Chapter 79

29 0 0
                                    

Nathan P.O.V

Sobrang saya ko ngayong pasko.. Akala ko hanggang hiling lang to.. Pero heto ngayon.. Nangyayari na.. Magkaayos na kami.. Masaya kaming nagpapasko..

Pagkatapos naming nagswimming at kung ano ano pa.. Nagsiligo lang ang bawat isa sa CR tapos agad na kaming natulog.. Mga girls magkakatabi sa kwarto ni Shane..   Tapos kaming mga boys sa kwarto ni Basti.. Meron pa naman daw mga extrang rooms pero okay na daw.. malaki naman daw ang kwarto eh.. kasyang kasya ang lima.. Sobra pa nga eh.. tapos may mga extra na foams din sila sa kwarto nila haha..

Mga ilang minuto na ang nakakalipas di parin ako makatulog.. Iniisip ko parang feeling ko di pa sapat yung gift ko sakanya.. Although parehas lang kami ng gift sa isa't isa feeling ko kulang ako ng effort para sa isang tulad kong boyfriend.. Baka agad akong pagsawaan nyan ni Shane.. Naku! Wag naman sana.. Nagisip lang ako ng nag isip ng paraan na pwede kong gawin para makabawi man lang.. Hanggang sa meron na akong naisip.. Tama! Oo ganun na nga! Gigisingin ko sila at sabihing magtulong tulong kaming mga boys para sa surprise na to para sa girlfriends namin!

Ginising ko na sila isa isa.. Una ayaw nilang gumising.. Pero niloloko ko sila.. Kunwari may nangyare sa GF nila.. yung sasabihin ko.. 'Hoy! Raven! Si Alexis' tapos sagot naman nila ganto.. 'Hah!? Ano bakit?! Anong nangyari sakanya?!' tapos sabay upo pa yan mula sa pagkakahiga nya.. Haha natatawa nalang tuloy ako.. Nung nagising ko na silang lahat sinimulan ko ng iexplain ang plano ko..

Shane P.O.V

"Shane.. balikan mo na ako please.. Oo totoong planado ang lahat.. pati ang pagloko sayo.. Kaso di ko inaasahang mahuhulog ako sa isang kalaban na sinasabi nila Mom and Dad.." umiiyak na sabi ng isang lalake..

"Hindi na tayo pwede, Ken" sabi ko

"Ganun? Kung hindi mo ako babalikan... Wala ka nang mababalikan pagkatapos ng paguusap na ito.. Sabay na tayong mawawalan ng buhay ngayon at magsasama sa kung saan man natin  gustuhin" sabi nya at nakita kong may nilabas syang baril.. Konting segundo pa nakita kong pinutok na nya ang baril.. nag slow motion ang aking mundo.. para bang nakita kong papalapit ang bala ng baril sa akin.. Ipinikit ko ang Mata ko at hinintay na tumama sa akin pero ang tagal na wala paring tumama.. Iminulagat ko ang mata ko at nakitang nakahandusay na si Ken sa sahig.. at sa aking harapan nakita kong nakahiga na ring duguan ang isang lalakeng ayaw na ayaw ko ng mawala pa sa buhay ko.. Lalakeng mahal na mahal ko.. Si Nathan..

"SHANE ANO NANG NANGYAYARI SAYO!? GUMISING KA NA DYAN!" pagsigaw ng isang lalake na nagpagising sa akin mula sa isang napakasamang panaginip..

"Nathan?" sabi ko agad pagkagising ko..

"Nandito ako Shane.. Nandito ako.." sabi nya at agad ko naman syang niyakap

"Anong napanaginipan mo hah? Okay ka lang ba?" sabi Kuya Seb na kakaupo lang sa may likod ko..

"O-okay lang ako.. Wag kayong magalala.. " sabi ko

"Ano ba ang napanaginipan mo Love? Alam mo bang sobrang kaming nagalala? eh kasi naman umiiyak ka at sinasabi ang pangalan ko habang tulog ka.." sabi ni Love

"Basta.. Si Ken.. Pag nakita mo sya.. Layuan mo sya ahh.." sabi ko na ikinataka nilang lahat

"Bakit? Kasama ba si Ken sa panaginip mo ah?" tanong nila

"Oo.. basta layuan nyo sya.. Okay?" sabi ko at nagsitango nalang sila.. Alam naman na siguro nila na ayaw ko nang pagusapan pa kaya di na sila nangulit..

Matapos ng usapang iyon nagsipuntahan na kaming lahat sa kusina nag-aya na kasi si Nathan..   Sabi nila may niluto na daw sila para sa mga prinsesa nila.. Sweet noh? Sana ganto palagi..

"Love dali... halika dito! tikman mo luto ko" sabi ni Nathan at hinigot ako papunta sa kusina nagluto sya ng sinigang.. Kumuha sya ng maliit na bowl tapos nilagyan ito ng sabaw tapos kumuha sya ng konti sa kutsara, hinipan nya ito para mabawasan ang init at di ako mapaso.. tapos ipinatikim nya sakin..

"Ang sarap naman" sabi ko hindi sa pambobola.. Masarap talaga.. Pero hindi lang ata sya ang nagluto neto.. May kilala akong ganito ang timpla..

"Syempre Boyfriend at Kuya mo ang nagluto nyan" sabi ni Kuya sabay akbay sa akin..

"Sabi ko na eh! Hinding hindi ko makakalimutan ang timpla mo kuya" sabi ko

"Ikaw naman Chandria.. Tikman mo din luto ko ohh" sabi nya sabay subo kay Chandria at gaya ko nasarapan din sya sa luto nila

Kumain na kaming lahat at ng matapos na kami Isa isa na kaming naligo.. At ng matapos ang lahat nagpaalam ang mga boys na aalis lang sila saglit may bibilhin daw sila.. Kami namang girls naiwan lang dito sa bahay nanonood ng TV..

Ilang oras na din ang nakalipas wala parin ang mga lalake.. Nagalala kaming lahat syempre.. Tinignan namin ang mga cellphone namin baka may text.. At pagkabukas ng Cellphone namin.. Iisa lang ang sinasabi ng bawat isa..

"Pumunta kayo sa Park.. Mag pic-nic tayo.. Ang tagal na natin itong hindi nagagawa.. " iyan ang sinasabi sa bawat text ng boys

Syempre kami naexcite nagsibihis kami ng maayos tapos naglakad na papunta sa Park kasi malapit lang naman ito sa bahay namin..

Mga ilang minuto lang nandito na kami.. Hinanap namin kung nasaan ang boys.. Inikot namin ang buong Park ngunit wala kaming Nathan, Sebastian, Raven, Shantel, Axel, at Dave na nakita..

"Maghintay nalang siguro tayo dito baka may binili pa silang iba.." sabi ni Andy at pumayag naman kaming lahat

"Ano kayang balak ng mga yun? Sabi punta tayo dito sa Park tapos wala naman pala sila.." sabi ni Alexis

"Oo nga eh.. Aish pakonti na ng pakonti yung mga tao.. Sabagay sa mga gantong oras nagsisiuwian na yang mga yan.." sabi ko

Mga ilang minuto pa.. Tuluyan ng naubos ang tao sa park.. Kami nalamang ang natitira.. Naghintay lang kami hanggang sa nagulat kami isang Van ang huminto sa harap namin.. Lumabas sila at may mga suot na maskara.. Ibig sabihin mga kidnapper ang mga ito.. Akmang tatakbo palang kami pwera lang kay Andy kaso ang bibilis nila .. nalaman ko nalang na may panyo na nakatakip saaming bunganga at ilong.. Nalanghap ko ito ng ilang beses hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.. Pero bago ako mawalan ng malay ay pansin ko na nakipaglaban pa si Andy. Kaso masyado silang malakas. Basta nakita ko nalang na tinurukan ni si Andy para manghina at tuluyan mawalan ng malay. Rinig ko pa ang hinaing ng mga kasama ko kaso gaya nila ay nanghina narin ako at nawalan ng malay.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon