Chapter 116

15 1 0
                                    

Mikaela P.O.V

Sa kalagitnaan ng paghahabulan namin ni Dame ay biglang nag ring ang cellphone ko.

"Sasagutin ko lang"

"Okay"lumayo muna ako sakanya.

Baby calling...

Buti naisipan niya akong tawagan.Isang linggo na kaming hindi nagkakausap o kahit text manlang ay wala.Nag aalala nanga ako eh.Buti nalang ay nandiyan si Dame para pasayahin ako.

Sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello Baby.Nakakainis ka,antagal mong hindi nagparamdam.May nangyari ba sayo?okay ka lang ba?magsalita ka."umiiyak na ako."Miss na miss na kita"pagpapatuloy ko.Pero hindi siya nagsasalita.

"Shantel andiyan ka pa ba?"

"Pwede ba tayong magkita?"malamig na tanong niya.

"Sandali may problema ba?"kinabahan tuloy ako.

"Just meet me at the parking lot"pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag.

Mabilis akong nagtungo sa parking lot.Nakita ko kaagad siya na nakasandal sa kotse niya.

"Shantel are you okay?"

Yun kaagad ang tanong ko ng makalapit ako sakanya.

"Siya ba ang dahilan kung bakit nakakalimutan mo ng may boyfriend ka?"Ano bang sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"gumagaral na ang boses ko.

"Siya ba?"sumigaw na siya.Mabuti nalang walang tao dito sa parking lot.

"Bakit kaba sumisigaw?"

"Answer my question."

Hindi ako nakapagsalita.Dahil naiiyak na ako.Isang buka lang ng bibig ko ay tutula na talaga ang luha ko.Simula ng maging kami ni Shantel ay hindi niya pa ako sinigawan.Ngayon palang.

"Araw araw sinusundan kita.Iniisip na baka tawagan mo ako o kahit text man lang.Pero wala dahil palagi mong kasama yung Dame nayon.Bakit mas masaya ba siyang kasama?kaya binabalewala mo nalang ako?"

"Hindi sa ganon Shantel."

"Kung ganon.Ano?"

Tuluyan na talagang tumulo ang luha ko.

"Pareho tayo.Hindi lang ikaw ang naghihintay ng tawag.Pati ako naghihintay."Hindi ko na napigilan ang sarili ko.Masyado na siya.Bakit siya lang ba ang nasasaktan.Pati din ako.

"I'm tired.I'm tired of pretending."

"What do you mean?"kinabahan ako.

"I'm breaking up with you"

Tumagos sa puso ko ang sinabi niya.Limang salita ang binigkas niya pero buong katawan ko ay nanghina.

"Just imagine that you dont know me and pretend that I dont exist."
tumigil muna siya saglit. " I dont exist in your life."

Bumagsak ng tuluyan ang luha ko.Totoo ba itong mga naririnig ko na lumalabas sa bibig niya mismo.

"Forget about us. Forget about me at kalimutan mo naring minahal kita."hindi ko na kinaya ang sinabi niya kaya sinampal ko na siya.

"Ganon lang kadali para sayo.Ganon lang kadali na kanina mahal pa kita ngayon hindi na."

Hindi siya nagsalita.

"Yun lang ba ang dahilan mo o hindi mo na ako mahal?tama ba ako?"

"Yes you're right"

"You made me felt happy, when I'm sad. You made me  laughed, when I'm crying, pero ngayon na kahihilom palang ng sakit na dinanas ko sa pamilya ko. Nagkaroon na naman ng panibago and its all because of you.You broke my heart,you made my tears fell." Hininto ko na ang sarili ko sa pag iyak. Sapat na ang mga narinig ko.Para magmakaawa pa.

"Should I stay or should I go? "Heto na ang huling tanong ko.

"Just go"

"Hindi ko akalaing hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan, sana sinabi mo para pareho tayong lumaban"

"Ikaw ang gumawa ng dahil para mapalayo ako sayo."

"Ang kapal din naman ng mukha mo.Ako pa talaga ang sinisisi mo.Ginawa ko lang naman ay mahalin ka." My tears fell again.

"Tama na."

"Tapos kana." hindi siya nagsalita.

"Kung tapos kana pwes tapos narin ako sayo" bago ako tuluyang tumalikod ay may hinabol pa akong salita.

"Bago mo man lang sana ako sinaktan sana sinabi mo muna para nakapaghanda ako."huling salita na lumabas sa bibig ko kasabay non ay ang huling luhang pumatak galing sa mata ko.

Ganon ba ako kamalas para iwan ako lahat ng mahal ko.Pati si kuya ay bumalik na naman sa ibang bansa.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni kuya.

"Kapag sinaktan ka niya tawagan mo lang ako.Para mabugbog ko siya."

Pero hindi ko na muna sasabihin sakanya dahil baka mapabayaan niya ang trabaho niya.Hahayaan kong ang sarili ko ang bumuo ulit saakin.

1 month later...

"Miss sorry"

"Hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo"Sabi ko nalang.

Pagkatapos kong pulutin ang mga nalaglag kong libro ay tumalikod na ako.

"Mikaela sandali"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"mataray na tanong ko sakanya.

"Sa ID mo"pagkatapos ay inabot niya saakin.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat"

"Kung nawala man ito."turo ko sa ID."At kung sakaling hindi mo makita.Kaya ko namang magpagawa ng bago"

"Ang sungit mo naman.Para sa thank you lang.Hindi mo pa masabi."then he pouted.

"Sino bang nakabangga saakin?"

"Ako"

"Kung tinignan mo ba ang dinaanan mo ay matatamaan mo ako?"

"Hindi"

"Edi kasalanan mo.Bakit pa ako mag papasalamat?"

"Sorry po ma'am Mikaela"Nagbow pa siya.

"Pwede ba lumayo layo ka sakin.Hindi kita close o kamag anak kaya huwag kang dumikit saakin."

"Liam Ryle Morales"
Inilahad niya ang kamay niya para makipag kamay pero hindi ko ito tinanggap.

"Do I know you?"I asked him.

"Kaya nga nag papakilala diba.Again,Liam Ryle Morales"

"Oh well I'm not interested.So I should excuse myself"Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at umalis na ako.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon