Coffee shop ay 10:30, ang nakakapagtaka lang ay wala pa siya. 11:30 na kase...
Ni-try ko siyang tawagan kaso hindi sumasagot. Ni-text ko pero hindi nagrereply. Naiinis na ako dahil ang tagal niya, nangyare na'to dati at nag-away lang kami. Kaya 'patiently' hihintayin ko siya kahit anong mangyare dahil baka magsalisi lang kami.
Tss bakit nga ba ako nagtatrabaho? Para lang naman ipamukha sakanila, mga magulang ko na, hindi ko kailangan ng pera nila. I can make it on my own. Maayos naman kami sa isa't isa pero gusto ko na sariling pera ko ang ginagastos ko.
'Babe, I'm starting to get cold. Where are you?'
Text ko sakanya.
"Andy, hindi ka pa ba uuwi? Isasara na kase tong shop. Okay lang ba sa labas ka maghintay?" tanong ni Jasmin, kasama ko sa trabaho. Mabait siya kaya nagkasundo kami ng konti.
"Oo, okay lang. Kasama ko naman si Kuya Guard e" sabi ko. Lumabas na kami ng shop at tuluyan na itong isinara. Malelate nanaman ata ako bukas dahil sa sobrang pagod ko ngayong araw.
"Manong Guard, pwedeng hiramin tong upuan mo? May hihintayin lang ako" tanong ko.
"Oo naman. Tagal ata ni pogi ngayon ah?"
"Baka traffic" sagot ko nalang. Habang nakaupo ako at hawak ang bag ko ay ramdam ko na bumibigat ang talukap ng mata ko kaya hinayaan ko nalang na lamunin ako ng antok at hintayin siya.
"Hija?" nakaramdam ako ng mahinang magyugyog. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Manong Guard na naawa akong tinitignan. Wala parin siya? Tinignan ko ang oras at nanlaki ang mata ko ng makita ko na 1:26 na... Bakit wala siya? Nagsimulang magtambol ang dibdib ko sa kaba. Tangina asan siya? At bakit may jacket ako?
"Ay sorry Manong, need niyo na po ba yung upuan?" tanong ko tapos ay tumayo na. Umiling ito at pansin ko ang pagkaawa niya saakin. "Sainyo po ba to jacket? Ito po o" kaso umiling ito at nginitian ulit ako.
"Ipinabigay yan nung babae basta huwag mo nalang daw ibalik. At huwag ka narin daw magtanong" babae? Sino?
"Umuwi kana, hija. Baka hindi darating ang nobyo mo. Maawa ka sa sarili mo, mukhang pagod na pagod ka pa naman" sabi niya saakin. Tumango ako at nagpasalamat. Paano ako uuwi niyan? Wala pa naman din dumadaan na sasakyan.
Nilakad ko ang coffee shop hanggang sa bahay. Inabot na ako ng umaga pero hindi man ako nakaramdam ng pagmamanhid ng paa o kahit pagantok man lang. Gusto kong marinig ang paliwanag ni Axel. His damn reasons.
Naligo ako at nagbihis na. Pansin ko ang laki ng eyebags ko pero hindi na ako nagabala pa na maglagay ng kung ano.
Kinuha ko yung susi ko at mabilis na ipinaharurot ang motor ko, papunta sa SNH. Walang pasok ngayon dahil sa Christmas break pero dahil naghahanda sila Axel para sa 'concert' ng banda nila ay pwede kaming makapasok. Ang tatlong grupo sa SNH ay pwedeng makapasok. Hindi lang ako familiar dun sa isang grupo dahil pang sayaw sila.
Nang nakarating ako sa SNH ay mabilis akong nagtungo sa Music Room. Humahangos pa akong dumating doon kaya nakuha ko ang atensyon nila. Hindi parin sila kumpleto. Tanging sila Nathan, Shane, Sebastian, Alexis, Shantel, and Mikaela palang.
"Where's Axel?" tanong ko.
"You don't know what happened?" takang tanong saakin ni Nathan. Ano bang nangyare? Bakit ba kase hindi siya nagtext?
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...