Chapter 10: Ditch

129 12 0
                                    

Rose Andy P.O.V

After namin mag-lunch ni Luke ay nilibot namin ang Campus. At dahil transfer ako ay hindi ko alam na ganito pala kawild rito. May mga nag-aaway kase. At nang napadaan kami sa likod ng Campus ay may nakita kami na grupo na nag-aaway. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Lalaking nag-aaral habang nakikipag-away ang mga kagrupo nya.

"Tara na, Andy" sabay hila saakin ni Luke dahil parang natulala ako sa lalaking yun....

Shit! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nag-aaral habang may nag-aaway sa harap nya. Parang wala syang pakielam sa mundo. Cool.

"Nakita mo yung lalaki kanina?" tanong ko kay Luke at sya naman ay napatingin saakin.

"I mean yung nag-aaral habang may fight" paglilinaw ko.

"Crush mo?" seryoso nyang tanong... WHAT?! Crush agad? Hindi pwedeng naastigan lang?

"Hindi no! I find it cool" sagot ko sakanya. Napansin ko na nasa tapat na kami ng classroom. Kaso may binulong sya....na ikinapula ko ng husto..

"Kailangan ko yatang mag-aral ng mabuti"

Yun ang nangyari saamin at ngayong nagtuturo ang lecturer ko ay lutang ang isip ko.

"Ms.Valencia.... are you listening?" medyo napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang lecturer namin na nag-sasalita. Bakit hindi nalang kasi pagpapakilala ang ginawa namin? Bakit kase discuss agad?

"Nope" wala galang kong sagot. Kung sasabihin kong oo ay tatanungin nya lang ako.

"Ms.Valencia!" sigaw nya kaya umirap nalang ako at tumayo.

"I find this class boring. Bye, Ma'am" tapos dumiretso na kong umalis. Mas masaya pang maghunting ng trabaho.

---

Second day of class na ngayon kaso tamad parin akong pumasok. Masaya pa atang maghunting ng trabaho gaya ng ginawa ko kahapon. Napipilitan nga lang ako dahil matinding sermon ang inabot ko kay Luke. Sabi nya.

"What? Nagditch ka ng 5 subjects mo? Sana nagsabi ka man lang para hindi na ko naghintay" badtrip na sabi nya saakin kaya ang ending ayun! Hindi nya ako kinausap pa kahit kinukulit ko sya

Kaya naman ngayon ay susubukan kong hindi sumagot sa mga lecturer ko at hindi magditch.

Nang marating ko na ang school ay dumiretso ako sa classroom at tinext si Luke na 'Bati na tayo... Nasa classroom ako' hindi sya nagreply kaya hindi ko na kinulit.

Dalawang subject palang ang natatapos ko pero nabobored na ako. Gusto ko ng maka-usap si Luke! Kainis naman kasi yung lalakeng yun, e! Nagtampo pa ang bwisit!

Nang matapos na ang 3rd subject ko dali-dali akong lumabas sa classroom kaso tinawag ako ng lecturer ko at sinabing

"Ms. Valencia, Dean's wants to talk to you" seryosong sabi nito.

Ano namang kailangan ng dean na yun? Duh! Kung kailan nagmamadali at may gusto kang kausapin ay eepal naman sya!

"Mabilis lang ito" sabi nya ng makita na mukhang hindi ako interesado. Sumunod ako sakanya at ng marating namin ang Dean's office ay tumambad saakin ang apat na Silverian at ang Dean.... So, anong meron?

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon