Chapter 6: Catfight

157 14 0
                                    

Alexis P.O.V

Second day of school na ngayon at dahil maganda ako ay napapalingon lahat ng lalaki saakin. Pero napansin ko na hindi lang lalaki kundi pati babae... Natotomboy na ba sila saakin? Kaso may narinig akong mga bulungan

"Uy girl! Alam mo ba yung nagtakid daw kay Alexis transfer lang daw dito tapos ganon pa ginawa sakanya" bulong nung babaeng chismosa

"Oo nga daw alam  ko name nya narinig ko kahapon sa Dean's office... Uhm Andrea Baladad ata....akala mo nga kung sino makipag usap kay Alexis hindi nya ba alam na ginagalang si Alexis dito sa school" -Girl 2... Tss! Ginagalang lang naman nila ako dahil takot sila saakin. Paano kaya kung mahina ako. Igagalang kaya nila ako?

At alam ko sa loob nila ay naiinis sila saakin...

Nang matapos nang magsalita si girl2 ay agad nakong umalis at agad kong tinungo ang canteen para makakain.

Hindi pa ko kumakain kase agad akong umalis sa bahay. Nagsesenti kase si Papa, Anniversary nila ni Mama. Nag-order ako at umupo sa bakanteng lamesa. Biglang lumapit sakin si Myra. Isa sa mga uto-utong tagasunod ko o mas magandang sabihing alalay ng maganda

"Alexis, diba yun yung nakaaway mo kahapon?" sabi ni Myra at nagtangis ang bagang ko ng makita kong yung babaeng nanakid saakin kahapon.

YARI KANG BABAE KA! sabi  ko sa isip ko at bigla akong tumayo at kinuha yung hawak ni Myra na juice mabilis akong naglakad at binuhos yung juice sakanya. Alam kong samin nakatutok ang atensyon  ng lahat .THE HELL I CARE! Hindi ko namalayan na sa harap ko na sya at sinabuyan nya rin ako ng juice

"Fvck" mura ko

"Bagay lang sayo yan" nakangising sabi nya

"Talagang kinakalaban moko!" malakas na sigaw ko na nagecho sa loob ng canteen. Sinampal ko sya ng sobrang lakas. Yung tipong sobra syang mapapahiya

"Ughh!!! Tara na nga! Magtutuos ulit tayo Alexis" banta nya pero ngumisi lang ako. Ngayon nga hindi na sya makalaban paano pa kaya sa susunod.

Mabilis akong umalis sa Canteen. Aakyat na sana ako sa hagdan ng may nakita akong babae na pinagtitinginan ng mga lalaki. Sa tagal ko rito sa Silver National High ay ngayon ko lang nakita tong babaeng to. Naiinis ako! Medyo maganda sya at sexy. Nalamangan yata ako. Mabilis akong pumunta roon at sinadya kong banggain sya

"Aray" sabi nya

"Opsss, Sorry" nangiinis na sabi ko

"Sadya mo e!" sigaw nya... Duh! Hindi ba obvious?

"E ano naman!" sabi ko sakanya

"Edi deserve mo to" sabay sampal nya saakin. What?! Mukhang marami akong makakaaway, ah... At dahil sa inis na talaga ako sakanya ay sinabunutan ko sya

"Aray!!! Bitawan mo ako" sigaw nya at hinila rin ang buhok ko

"Bibitawan ko lang, pag kalbo kana" sabi ko sakanya

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon