Mikaela P.O.V
Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sakanya. Tuwing nag-iisa ako at walang kausap kusa siyang pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang narealize na worth it pala siya.. Tama kaya itong nararamdaman ko? pero syempre sisiguraduhin ko muna bago ko masabi sakanya ang tunay kong nararamdaman..
"Mikaela?" nandito ako ngayon sa garden ng school namin kung saan magiging payapa ang pakiramdam mo kapag magisa ka.. Kaso may umepal eh wala na..
"Paano mo nalamang nandito ako?" medyo may pagkainis na tanong ko..
"Sinundan kita, Actually kanina pa ako nandito pinapanood lang ang maganda mong mukha"
Ano kaba naman Shantel pinapakilig mo ako eh..
"Your blushing baby" nakangiti pa siya
"Baby?"
"Soon to be my baby?"
"Corny mo"
"By the way, May I invite you?" nakangiting paring tanong niya
"Ha saan?"
"Dinner! With my family"
So ibig sabihin ba non ipapakilala na niya ako sa parents nya. Nakakahiya baka sabihin pa nila walang taste yung gwapo nilang anak.
"Nahihiya ako"
"Tss don't be shy, magiging parents mo din naman yung mga yon pagdating ng araw"
"Ano bang pinagsasabi mo" nahihiya na talaga ako.. Kasi naman eh
"Tara na" bigla niya akong hinawakan sa kamay at itinayo sa pagkakaupo.. Nang bibitaw na sana ako sa kamay niya ay bigla niya itong hinigpitan kahit nakakahiya ay hindi nalang ako tumutol..
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay naririnig ko pang pinagbubulungan kami ay Este ako lang pala kasi naman nitong kasama ko eh..
Nang makapasok na kami sa village nila ay todo ang kaba ko hanggang sa makarating na kami..
"Huwag nalang kaya"
"Ano ka ba kailan nandito na tayo"
Nang palapit na kami sa pintuan ay biglang may nagbukas.. Sobra ang gulat ko ng makitang si Sander ito.. Wait nga magkaano ano sila.. Sander Matthew Faulkerson at King Shantel Faulkerson. What? Magkapatid sila.. Waahh! Ano ba naman itong napasok ko? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon ko lang napansin?
"Mikaela come in" ay oo nga pala papasok ako huhu good luck nalang sayo Mikaela
Nang makapasok ay nadatnan pa naming naguusap yung parents nila kaya hindi agad kami pinansin.
"Hi mom dad" bati ni Shantel at humalik pa ito
"Oh andito ka na pala, pakilala mo naman saakin yang girlfriend mo" kinikilig pa na sabi nito.
"We're just friends po Mrs. Faulkerson" nahihiyang sabi ko
"No, I'm her suitor" sabat naman ni Shantel. Nakakahiya kay Sander. Pagkatapos ko siyang dinedma noong nagpropose siya tapos ngayon heto ako kasama ang kapatid niya.
"Eh yung sayo Sander? Where is she?" tanong ng Daddy niya. Heto nanga ba yung sinasabi ko eh.
"She not coming 'cause she's with someone" may lungkot na sabi niya. Ako kaya yung tinutukoy niya? Malamang. Stupid.
"Ang sabihin mo hindi ka marunong pumorma" sabat ni Shantel
"I don't need that, I'm already handsome" sabat naman niya.
"O siya tama nayan let's eat"
Nagsimula nanga kaming kumain at yung mommy niya ay andaming tanong huhu hot seat.
"Kailan ka pa niya nililigawan?" tanong niya saakin. Ngunit hindi ako maka sagot sagot tinignan ko naman si Shantel sa paraang humihingi ako ng tulong.
"Mom let's not talk about it she's not ready for that" salo ni Shantel saakin si Sander naman ay tahimik lang kumakain.
Kumain nalang din kami ng tahimik at pagkatapos ay nagpaalam muna na magbibihis si Shantel.. Yung parents naman nila ay umalis nadin kaya kami nalang dalawa ni Sander ngayon.
"Can we talk?" tanong niya saakin.
Ngunit sasagot palang sana ako ay naglakad na siya palabas kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Pumunta kami sa garden nila at doon naupo.Wala paman siyang sinasabi ay naluluha na ako. Sinaktan at pinaasa ko lang siya.
"Diba sabi ko naman sayo hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa mahalin mo nadin ako" tumatawa siya pero makikita mo sa mga mata niya ang sakit.
"Sander I'm really sorry" yun lang ang nabigkas ko
"Shh! It's ok kasalanan ko naman eh" gumagaral na ang boses niya.
"We're just be friends, right?"
Niyakap ko siya at doon na nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha na kanina pa niya gustong ibuhos.
"Anong bang meron sa kuya ko na wala saakin?" hindi naman ako nakasagot.
"Sorry talaga"
"Yaan mona wala nadin naman akong magagawa nakuha na niya puso mo and from now on I'm letting you go. Tss my brother win"
Hanggang sa wala nang nagsalita ni isa saamin pero yakap yakap ko parin siya.
"Sander?" hindi siya sumasagot. Tinawag kopa ulit siya ngunit wala talaga. Tinulugan niya ako. Siguro sobrang pagod na siya.
"Mikaela! Sander" narinig ko ang boses ni Shantel.
"Shh huwag kang maingay"
"Anong ibig sab-"
"I'll explain everything later, tulungan mo muna akong ilagay siya sa kwarto niya"
Kahit naguguluhan ay inakay niya nalang ang kapatid niya at pagkatapos ay nagtext muna ako kay mama na malelate akong uuwi.
"Siya yung nanliligaw saakin na sinasabi nila Chandria" pagkatapos ay yumuko ako sa hiya
"What?" nanlaki ang mga mata niya
"Pero sinabi ko naman sakanyang pwede naman kaming maging friends"
"So it means ako ang sasagutin mo?" biglang nagliwanag ang mata niya
"Wala akong sinabing ganon" tapos sabay pa kaming tumawa.
"I love you that's why I want you to be mine. So please be mine"
"Ewan ko sayo hindi ka paman nanliligaw. Paano kita sasagutin?" at pagkatapos ay nagmadali akong bumaba ng hagdan ngunit hinabol naman niya ako. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay na out of balance ako kaya natumba ako ngunit hindi paman tumatama ang pwet ko sa semento ay nasalo na niya ako.
"Remember? I'm your super hero." tumawa siya at pagkatapos ay inilapit niya ang mukha saakin.
"Wait!" pigil ko sakanya. "Hindi paman kita sinasagot pero nakailang halik kana ah" pagkatapos ay umalis ako sa pagkakahawak sa kaniya.
"Sorry! Sige sa noo nalang muna" at hinalikan niya nga ako sa noo.
Pagkatapos non ay hinatid na niya ako at sinabi pang susunduin daw ako bukas para sabay kaming pumasok.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Fiksi Remaja"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...