Mary Chandria P.O.V
*Kriiiing! Kriiiing! Kriiiing!*
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Nag-unat muna ako at tumayo na para maligo ngunit bago pa ako makapasok sa cr may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan ang nakita ko si Manang Carmela.
"Bakit po manang?" Tanong ko sakanya.
"May naghahanap sayo kanina pa pero tulog ka pa kaya pinapasok ko muna sya dito sa loob" Ha? Sino kaya yun? Nagtatakang tanong ko sa isip ko.
"Sino daw po manang?" Tanong ko sakanya.
"Ay naku hindi sinabi ang pangalan e basta classmate mo daw"
"Ganun po ba? Pakisabi po bababa nadin po nyan ako"
"Osige, dalian mo baka naiinip na yun mahigit isang oras nadin kasi syang naghihintay"
"Osige po manang" sabi ko at pumunta na sa loob ng cr.
After kong naligo dali dali akong nagbihis. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si Drake.
"Drake?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Nandyan kana pala. By the way, Good morning" nakangiting sabi nya.
"Good morning din buti napabisita ka?"
"Yayayain sana kitang lumabas tutal wala naman tayong pasok. Pwede ba?"
"Yes sure tutal wala naman akong ginagawa dito sa bahay e."
Pinagbuksan ako ng pinto ni Drake para makapasok sa loob ng kotse nya.
Buti sya gentleman e si Sebastian hindi man lang ako pagbuksan ng pinto tapos ang sungit at ang cold pa.
E bakit ko nga ba sya iinisip? At bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? Hays... Nababaliw na ata ako.
Bumaba kami sa isang park kung saan may mga nagde'date, nagpipicnic, at mga batang naglalaro.
Nang nakababa kami may kinuha sya sa likod ng kotse nya. Isang basket at kumot.
"Drake buti dito mo naisipang pumunta?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang tahimik kasi dito tsaka mahangin"
Nilatag nya na ang kumot na dala nya at umupo na kami. May mga dala din pala syang pagkain at inumin.
Habang kumakain kami biglang nag tanong si Drake na nagpabigla saakin "Chandria may nagpatibok na ba ng puso mo?"
"H-ha? Oo meron na kaso bata pa ako nun" Nagaalanganging sagot ko.
"Ako may nagpapatibok ng puso ko ngayon ni-try kong pigilan kaso mahirap talaga kasi yung babae na yun ay napapangiti ako tuwing nakikita ko syang ngumingiti, napapatawa ako tuwing nakikita ko syang tumatawa, kumpleto na ang araw ko basta makita ko lang sya" ngumiti sya ng napakapait
"I tried to stop my feelings for her but it was fcking too hard" dugtong nya pa.
"S-sino ba yung babae na tinutukoy mo?" Tanong ko sakanya dahil napakaswerte naman ng babae na yun kung sino man sya.
"Ikaw! Ikaw yun Chandria ikaw yung babaeng nagpapasaya saakin ikaw yun...." Nangilid ang mga luha nya.
"H-ha? B-bakit ako?" Sa dami ng babae na nagkakagusto sakanya bakit ako pa na kaibigan lang ang turing sakanya.
"I don't know why basta gusto kita. Gustong gusto kita"
"U-uhmm... D-drake kasi ano e ano..."
"Ano? Na kaibigan lang turing mo saakin? I know chandria una palang alam kona na kaibigan lang ang turing mo saakin pero sadyang makulit lang tong puso ko ang hirap pigilan sobrang hirap..." Sabi nya kasabay ng pagtulo
"Sorry Drake sorry sorry sorry...." Umiiyak na sabi ko habang nakayuko at hawak ang kanyang isang kamay.
"Hindi mo kasalanan, Chandria. Wala kang kasalan hindi kita pinipilit na magustuhan mo din ako pero may isang hiling lang sana ako sayo"
Napaangat ako ng mukha at napatingin sakanya "A-ano yun?"
"Hayaan mo lang na mahalin kita kahit wala akong matanggap na kapalit please, Chandria...."
Napatango nalang ako.Pagkatapos ng nakakalungkot na paguusap namin ni Drake napagisipan na naming umuwi.
Binuksan nya ang pinto ng kotse "Thank you Drake and I'm sorry" malungkot na sabi ko ng nakababa na ako.
"It's okay sinabi ko naman sayo na wala kang kasalanan diba? Basta hayaan mo lang akong mahalin ka. Okay bye! Ingat ka ha?" nakangiting sabi nya pero nakikita ko sakanyang mata na malungkot sya.
"Okay sige bye ingat ka din" ng nakaalis na si Drake agad akong pumasok sa bahay at dirediretso sa
kwarto ko.Nakahiga lamang ako sa kama ko habang iniisip ang mga nangyari kanina. Haaayss... Bakit kaya ako pa? Naaawa ako kay drake dahil wala syang ibang ginawa kung hindi maging mabuti saakin tapos ganito pa ang ipapalit ko? May chance nga ba na magustuhan ko siya? Hayss... Hindi ko alam.

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...