Chapter 16

107 6 0
                                    

Rose Andy P.O.V

"Nandyan na pala ang ating mga girlgroup band" sabi ng Dean.

Nanatili kaming nakatayo dahil wala ng upuan. Kainis naman ang mga lalaking to! Hindi ba naman kami paupuin. Pansin ko rin ang uneasy move ni Shane parang hindi sya komportable.

"Ano ang desisyon nyo?" tanong ng dean. Tumikhim si Alexis at nagsalita.

"Ready na kami na maging girlgroup ng school na to" walang galang na sabi ni Alexis.

"Alexis" suway sakanya ni Chandria

"Uhmmm... Pero hindi naman po siguro ito makakagulo sa schedule namin bilang estudyante? Sana po ay hindi" sabi ni Mikaela. Why are they so grade conscious? Minsan nakakainis! Masyado nila itong pinoproblema to the point na hindi na sila nageenjoy.

"Hindi naman, Ms. Gonzales" nakahinga ng malalim si Mikaela lalo na si Chandria.

"Tuwing saturday ay may pasok kayo. Para mahasa yang mga boses nyo" paliwanag ng Dean.

"Ah, okay na po kami dun" sabi ni Chandria.

"Dean, anong gagawin namin rito?" tanong nung lalaki na gwapo at brown ang buhok..

"Narito kayo para samahan sa training ang bago nating girlgroup" nakangiting sabi ng Dean

"What? No way! Magiging janitress nalang ako" pag-alma ni Shane. Ano bang problema nya?

"Tss arte" sabi ni Alexis sabay irap.

"Hindi lang naman sila ang magtuturo o makakasama ninyo. Pati narin ang isang boygroup natin. Nakataon lamang na nagsabay-sabay kayo" umirap si Shane sa sinabi ng Dean.

"Okay fine, buti nalang talaga nakamove-on nako" sabi nya. So, kaya pala sya ganyan kumilos. One of her ex is here. She's so bitter.

"Ano yun, Ms.Gil?" tanong ng Dean.

"Wala, po" sagot nya.

"Magkapatid ba kayo ni Sebastian Gil?" tanong ng Dean. Tumango sya bilang sagot. Ah, may kapatid rin sya rito.

"Ano okay na kayong lahat?" tumango lamang kami sa tanong na iyon.

"Then magshake hands kayo. Bilang pagkakasundo" nakipagshake hands ako at nagpakilala sa limang lalaki pati sila ay nagpakilala rin, ganun narin ang ginawa nila Mikaela, Alexis, at Chandria pero nung si Nathan ata yun at si Shane ang magsheshake hands ay umirap si Shane.

"Hindi ako nakikipagshake hands sa mga manloloko at higit sa lahat hindi narin ako nagpapakilala sa mga lalaking pilit akong kinakalimutan" sabi nya.

"Shane!" sigaw sakanya nung kakambal ata nya. Magkamukha sila, e.

"Okay lang, pre" sabi naman ni Nathan.

"Gusto nyo bang madagdagan ang punishment nyo?" tanong ng Dean.

Umirap ulit si Shane at tinanggap ang kamay ni Nathan pero mabilis lang yun parang dinaplisan nga lang, e. Umalis narin kami sa office matapos ang konting pag-uusap

Nakakapagod rin ang araw na ito.
"Tired?" tanong ni Luke ng papunta na kami sa parking lot. Dahil tapos na ang klase namin.

"Yup. Gusto ko ng matulog!" sabi ko sakanya sabay sakay sa motor ko.

"Sakay ka nalang saakin" sabi nya pero ngumisi lang ako.

"Race?" tanong ko. Ngumisi rin sya at tumango.

Wala pang 10 minutes ay narating namin ang village namin. Wooh! Namiss ko yun!

"Haha wala ka paring kupas, Andy" sabi nya ng mauna ako ng ilang seconds sakanya.

"Practice pa, Mr.Ferrer" pang-aasar ko. Tumawa lang sya at sinabing

"Pinagbigyan lang kita" umiling nalang ako.

Dito sya nagdinner saamin dahil wala naman akong kasama dahil nasa office si Papa at wala rin si Mama. Nang gumabi na ay umalis na rin sya at naghilamos na ako at humiga sa kama.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon