Rose Andy P.O.V
Nandito ako nakatambay sa kwarto ni Luke habang nakahiga sa kama niya. Hinihintay kong mag 8 ng gabi at manuod ng concert ng mga mokong.
"Gusto mo sumama, darling?" asar ko kay Luke. Alam ko naman na ayaw niya yung darling dahil gusto niya yung love. Hindi nama kami. Wala naman kaming label. Siguro bumalik lang kami sa dati. Gusto ko na ulit siya. Gustong gusto.
"Love, Rose Andy. Love ang tawagan natin" sabi niya saakin. Nakaharap siya sa laptop niya at may itinatype at ako naman ay nakahiga sa kama niya at nagbabrowse sa IG.
"Mas gusto ko yung darling. Luke my darling" sabi ko sabay tawa.
"It's up to you, Love" sabi niya. Hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako. Kainis naman. Nagising ako ng 6:30 PM.
"Hey, darling. May damit pa ba ako dito?" tanong ko sakanya dahil dito rin ako natutulog dati.
"Meron kaso puro dress lahat e" oo nga pala. Puro pala pang-formal na damit ang dinadala ko dito.
"Okay na yun. Kakain muna ako sa baba. Tara sabay kana" yaya ko sakanya.
"Maya na. Una kana" sabay type niya ulit sa keyboard.
"Ano bang ginagawa mo? Sama ka saakin sa concert?"
"Tinatamad ako, e. Pahatid nalang kita sa driver"
"Dala ko yung motor ko"
"Tapos nakadress ka?! Ihahatid na kita" sabi niya sabay tingin saakin.
"Okay, darling" sabay kindat ko sakanya. Lumabas na ako ng kwarto niya at kumain.
7 PM na ako natapos kumain tapos ay dumiretso ako sa kwarto ni Luke. Kumaha ako ng bagong bathrobe at dress na susuotin ko, pati narin yung mga panloob na susuotin. Kumpleto lahat ng gamit ko kila Luke. Wala namang ilangan na nagaganap.
Bandang 8:15 na ako natapos sa lahat. Ni-blower ko pa ang buhok ko para mas maging maganda.
"Let's go, darling?" tanong ko sakanya.
"Parang gusto ko ng sumama. Ganda mo. Baka maraming kumuha ng number mo niyan"
"Haha sumama ka na kasi" pilit ko sakanya kaso umiling siya.
"Tara na" sabi niya at inakbayan ako. Kinuha niya si Rowk yung kotse niya at ako ang nagmaneho. Ayaw ko lang siya mapagod dahil feeling ko ay mahina parin siya.
"Dito nalang ba, Ms. Beautiful?" tanong niya saakin.
"Yes, darling" mabilis ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. I missed that.
"A-andy" utal niyang banggit sa pangalan ko.
"Bye bye" tapos ay lumabas na ako sa kotse niya at kumaway pa ako kalabas ko.
Pumasok ako sa SNH at rinig na rinig ko na ang mga sigawan nila. 8:30 na. Late ako ng 30 minutes. Nagkalat rin ang mga pusong design sa iba't ibang building. Sa field pala ng school ginawa ang kanilang concert. Sobrang daming tao at ayaw ko naman makipagsiksikan makarating lang sa harapan. Ang dami talagang tao! Hindi ko alam kung mga Silverian lang ito o may mga iba pang dayo.
Mataas rin ang stage nila, 5 feet ata ang taas. At ang ganda ng mga ilaw. Silang lahat ay kumakanta. Kumuha sila ng limang babae at binigyan ng bulaklak. Natapos ang performance nila at nagsalita si Nathan.
"Okay pa ba tayo?!!! Kukuha kami ng tatlong babae at tatanungin kami ng kahit ano. Game ba?!" sigaw niya. Ang lakas ng energy ng lahat.
Nang makapili sila ay umupo silang lima pati na yung tatlong napili nila. Tumawa yung mga babae na animo'y kilig na kilig.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Novela Juvenil"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...