Chapter 111

22 2 0
                                    

Mikaela P.O.V


"Shantel ano ba! nakikiliti ako."
Pilit akong kumakawala sakanya ngunit mas malakas siya kaya hindi ako makapitlag sa pagkakahawak niya sa baywang ko. Magmula kaninang manood kami dito sa sala ay hindi na niya ako tinigilan kaya hindi ko na maintindihan ang pinapanood namin.

"I know, kinikiliti kita eh" Pinipilosopo niya ba ako?
Bigla naman siyang tumigil sa ginagawa kaya nagkaroon ako ng tyansang makatayo at pagkatapos ay kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto.

"Baby, where you going?" sigaw niya ng makapasok na ako sa kwarto ko. Nakarinig ako ng yabag at alam kong siya iyon kaya mabilis kong isinara ang pinto sabay locked.

"Open this damn door. I wanna kiss you" pagkatapos ay tumawa siya.

"Bahala ka diyan!" sigaw ko naman na kunwari ay galit. Pero sa loob loob ko ay medyo kinilig ako sa sinabi niya.

"Just a second, before I sleep.
Please baby 'cause I can't sleep without your kisses" kunwaring pagmamakaawa niya.

"Baby ka diyan! bahala kang manigas diyan" kunwaring sigaw ko naman.

Isang minuto na ang nakakalipas ng walang nagsalita sa labas ng kwarto ko. Siguro nagtampo siya kaya umalis na.

Pagkakuwan napagisipan kong bumaba para icheck kung pinatay niya ba yung tv sa sala. Pagbukas ko ng pinto-

"Gotcha" sa sobrang gulat ko hindi ko namalayang natulak na niya ako papasok sa loob at isinandal ang likod ko sa pader habang ang mga kamay niya ay nasa pagitan ko at nakadikit ang palad sa pader.

"W-what do you think you're doing?" nabubulol na sambit ko.

"I miss your lips, baby" malambing na sabi niya. Pagkatapos ay hinaplos-haplos pa ang buhok ko. Kasabay noon ay ang pagtaas ng mga balahibo ko.

"S-shantel"

"Baby"

"Shantel"

"I said baby. Isa pang shantel mo" nanghahamong sabi niya.
Hinahamon mo talaga ako, Faulkerson.

"Shan-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako.

"Shantel" tawag ko sa pagitan ng mga halik niya sa akin.

"Just a min." wow ah. Kanina second lang ngayon minute na. Ngunit imbes na sagutin siya ay pumikit nalang ako at tinugon ang mga halik niya.
Ngayon lang ata ako nabaliw sa halik. His damn kisses.

Mabilis ko ring tinapos ang halikan namin at umupo muna sa kama ko. Sumunod naman siya.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko ng humiga na ako sa kama. Pasado alas diyes na. Pero nandito parin siya, wala ba siyang balak umuwi. Hindi porke wala yung mga magulang ko ngayon papayagan ko na siyang dito matulog.

"Hindi ako uuwi, I'll stay here. Wala kang kasama bukod kay manang kaya babantayan kita" nagbalak siyang humiga sa tabi ko kaya bigla ko siyang itinulak. Dahilan para malaglag siya sa lapag.

"Ouch!" halata mong nasaktan siya. Kaya mabilis akong tumayo at lumapit sakanya.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi." tinayo ko siya at pinaupo sa sofa."Hahalikan lang naman kita sa noo tapos matutulog na ako sa guess room niyo. But you push me, kaya heto nanakit ang likod ko" habang sinasabi niya iyon ay nakanguso pa siya.

"Sorry na nga akala ko kasi matutulog ka sa tabi ko kaya nagawa ko yon" umupo ako sa tabi niya at minasahe ang nananakit na likod.

"Not bad" at humarap siya sakin.

"Kung magasawa na tayo, not bad. Pero girl friend mo pa lang ako" habang nagsasalita ako ay humarap siya sakin at tinanggal ang salamin ko.

"Malabo ba ang mata mo?" tanong niyang out of the topic.

"Huh hindi, bakit?" naguguluhan ding tanong ko.

"Starting tomorrow, I don't want you wear this eye glass."

"At sino naman ang nagsabi"

"Me, myself, and I"

"Pero-"

"No buts"

At dahil mapilit siya ay sumangayon nalang ako. At para manahimik nadin siya. Ewan ko ba bakit pinapatanggal na niya yung salamin ko? pangit ba ako? parehong pareho sila ni kuya. Gusto nilang huwag ko ng isuot yung salamin ko.

"Doon kana matulog sa kabilang kwarto. Gabi narin at hindi ka na makakapagmaneho." tumayo ako sa pagkakaupo at pinasunod siya papunta sa tutulugan niya.

"Tabi nalang kasi tayo"pamimilit niya habang kumukuha ako ng kumot sa kabinet na gagamitin niya.

"Hindi nga pwede" pagkatapos ay ibinigay ko sakanya yung napili kong kumot.

"Oo na!" sumuko rin siya. Alam niyang wala siyang magagawa eh.

"Sige na matulog kana."

"Ihahatid muna kita sa kwarto mo." hinila niya ako palabas.

"Good night" Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya lumabas.

Kung hindi ba ako nabully noon at hindi nagkadetention ay hindi ko siya makikilala?

Sa pitong buwan naming pagsasama ay hindi pa kami minsan mang nagaway. Mabait siya. Masayang kasama at higit sa lahat mararamdaman mong totoo yung ipinapakita niyang pagmamahal sakin.

Iniisip ko rin minsan na pusible kayang maghiwalay din kami tulad nung mga kaibigan namin na lahat sila ay naghiwalay pero nagkabalikan din. Pero isa lang ang nasa isip ko, kung talagang para kami sa isa't isa kahit ilang beses pa kaming maghiwalay ay pagtatagpo at pagtatagpo parin kami. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Shantel P.O.V

Hindi ako makatulog, because of her. Is it possible that Mikaela will cry because of me? Or will she leave me for another reason too? But I don't know. Hindi ko hahayaang mawala siya saakin because I love her. Lumabas muna ako ng kwarto to check if she's still awake. Nang pagbukas ko ng pinto. I saw her sleeping kaya nagkaroon ako na tsansang titigan siya ng mas malapitan.

"Alam kong natatakot kang mangyari satin yung nangyari sa kanilang lahat. Don't worry, hindi ko hahayaan na masaktan ka. Dahil kapag nangyari yon, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I wiped my tears and stop myself from crying. Ayokong makita niyang mahina ako pagdating sa bagay na kahinaan din niya.

"At siguro natanong mo nadin sa sarili mo kung bakit isang tulad mo ang napili ko."

"When I was in elementary,
My brother always ask me what kind of girl would I choose. Sobrang maganda ba? Perfect? maganda yung hugis ng katawan, in short sexy? but my always answer is: I will answer that question when I find her. And now that I found her, I am so lucky because the girl I dream, is now in front of me. And it is you."

Nanatili pa ako ng konting oras para kwentuhan siya kahit na hindi niya ako naririnig.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon