Alexis P.O.V
Ngayon araw nakatakda ang pag uusap namin ni Blake dahil may importante daw siyang sasabihin sakin. Naligo nako at nag bihis kalabas ko bumungad sakin si Lola.
"San ka pupunta, Alexis?" tanong sakin ni lola.
"May kakausapin lang ako, lola" sabi ko at naglakd na.
"Manong, hatid mo ko sa MC park" sabi ko at magalang niya akong pinapasok sa kotse.
*
Nandito nako sa MC park at tinext na si Blake. Nagulat ako ng may kumiliti sakin.
"Ano ba! Hindi ka nakakatuwa" sermon ko sakanya... Nandito na siya.
"Sorry na" nakapout na sabi nya.
"Ano bang pag uusapan natin?" tanong ko.
"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa mga ginawa ko sayo" may pag ka malungkot na sabi nya.
"Sana noon pa, Blake, para napatawad kita agad" madiing sabi ko.
"Sorry, pero ngayon handa nakong pakawalan ka. Sorry kasi nasaktan kita. Hindi ko alam na nagiging selfish na pala ako pero ngayon, I'll set you free" may biglang tumulong luha saking mata. Sawakas makakawala narin ako sa hinanakit ko sakanya. Malaya na kami sa sakit na hatid namin sa isa't isa.
"Blake, sorry din sa mga panahon na galit na galit ako sayo. Thank you for letting me go" naluluhang sinabi ko. I think this is a closure for us.
"Pero sana pagbigyan moko sa hiling ko" nakangiting sabi nya.
"Ano yon?" tanong ko. Bigla nalang siyang tumungin sa baba at namula. Nagbablush ba siya?
"Bakit ka namumula?" natatawang tanong ko.
"Wala lang" umiiwas niyang sabi. "Yung pakikiusap ko sana kung pwede habang hindi pako umaalis sana kausapin mo ko, pansinin mo ko yung parang ginagawa ng magbestfriend" nakangiting sabi nya.
"Oo naman pero aasahan ko pagbalik mo may bago kana" pangasar ko sakanya.
"Sana tumagal kayo ni Raven" nakangiting sabi nya.
"Tss. Don't torture yourself. I know you still love me" assuming kong sabi. That was supposed to be a joke but he turned into serious face and say.
"I will get over you, Alexis. Not now but soon" mapait na sabi niya. "Pero ito tatandaan mo pag sinaktan kanya andito lang ako. Handa akong balikan ka. Handa akong magpakatanga at maging panakip butas mo" seryosong sabi nya.
"Hindi ako kayang saktan ni Raven" tiwala kong sabi. Hindi niya ako sasaktan.
Blake P.O.V
Handa nakong iwan si Alexis pero handa din akong bawiin sya sa oras na lokohin sya ni Raven. Habang nag uusap kami bigla akong may naalala, may usapan pala kami ni Raven sa starbucks.
"Alexis, tara hatid na kita kasi may pupuntahan pako"sabi ko sakanya tumango nalang sya
Nang nahihatid ko na sya agad kong pinaharurot ang kotse ko. Karating ko sa starbucks andon na sya pero kapasok ko nakatingin lang naman lahat ng babae saakin.
"Blake take a sit" sabi nya sakin. Ano nakain ng lalaking to at ganito ang ugali nya? Parang may mali.
"Sorry kung naghintay ka. Nakipag kita kasi ako kay Alexis eh. May sinabi lang ako sakanya" bigla nalang nag iba ang ekspresyon ng mukha nya.
"Diba sabi ko sayo layuaan mo si Alexis" mahina at mariin na sabi nya. Ramdam ko na nanggigigil siya saakin.
"Don't be jealous, she loves you" nakangising sabi ko.
"Oo nga pala bakit moko pinapunta dito? May kailangan ba tayong pag usapan?" usal nya.
"Madami at tungkol kay Alexis" nakangsing sabi ko.
"Anong tungkol sa kanya?" kunot nuong tanong nya.
"Madami" maiksing sabi ko.
Raven P.O.V
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mokong nato pero parang may hindi pako alam kay Alexis.
"Madami" sagot nya sakin.
"Like what?" maiksing tanong ko.
"Yang nararamdaman nya para sayo" mahinang saad nya.
"So?" maikling saad ko.
"Ito tatandaan mo sa oras na saktan mo si Alexis babawiin ko sya sayo. Mabuting tao si Alexis pero sa oras na gaguhin sya wala ka nang babalikan pa." sagot nya.
"Alam ko Blake, hindi kailangan ipamukha na sobra mo siyang kakilala. At isa pa, hinding hindi ko sasaktan ang GIRLFRIEND KO. I love her. So please excuse me" sabi ko tapos ay umalis na sa lugar na yun.
Alexis P.O.V
Tatlong araw ko nang hindi pinapansin si Raven. Hindi ko alam pero parang nag bago sya. Merong nagiba pero hindi ko mawari.
Kasalukuyan akong nag bibihis ng may kumatok
"Ate, kain na daw" sabi ni Angela.
"Sige bababa na" sagot ko.
Kababa ko, nakita ko silang lahat. Buong pamilya namin ay kumpeto.
"Apo, upo ka at may pag uusapan tayo" iwas na tingin sakin ni lola.
"Ano pong pag uusapan natin?" masayang sabi ko.
"Apo, dito na ulit titira ang mommy mo" sabi sakin ni Lola at biglang lumabas sa kusina si Mommy. Bigla akong tumayo at dinuro ang babaeng nag paiyak kay daddy ng halos limang taon.
"You! What are you doing here?!" sigaw ko.
"Alexis! Magbigay galang ka naman sa Mommy mo!" sigaw sakin ni daddy.
"Mommy?! Naging nanay ba sya sakin ha?! daddy" balik na sigaw ko kay daddy at umiiyak nako. Ayoko yung umiiyak nako kasi parang ang hina hina ko na. Ganun rin si Angela na umiiyak na. Siguro wala man siyang komento sa mga nangyayare pero alam ko na nasasaktan rin siya. Kapatid ko siya e.
"Mga anak, alam kong nasaktan ko kayo dahil sa pag iwan ko sainyo pero sana mga anak mapatawad niyo ko" naiyak na sabi ng mommy ko. Magaling na artista nag papaawa.
"Buti alam mo at sana hindi kana bumalik sa buhay namin dahil hindi ka naman namin kailangan" umiiyak na saad ko.
"Alexis tama nayan! Nanay mo parin sya kaya wala kang karapatan na sabihan sya ng ganyan!" sigaw sakin ni daddy.
"Daddy yan ang mahirap sayo! Masyado kang tanga sa pagmamahal mo kay mommy" mahinang sambit ko.
"Franco, Alexis, Tama na yan walang patutunguhan yang pag aaway nyong mag ama" suway samin ni lola hahabang si lolo ay mataimtim na kumakain.
"Wag mokong pagsabihan lola si daddy ang pag sabihan mo at hindi ako"madiing sabui ko
"Yan na ba ang natutunan mo sa lalaking yon ha?! Alexis! ang pagiging suwail" sigaw sakin ni Daddy.
"Walang kasalanan dito si Raven, kaya wag mo syang idamay dito daddy!" sigaw ko kay Daddy. Sasampalin na sana ako ni daddy ng mag salita si lolo.
"Franco, tama nayan. Mahiya naman kayo saamin" mahinahon pero madiin at maawtoridad na sabi ni lolo.
"Sige kampihan nyo ang apo nyong magaling, ganyan naman kayo" saad ni daddy kay lolo.
"Tama na. Kung ayaw nyo ako dito okay lang, aalis ako. Alam kong ito ang gusto mo anak" umiiyak na sabi niya.
"Ang galing umarte. Best actress" sabi ko sabay palakpak.
"Alexis!" suway sakin ni lola.
"Tapos na batong palabas nato? Kasi ako nakakatulog na, nawalan narin ako ng gana kumain" saad ko sakanila tinignan ko si lolo at tumango nalang siya kaya umakyat nako.
Sanang hindi na siya bumalik. Hindi ko naman siya kailangan. Bakit kailangan bumalik nung mga umalis na nang matagalan? Kung kailan nakaya mo na ay magpapakita pa ulit.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Подростковая литература"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...