Chapter 35: Mary Chandria

76 3 2
                                    

Mary Chandria P.O.V

Kasalukuyan akong nasa living room ngayon habang nanunuod ng TV.

Nang biglang nagsalita si Mommy "Chandria anak gusto mo bang mag shopping ngayon? next week may pasok na kayo. Bili ka ng iba mo pang mga damit o kaya naman mga books?" Tanong saakin ni mommy.

"Okay mom" sangayon ko nalang sa tanong niya tutal wala naman akong ginagawa e.

12:00 ng umalis ako sa bahay at nagpahatid ako sa aming driver na si Kuya Kiko sa may pinakamalapit na mall.

Pumunta ako sa mga boutique na nagtitinda ng mga damit may mga nabili din naman ako kahit papaano. After kong bumili ng mga bagong damit pumunta muna ako sa books store para bumili ng mga librong babasahin.

Habang naglalakad na ako para umuwi sana. May nakabangga pa ako uggggh! Kainis naman di man lang nagsorry hahakbang na sana ako palayo ng may tumawag saakin "Chandria?" Napatingin ako kung sino ang nagsabi nun at nakita ko si Shane na member ng band namin at nakita ko din si Sebastian na kasama niya.

'Omyghaaad! Naalala ko nanaman yung kagabi' sabi ko sa isipin ko.

"Uhmm hello" nahihiyang sabi ko kay Shane.

"What are you doing here?" Tanong saakin ni Shane.

"May binili lang" sagot ko sa sakanya.

"Gusto mong sumabay saaming kumain?" Tanong ni Shane saakin.

"Ay hindi na uuwi nadin ako e" Sagot ko sakanya dahil nakakahiya lalo na kasama namin si Sebastian.

"Pretty please Chandria ngayon lang ako humingi ng favor sayo e please" Tila nagmamakaawang sabi niya at nag puppy eyes pa.

Sa huli pumayag nadin ako.
Pumasok kami sa isang sikat na restaurant dito. Nag order na kami at hinihintay nalang.

"By the way Chandria he's my twin brother" Pagpapakilala ni Shane kay Sebastian saakin. Tumango nalang ako at ngumiti dahil wala akong alam sabihin myghaaad!

"Alam mo naman na siguro ang pangalan nya no?" Tanong ni Shane saakin.

"Haha oo naman" sagot ko sakanya.

Napatigil ang paguusap namin ng dumating na ang mga order at kumain na kami.

Habang kumakain kami hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Sebastian feeling ko kasi may nakatitig saakin. At tama nga ako na nakatitig siya saakin kaya tuwing nahuhuli ko siya napapaiwas nalang siya.

"Kuya baka malusaw" pabulong na sabi ni Shane pero narinig ko kaya feeling ko ang pula na ng mukha ko. Narinig ko naman na napa tsk nalang si Sebastian.

After naming kumain nagoffer na si Sebastian nalang ang maghatid saakin. Hindi ako pumayag kaso sa huli napapayag nadin niya ako.

Habang nakasakay kami sa kotse biglang nagsalita si Sebastian.

"Sorry nga pala kung makulit si Shane ha?" Paumanhin niya.

"H-ha? o-okay lang tsaka nalaman ko din na may makulit na side pala siya" Sagot ko naman sakanya.

"Bakit ano ba ang side na nakita mo sakanya?" Tanong nito.

"Sa school kasi ang sungit niya" Sagot ko dahil tutuo naman na ang sungit niya sa school.

"Talaga? Baka nagkukunwari lang yun okaya baka pinapakita niya lang sa ex niya na kaibigan ko na nagbago at naging matapang na siya" Sabi naman niya. Hmm... Siguro nga.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon