Rose Andy P.O.V
Nakakainis talaga! Let's say na marunong akong kumanta pero slight lang yun! More on ako sa pagrarap. At ang last rap ko ay napakatagal na. Hindi na nga nagtatampo si Luke pero nasali naman ako sa banda na to! Like, what the F!
"Gusto mo bang kausapin ang dean?" tanong ni Luke ng papasok na kami sa Silver National High.
Kahapon ko lang nalaman na sasali ako sa letcheng grupo na yan. Hindi ba nila alam na ang dami kong pinoproblema? Ugh! I hate this school.
"Hindi na, pumayag na kaming lahat kahapon" sabi ko at bago pa nya mabago ang isip ko ay inunahan ko na sya
"I'll be fine. Mukhang magiging masaya naman" kahit hindi. Paano ko ba sasabihin na hindi ako komportable sa mga kasama ko? Yung Alexis ay maputak, Yung Shane naman laging binabara si Alexis, Yung Mikaela at Chandria ay tahimik. Paano ako magiging komportable sa mga taong hindi ko kakilala?
"Andy, magsabi ka lang, ha?" ngumiti ako sakanya at tumango. Hinatid ako ni Luke sa classroom ko at nagpaalam narin. Sinabi ko rin sakanya na hindi kami sabay maglulunch ngayon dahil nga sa meeting nang 'girlgroup' ng Silver National High.
Mabilis ang bawat discussion ng mga lecturer namin at lunch time na nga. Walang gana akong nagtungo sa cafeteria at nakita ko kumaway si Chandria. Nagtungo ako roon kaso mukhang kulang, wala pa ata si Alexis.
"Nasan yung isa?" tanong ko kay Chandria nang makaupo na ako
"Ah, treat nya daw tayo ng lunch kaya medyo malelate sya" nakangiting anito. Tss masyadong paimportante.
"Yung babaeng yung feeling maganda para hintayin natin sya ah!" sabi naman ni Shane. Tsk! Ang ingay talaga ng babaeng to! Kailan kaya to tatahimik?
"Maganda naman talaga ako" sagot ni Alexis. Nandito na pala sya at may dala ng pagkain. Subukan lang nilang mag-away ay paguumbugin ko sila.
"Pwede bang huwag kayong mag-ingay. Pag-usapan na natin yung sa banda" bored kong sabi. Habang sila Chandria at Mikaela ay tahimik lang.
"Uhm.... Ano bang dapat nating gawin dun?" tanong naman ni Mikaela.
"We need to stop that, hindi porke't um-oo tayo ay oo na talaga" seryoso kong sabi.
"Agree" bored na sabi ni Alexis.
"Pero paano? Gusto nyo bang maging janitress?" tanong naman ni Shane.
"Pwede naman siguro natin pakiusapan ang Dean, right?" tanong ko. Ayaw ko talaga! I don't want another shit in my life.
"Pero ito ang punishment natin sa Dean" sabi naman ni Chandria.
"Tsk! That old woman" sabi naman ni Alexis.
"Magtatapos narin naman tayo. Siguro dapat natin sundin ang Dean" mahinhin na sabi ni Mikaela. Yun na nga e! I want to enjoy my life by ditching my classes, not being in a band.
"Let's say na magiging band tayo. Who will be the vocalist?" tanong ko.
"Si Alexis/Si Shane" sabay na sabi with matching turo pa ng dalawa sa isa't isa .
"Hoy bat ako?" tanong ni Shane
"Bat ako rin?" tanong rin ni Alexis
"Kung gusto nyo tayong lahat nalang" suggest ni Chandria. Pwede rin kaming lahat. Ang tanong marunong ba kaming kumantang lahat?
"Sinong marunong kumanta? Raise your hands" tanong ko. Lahat sila ay nagtaas ng kamay. I guess, kaming lahat ang vocalist.
"Okay, tayong lahat ang vocalist" sabi ko.
"Sabihin na natin sa Dean?" tanong ni Mikaela.
"Uh-huh" sagot ko tapos kumain na.
Nang matapos namin kumain lima ay dumiretso kami sa Dean's office. Kabukas ng pinto ay may mga lalaking nasa office. Lima silang lalaki. At mukhang familiar saakin yung isa! Teka! Ito ba yung grupong nakikipagaway nung first day? Familiar kasi yung lalaki! Pansin ko na nagkatinginan na pala kami kaya nag-iwas ako ng tingin. Are they also receiving punishment?
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Novela Juvenil"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...