LAST CHAPTER

76 2 0
                                    

Shane P.O.V

2nd year college na kami ngayon.. And ang malas dahil lunes na lunes
may sakit ang lalaking dapat kasama ko maglunch ngayon paano ba naman may sakit.. Gusto ko sana pupunta nalang ako sa mansion nila para maalagaan ko sya.. kaso di pwede kasi may exam kami.. Aish kumusta na kaya sya? Makakain na nga lang.

Nathan P.O.V

Hayy.. Nakakainis. Bakit kasi ngayon pa ang Exam? Di tuloy sya pwedeng mag-absent para maalagaan nya ako. Ako maeexcuse pa dahil may sakit ako. Pero sya hindi. Hindi naman valid reason na aalagaan nya lang ako eh hahaha

Hmm.. Ano kayang ginagawa nya ngayong lunch break? Malamang kumakain. Aish tanga ko.

Biglang may pumasok sa kwarto ko, si Mom.

"Anak, aalis muna ako. Nandito si Nicole, bestfriend parin naman kayo diba? It's been years since that day..." sabi ni Mom. Ay oo nga pala okay na kami. Hindi ko pa pala nasasabi kay mom na nagkaayos na kami.

"Okay na kami, mom. Hahaha tagal na nun, di na kami bata para hindi maayos yun"

"Ay ganun ba, anak? Pinapunta ko pa naman din siya dito para alagaan ka" what?!! Okay lang naman yun hahah hindi naman na masyadong selosa si Shane, nagmatured na kami.

So ayun buong araw kami nanuod ni Nicole ng movie at ang saya talaga sa pakiramdam kapag okay ang lahat.

Sinabi rin saakin ni Nicole na pumunta daw ako sa engagement party nila, business matter daw pero when destiny strikes hahah talagang magiging swerte ka... Dahil yung crush niya yung na-engage sakanya. At sila na hahha. Ang galing talaga ng tadhana.

"Mauna na ako, Nathan. Hanap na ako ng asawa ko" tapos ay humalakhak siya ng napakalakas. Tumawa nalang rin ako. 5:30 P.M. na darating kaya si Shane?

Shane P.O.V

Papasok na ako sa bahay nila Nathan ng makasalubong ko si Nicole... What?!! Nicole? Anong ginagawa niya dito?!

"Hi, Shane.. Long time no see hahah. Pero sad to say ay aalis na ako. Maybe next time?" tanong ni Nicole saakin. Parang na threatened ako sa presensiya niya kahit wala namang dapat ika-takot... Paranoid na ata ako.

"Kapag may oras" sagot ko sakanya. Nagpaalam na siya at umakyat ako sa kwarto ni Nathan.

"Loves! Hay salamat at dumating ka rin" umirap ako sakanya.

"Hindi mo sinabi saakin na dumating si----"

"Hahah nakasalubong mo siya? Huwag kang magselos okay? Napagusapan na natin to. Wala namang dapat ika-selos dun. Loyal ako sayo" sabay kindat niya saakin.

"Kahit na! Mas mata---"

"Ikaw naman ang mahal ko... Kahit sino yan, kahit gaano ko pa katagal kasama ay ikaw lang okay?" lumapit ako sa higaan niya at umupo. "At ikakasal na siya" sa sinabi niya ay dun ako nagulat. For real?

"Talaga?"

"At invited tayo sa engagement party niya. Kaya tama na ang hinala dahil minsan hindi ito tama" tapos ay tumawa siya.

"I love you" bigla ko nalang nasambit sa gitna ng pagtawa niya kaya napaayos siya ng upo sa kama niya. Sandali niya lang tinawid ang distansiya namin para yakapin ako, ramdam ko rin ang init ng katawan niya.

"I love you too" sagot niya na nakapagpangiti saakin.

---

Chandria P.O.V

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon