Chapter 70: Chandria

52 0 0
                                    

Sebastian P.O.V

Ng nag 'yes' si Chandria worth it lahat ng efforts at pagod ko

Papunta kami ngayon sa isang restaurant kasama ang mga kaibigan namin at hindi maalis ang ngiti sa aking labi

Nang nakapasok na kami sa loob  syempre katabi namin ang mga partner namin

"Seb kapag sinaktan mo si Chandria sasakalin ko yung mata mo" natatawang banta ni Mikaela

"Hinding hindi ko naman siya sasaktan e" sabi ko sakanya

"Good" sabi nalang niya at tumango

"O guys order na tayo treat ni Seb!" Sabi ni Nathan

"Oo nga, ano? Order na kami?" Sabi naman ni Axel

"Oo nga naman seb libre kana!" Sangayon ni Shantel

"Oo nga!" Sangayon din na sabi Raven

"Tangina niyo oo na!" Natatawang sabi ko sakanila

At tinignan ako ng masama ni Chandria "sorry" sabi ko nalang

"Ayuuun! O tara order na tayo pakabusog kayo ha? Libre naman ni papa seb yan e" tumatawang sabi ni Nathan tangina talaga tong lalakeng to

"Ang dami mo pang sinasabi mag order kana lang kaya!" Sabi ko sakanya sabay bato ng tissue na nasa lamesa

"Ouch" sabi niya na akala mo naman sobrang nasaktan

"Oo na mag oorder na'ko handa mo na pera mo'' nakangising sabi ni Nathan

Chandria P.O.V

Ang sarap sa feeling na may taong grabeng mag effort sayo

'Haaay Sebastian ang swerte ko naman sayo kahit hindi pa tayo' sabi ko sa isipan ko

Kasalukuyan kong pinapanuod kung paano mag inisan ang magkakaibigan na sina Sebastian

At ng maka oder na kami nagkekwentuhan, nagaasaran, at nagtatawanan habang kumakain

After naming kumain nagpahinga lang kami sandali at umalis na

Umalis sila gamit ang kotse ng mga lalaki sakay ni Shantel si Mikaela, Si Axel kay Andy, Si Raven kay Alexis at Si Nathan kay Shane

Habang ako naman ay nakasakaya sa kotse ni Sebastian on the way na kami sa bahay namin

Napansin ko sa buong biyahe namin nakangiti lang si Sebastian

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ko kay Sebastian

"Yes, why?" Tanong niya

"Wala, napapansin ko lang kasi na lagi kang nakangiti"

"E, sa masaya ako e" sabi niya na pa 'tss' na lang ako

Huminto na ang kotse sa tapat ng bahay namin

Akmang bababa na ako biglang nagsalita si Sebastian

"Chandria thank you for saying yes, thank you because you made me super happy. Thank you so much" nakangiting sabi ni Sebastian

"Ako ang dapat magpasalamat sayo Sebastian thank you kasi pinasaya mo din ako ng sobra, thank you kasi pinaramdam mo saakin na special ako" nakangiting sabi ko sakanya sabay niyakap siya.

"Bye seb ingat ka" Sabi ko sakanya at pumasok na sa bahay namin

*Kriiiiing*Kriiiiing*Kriiiiing*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko ginawa ko na ang mga dapat kong gawin

Pagkababa ko kumain lang ako at lumabas na nakita Kong naghihintay na si Sebastian sa kanyang kotse

"Morning gorgeous" sabi niya saakin at pinagbuksan ako ng pinto

"Good morning" sabi ko din at pumasok na

Habang nagbabyahe kami bigla siyang nagsalita

"Sorry nga pala kung hindi kita nasundo ng 2 days inasikaso ko kasi yung ginawa ko sayo kahapon" hingi niya ng paumanhin

"Akala ko nga nagsawa kana e pero okay lang thank you nga pala ulit"

"Ako magsasawa? Hell no! Hinding hindi ako magsasawa pagdating sayo Chandria" Sabi niya na nagpainit ng pisngi ko

Ng nasa school na kami pinagtitinginan kami ng mga ibanh estudyante dahil siguro sa nangyari kahapon

Yung iba nakangiting tumitingin saakin habang ang iba naman kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako nakahandusay

"Hindi naman sila bagay! Tsk! Saakin lang si papa seb!" Narinig kong bulong ng isa sa mga babaeng masama ang tingin saakin

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang makarating na kami sa aming classroom

Pagkapasok namin biglang humiyaw ang iba naming classmates

"Yieeeeee!" Kantyaw nila napatawa nalang ako at umupo na ako sa pwesto ko at umupo na din si Sebastian habang may ngisi sa mga labi

After nag discuss ng aming teacher nagpa quiz siya at perfect kaming dalawa ni Sebastian

Ng narinig namin ang bell sabay kaming naglakad papunta sa canteen

Habang naglalakad kami may biglang humarang sa daanan namin

Isang babae na may kasama ding dalawang babae

"Sebastian baby" sabi niya at humalik sa pisngi niya

Nakita ko ang pagkairita sa mukha ni Sebastian

"Fck! Get off! Who are you?" Sabi at pinunasan ang kanyang pisnge sabay layo sa babae

"Nakalimutan mo na ako baby? Ako to si Althea girlfriend mo" ng narinig ko yun para akong nanghina

'Girlfriend? May girlfriend na siya pero bakit niya ako niligawan?' Tanong ko sa isip ko at umalis na palayo sakanila

"Chandria! Wait!" Sigaw ni Sebastian habang sumusunod saakin pero hindi ko siya pinakinggan nagpatuloy ako sa paglalakad

Umupo ako sa isa sa mga bench dito sa school

"Chandria let me explain please mali ang iniisip mo" sabi saakin ni Sebastian at tumabi saakin

Hindi ko padin siya pinapansin
"Chandria please magsalita ka naman" nagmamakaawang sabi niya

"May girlfriend ka na pala pero bakit ka pa nanligaw?" Pabulong na tanong ko

"No! Chandria no, hindi kita liligawan kung may girlfriend na ako hindi kita sasaktan"

"She was just my classmate last year may gusto lang siya saakin kaya niya sinabi yun kasi alam niyang nililigawan kita"

"Maniwala ka saakin Chandria please...." Nagmamakaawang sabi niya

"Promise nagsasabi ka ng tutuo?" Tanong ko sakanya

"Yup, promise" sabi niya

"Okay sige naniniwala na ako sayo"

"Thank you. Thank you." Sabi niya at niyakap ako

"W-wait hindi na ako makahinga" natatawang sabi ko

"Sorry" natatawang pinakawalan niya ako

"Tara libre kita sa ice cream house malapit lang naman dito sa school yun'' aya niya at tumayo na

"Paano yung next subject natin?"

"Wala naman si Sir Ignacio e may meeting na pinuntahan daw kaya tara na"

Habang naglalakad kami pansin ko na hawak niya ang  isa kong kamay na nagpatibok ng mabilis ng puso ko.

Pagkadating namin sa ice cream house pasimple kong binitawan ang kamay niya dàhil nakakahiya

"Anong flavor yung sayo?" Tanong niya ng makahanap na kami ng uupuan

"Cookies and cream"

"Okay wait lang oorder lang ako" sabi niya at nag order na siya

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon