Chapter 7:Catfight

147 14 1
                                    

Shane P.O.V

"Bibitawan ko lang yung buhok mo kapag kalbo ka na!" sigaw ng babaeng nanabunot sakin

"Ano bang problema mo ahh!?" sigaw ko naman kase totoo naman ehh.. Naglalakad lang ako kanina bigla ba naman akong banggain ng biglaan

"Ikaw ang problema ko!" sigaw nya at mas lalo pang hinila ang buhok ko

"Aba! wala akong ginagawa sayo ahh!!" sabi ko at mas hinigpitan ko rin yung pagsabunot sakanya
kung akala nya papatalo ako.. No way! sya ang may kasalanan kaya ipaglalaban ko!

Nagsabunutan at sampalan kami..nakalmot pa nga ako ehh..
hanggang sa may babaeng pipigilan sana kami..

"Alexis tama na yan!" sigaw nung girl ng papalapit sana samin

"Wag kang makekealam dito Myra!" sigaw nya dun sa girl kaya di na nya kami napigilan

"Malandi kang babae ka!nagpapaganda ka at nagpapasexy para pagtinginan ka ng mga lalake!" sigaw nya tas may narinig ako nagbulungan

"Pinagtitinginan daw sya?" -girl 1

"Sabagay maganda naman sya at sexy pa" -girl 2.. Wow ah, nakuha pa talaga bilang mamuri habang may away. Pero okay na atleast tumalab ang pagpapaganda ko, para kung sakaling magkita kami ulit ng lalaking nanggago saakin ay malaman niya ang kawalan niya.

"Pero diba si Alexis dati ang madalas pagtinginan?" -girl 1

"Oo nga....baka naman nainis si alexis kasi gusto nya sya lang ang pinagtitinginan?" -girl 2

"Ewan..baka" -girl 1

Napangisi ako sa mga sinabi nung babaeng nagbubulungan..... Pero nainis rin ako dahil hindi man lang sila umawat

"Malandi ka talaga! May pangisi-ngisi ka pang nalalaman!" sigaw nya ulit habang hila parin ang buhok ko

"Sabihin mo kase inggit ka lang! Inggit ka kase ako yung mas pinagtitinginan! Palibhasa di mo matanggap na may mas maganda at mas sexy sayo!" sigaw ko naman... This girl! Nagpaganda lang ng konti nainggit na agad?

"Aba! sasagot ka talaga ahh!!" inis na inis nyang sigaw

"Talaga! Ikaw naman ang nagsimula ehh!!"

Lalo lang naging malala ang pagsasabunutan namin...tipong maalis na yung buhok namin sa anit..

Hanggang sa may naghawak saming lalake para mapigilan kami..at may lumapit na babae....Siya yung dean! Patay na!

"Dalhin sila sa office" kalmadong sambit ng dean

"Yes ma'am" sabi nung mga lalakeng humahawak samin..

"Bitawan mo ko! kaya kong maglakad magisa!" sigaw nung Alexis ata...

"Wag syang bibitawan" sabi naman ng dean

"Ano ba?! hindi naman ako tatakas ehh!!" sigaw ulit nung Alexis

Lumapit ang dean sakanya at tinignan ito ng napakatalim at umiwas naman ng tingin yung Alexis

"Sige bitawan sya" sabi nung dean

Lumapit naman sakin yung Dean at tinignan ako ng matalim sa mata..ako naman tumitig lang din sa kanya gamit ang walang emosyon kong mata..nauna syang umiwas tas medyo ngumisi at sinabing

"Bitawan na din sya" kalmado nyang sabi at doon tumungo na kami sa  office nya

Nang makapasok kami sa office ay naiwan yung mga lalake, guard ata nang dean namin. Kaming tatlo lang ang nandito at for some reasons ay kinakabahan rin ako. First time to! Ngayon ko lang nakaharap ng malapitan ang dean. Take note, nasa office nya pa kami...

"So, anong nangyari sainyo? Kayo ay mag-aaral ng Silver National High. Kayo ay isang Silverian..... Alam nyo ba na sinisira ninyo ang reputasyon natin?" walang umimik saamin. Tinignan ko yung Alexis kaso mukhang bored lang sya sa sinasabi ng dean namin. Grabe naman sya!

Bago pa makapagsalita ulit ang dean ay bumukas ang pinto at nakita ko yung Valedictorian at Salutatorian namin. Nag-away rin sila? Dami yatang nag-aaway ngayon ah...

"Puro babae na talaga ang gumagawa ng kalokohan.... Nasan na yung babaeng nag-ditch at sumagot sa senior teacher natin?" sabi nang dean

"Nandyan na po" tapos bumukas ang pinto at tumambad saamin ang isa nanamang babae...

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon