Chapter 66: Chandria

46 2 0
                                    

Chandria P.O.V

"Sebastiaaaaaan! Stop!" Naiinis na sabi ko sakanya dahil nilagyan niya lang naman ng ice cream ang mukha ko 'grrr nakakainis na!'

"Hahahaha why my love?" Tumatawang tanong niya na parang wala siyang ginawang kasalanan

"Ang lagkit na ng mukha ko" naka pout na sabi ko sakanya

"Hahaha come here" Utos niya

"Ayaw! lalagyan mo nanaman ako e" nagtatampong sabi ko sakanya

"Hindi na come here punasan natin" sabi niya at tumayo narin ako

"Nakakainis ka kasi e!" Naiinis na sabi ko sakanya

"Sorry na my love wag ka ng magtampo okay?" Sabi niya habang pinupunasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya

"O yan tapos na nasan na kiss ko?" Sabi niya sabay nguso

"Tse! Ikaw nga may kasalanan saakin e ta-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa lips

*Kriiing! Kriiing! Kriing!*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at dali-dali ko itong pinatay

'Myghaaad! Ano ba yung napaginipan ko?' Tanong ko sa sarili ko

Nagunat muna ako at dumiretso na sa cr para maligo ginawa ko na ang mga morning routine ko at bumaba na para kumain.

Pagkababa ko agad kong nakita sina mommy at daddy sa dining table at mukhang ako nalang ang hinihintay

"Good morning Mom, Dad" sabi ko sakanila at umupo na para kumain.

"How's your school?" Tanong saakin ni mommy.

"Okay naman po" sagot ko sakanya at sinimulan ng kumain ulit.

"By the way mawawala kami ng 2 days ng daddy mo pupunta kami sa Canada may importante lang kaming gagawin duon about business" sabi ni mommy

"Uhm okay po" sagot ko nalang dahil sanay naman na ako.

Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain ng may narinig akong nag doorbell.

'Siguro siya na yon' sabi ko sa sarili ko.

"Bye Mom, Dad" sabi ko sakanila at humalik na sa pisngi

"Take care" pahabol na sabi saakin ni daddy.

"I will dad bye!" Sabi ko sakanya at tuluyan ng lumabas.

Agad bumungad saakin ang napakagwapong nilalang na nasa may harap ng gate namin 'omg ang gwapo at bango niya!' Sabi ko saaking isipan.

"Good morning" bati saakin ni Sebastian at bahagya siyang ngumiti.

Buti nalang nga ngayon nakukuha na niyang ngumiti hindi tulad dati.

"Good morning" nakangiting bati ko din sakanya

"Let's go" anyaya niya saakin at sumakay na sakanyang kotse

Simula nung nagpasukan lagi na akong hinahatid sundo ni Sebastian hindi ko nga alam kung anong nakain ng gwapong nilalang na'to at ginagawa niya sakin ang mga bagay na'to.

Hindi ko namalayan na nasa school na pala kami kung hindi lang nagsalita si Sebastian.

"We're here" sabi niya at bumaba na para pagbuksan ako ng pinto

"Uhm thanks" nahihiyang sabi ko sakanya

"You're always welcome. So, let's go" sabay kaming pumasok sa classroom at umupo na sa mga upuan namin.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon