Shantel P.O.V
Isang linggo na ang lumipas simula ng ilibing ang labi ni tito at tita. Naaawa ako kay Mikaela dahil simula nung mawala ang mga magulang niya ay hindi na siya halos makakain.
Isang linggo narin ang nakalipas simula nung magstart ang klase pero ni isang araw hindi parin siya pumapasok.
Kahit palagi niya akong kasama, madalang lang siyang magsalita.Kung hindi ko pa siya kakausapin ay hindi siya magsasalita.Palaging tulala at palaging umiiyak.
"Halika na baby umuwi na tayo. Umaambon na oh." Pumunta ako kaninang umaga sakanila para sana dalawin siya.Nakita kong paalis siya kaya sinundan ko siya.Huminto ang kotseng sinasakyan niya sa sementeryo kung saan nakalibing ang dad at mom niya.Lumapit ako sakanya para samahan siya.Pero pinapaalis niya ako.Kahit na pinagtatabuyan niya ako ay hindi ako sumuko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pabayaan ako.
"Sinabi ko naman sayo na ayoko pang umuwi.Kung gusto mo mauna kana."
Umiling nalang ako at bumalik sa kotse ko para kumuha ng payong.Pagbalik ko ay umiiyak na naman siya.Pinayungan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Akala ko umuwi kana."
"Hindi kita iiwan kaya sige umiyak kalang hanggang sa mawala yang sakit."
Pinatong ko ang ulo niya sa balikat ko then I hugged her tightly.
"Sanang sumama nalang ako sa pagsundo.Para makasama ko sila kahit nasa langit na sila."lalo lang siyang naiyak sa sinabi niya.
"Shh don't say that.Kung nawala ka.Paano na ako?yung kuya mo?yung mga family na maiiwan mo?"
"Pero paano na ako ngayon?"
"I'm here! I'm always here no matter what. Even if everyone left you or ignore you. I'm always here, and I'll never leave you because I love you." Niyakap ko siya ng napakahigpit.
"Thank you dahil kahit pinagtutulakan na kita palayo ay nandito ka parin Hindi ka sumusuko.Siguro kaya kolang nasabi iyon dahil nasasaktan lang ako"
"It's okay, I understand"
"Just learn to let go, because not everyone in your life meant to stay. Every life has an ending. Like your parents,Nawala sila dahil hanggang doon nalang sila."
"Pero hindi ko parin matanggap"
"I understand"
Nanatili pa kami ng ilang oras bago nagpasyang umalis.Sinakay ko nalang siya sa kotse ko at pinasundo ang kanya.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" I asked her when we got home.
"Magpapahinga lang ako.At bukas I promise papasok na ako."
"Good to hear then."
"Matutulog muna ako.Siguro pag gising ko okay na ulit ako."
Humiga na siya at pumikit.Bago ako umalis ay sinigurado ko munang natutulog na siya.
Dumiretso ako sa lumang warehouse dahil gusto kong makausap ang leader namin.
Pag pasok ko nadatnan ko silang nag uusap usap.
"Hey bad boy king. Buti naisipan mong magpakita?"Sabi ng pinakamataas saamin.
"Nandito ako para sabihing aalis na ako sa grupo."
"Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari kapag tumiwalag ka sa grupo?"
Once na tumiwalag ka sa grupo.Hindi ka nila tatantanan.Kung gusto ka nilang patayin.Papatayin ka nila.
"Sigurado na ako sa desisyon ko."
"Kung ganon ngayon palang magsisimula ang laban"
"What do you mean?"
"Stupid! Akala mo ba tinanggap kita dito ng walang dahilan." Tumawa siya ng malakas.Sumabay naman ang mga kasamahan namin.
"Just go straight to the point"
"Tinanggap kita para makapaghiganti"
Bigla akong naguluhan.
"Wala ka talagang natatandaan?"
Hindi ako nagsalita.
"Ako lang naman yung batang binubully mo na minsan mong pinagtripan.Proud na proud si dad sakin dahil palagi akong perfect kapag exam.Diba ginawa mo yon dahil naiinggit ka saakin.Naglagay ka ng mga sagot sa ilalim ng table ko nung magtest tayo.Nung lumabas ang result highest ako at ikaw na gago pinalabas mong nangongodigo ako.Nalaman ni dad,simula non kinamuihan niya na ako.At kahit magpakita ako ng motibo na hindi ako katulad mo ay hindi siya naniwala sakin.Dahil sayo nasira ang buhay ko.Gago ka." sumigaw siya at mabilis na sinuntok ako.Hindi ako nakailag dahil sa nalaman ko.
Lumapit yung dalawa saakin at hinawakan ang kamay ko.Sinuntok niya ulit ako at may pumalo ng kung anong matigas na bagay sa likod ko.
Matagal bago ako nakatayo dahil sa pagkahilo.
"Umalis ka na dito dahil baka mapatay kita ng mas maaga." Kahit lumaban ako ay hindi rin ako mananalo kaya naglakad na ako palabas kahit nahihirapan.
"Siya nga pala.Magaling kang pumili ah.Maganda siya."alam kong si Mikaela ang tinutukoy niya.Ang pinagtatakhan ko lang ay kung paano niya nalaman.
Bago pa marinig ang ibang sasabihin niya ay umalis na ako.Pumunta ako sa bahay nila Mikaela.Hindi ako bumaba ng kotse.Nanatiling nakatingin sa bintana ng kwarto niya.
Ano ng gagawin ko?baka saktan nila si Mikaela gayong kilala na pala nila siya.Paano kung may mangyaring masama sakanya.
Paano nalang kung mawala siya saakin.Hindi ko kakayanin.
Sa ngayon ang dapat ko lang gawin ay kung paano lulusutan itong problemang pinasok ko.Dahil sa kagaguhan ko ay nandamay pa ako ng ibang tao.
Third person's P.O.V
"Boss anong balak niyo?"
Tanong ng isang lalaki."Sa ngayon magpaplano muna ako.Kung ano bang dapat gawin sa mga taong umaalis?"Habang sinasabi iyon ay nakahawak pa siya sa sentido niya.
"Kung ako sainyo boss.Papatayin ko na yon?"
"Edi ikaw na ang pumalit saakin?"
"Ikaw naman boss binibiro kalang." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay minasahe niya ito.
Dahil sa pagiisip niya ay sumakit ang ulo niya.
Napagdisisyunan niyang magsimula sa mababang paraan.Hanggang paunti unti.Manghihina na ang kalaban niya.
Kapag nagawa niya iyon ay titigil na siya sa kung ano mang nakakapagdumi ng pangalan niya.Sisiguraduhin niyang luluhod ang kakalaban sakanya.
Umuwi siya sa bahay nila ng parang hangin.Walang kumausap sakanya o kahit imbitahan man lamang siyang kumain.
Umiling nalang siya at pumasok sa kwarto niya.Walang pasabi sabing humiga siya at natulog.

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...