Chapter 47: Shane

48 7 1
                                    

Shane's POV

"Bye salamat sa pagimbita sa amin Alexis..sobrang saya ng party" masiglang sabi ko

"Oo nga sobrang saya diba Bestfriend?" nakangiting sabi ni Nathan habang nakatingin sa akin..Psh..ang daya nya talaga.. ginamit nya kahinaan ko para pumayag akong maging bestfriend nya..hayst..

"Ano ba talagang meron sa inyong dalawa? Kaninang umaga nakita ko nalang na basang-basa kayo..OMG!Don't tell me two-timer ka Shane!?" sabi ni Alexis..tss..ako? Two-timer?psh..baliw talaga tong babaeng ito.. Kung di ko lang to kaibigan siguro kanina ko pa to nabatukan ehh..

"Psh..baliw ka talaga..ako two-timer?wag mo ko igaya sayo Alexis" nakangisi kong sabi

"Ano? Ako ba? Eh idol kita ehh..kaya ginagaya lang kita" nakangisi rin nya sakin..haha namiss ko tong bangayan namin..ang tagal din kasi nyang wala sa sarili..

"Ahh..so fan pala kita" sabi ko habang nakangisi ulit

"Sabi ko idol..hindi fan" sabi ni Alexis

"Same lang yun nuh!" sabi ko. Nakita kong sasagot pa sana sya kaso bigla nalang tumawa ang iba pa naming kasama..luh..baliw na ba sila?

"Haha para talaga kayong mga aso't pusa" tawa ni Nathan

"Manahimik ka nga dyan!" sigaw ko

"Haha sabi ko nga ehh..mananahimik na" sabi ni Nathan habang nakataas ang dalawang kamay nya..simbolo na nagpapatalo na sya

"Bro ngayon ka lang nagpa-under sa isang babae ah..mukhang malakas talaga tama mo sa babaeng yan hah" pangaasar ni Raven kay Nathan..buti nagsalita na sya? Kahapon kasi napansin ko rin na ang tahimik nya..

"Haha oo nga ehh..kaso di naman sya tinamaan sakin hahaha" sabi nya tas hinampas ko sya sa braso nya..eh kasi naman nakakahiya na yung mga pinagsasabi nya..pero..ouch ahh!t
Tigas ng braso nya..huhu..

"Oh..ikaw ang nangbhampas! Wala akong kasalanan kung bakit ka nasaktan" sabi ni Nathan..eh teka..obvious na ba sa mukha ko na nasaktan ako? Kahiya naman hayst..

"Haha tama na nga yan! Umuwi na kayo! Masyado na kayong nilalanggam ehh!" sigaw ni Alexis

"Oyy allergic ako sa langgam kaya di pwedeng nilalanggam kami!" pangliliteral ko sa sinabi nya kanina.. eh kasi totoo naman ehh..talaga namang allergic ako sa langgam..kahit isang kagat lang ng langgam mahihirapan na akong huminga..

"Allergic ka sa langgam?" tanong ni Chandria at tumango naman ako

"So dapat pala bawat lugar na pupuntahan mo titignan mo muna kung may langgam o wala.." sabi naman ni Mikaella at tumango nalang ako

"Sige na..alis na kami..bye" pagpapaalam ni kuya...at agad na umalis..tss..atat lang masolo si Chandria? Kasabay nya kasi si Chandria eh..sasabay narin sana ako pero alam ko naman na di papayag si Kuya Seb kasi nga gusto nyang masolo si Chandria..kaya magtataxi nalang ako pauwi..

"Di ka sasabay sa kakambal mo?" tanong ni Nathan at umiling lang ako

"Bakit?" tanong nya

"Eh kasi alam ko naman na di yun papayag kasi gusto nyang masolo si Chandria" pagpapaliwanag ko sakanya

"Ahh..edi...sabay ka nalang sakin?" suhestyon nya pero tumanggi ako

"Bakit ayaw mo? Mag-bestfriend naman tayo diba? Sumabay ka na..baka gusto mong mangyari ulit yung nangyari dati" pagbabanta nya..naalala ko tuloy yung time na binuhat nya ako at nalaglag ako dahil pilit akong kumakawala..

"Oo na..as if naman gusto ko pa ulit mangyare yun..ang sakit kaya ng pagkakabagsak ko nun" sabi ko

"Kasalanan ko bang napaka-Stupid mo?" sabi nya pero di ko nalang pinansin..

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon