Chapter 109

18 2 0
                                    

Chandria P.O.V

Ng makalabas na kami sa mall bigla niya akong pinasok sakanyang kotse

'Kilala ko kung kanino kotse to ah' sabi ko sa isipan ko

At ng tinaggal niya ang kanyang suot na salamin at mask tama nga ang hula ko si Sebastian nga

"S-sebastian? Bakit mo ako dinala dito?" Takang tanong ko sakanya

"Gusto ko lang mag usap tayo" Malaming na tonong sabi niya

"Anong pag uusapan natin? Diba ikaw na nga mismo ang nag sabi na wala kang pake saakin?" Sabi ko sakanya

"Fck! Sinabi ko lang sayo yun kasi nasaktan ako ng sobra sinaktan mo ako ng sobra Chandria! Bakit kaya mong iwan ang boyfriend mo ng gan-" pinutol ko ang sasabihin niya

"Unang una sa lahat hindi kita iniwan! Nag paalam ako sayo diba? Na kaylangan ko lang pumunta sa ibang bansa para irepresent ang National High! At anong akala mo hindi ako nasaktan ha? Mas nasaktan ako Sebastian! Kaya mo sinabi lahat ng yun?! Pinahiya mo ako sa mga kaibigan natin! Buti ka pa nga e may mga kaibigan kang nandito para damayan ka! E ako?! Wala! Wala! mag isa lang ako! Gabi gabi akong umiiyak dahil iniisip kita! Iniisip ko kung okay ka lang ba? Kasi wala ako dito para bantayan ka wala ako... Iniisip ko din kung mapapatawad mo pa ba ako o hindi? Kasi sebastian mahal na mahal kita mahal na mahal! Umiiyak na sabi ko sakanya

Hindi mo man lang ba naisip lahat ng yon ha? Hindi naman kita lolokohin habang nasa malayo ako bakit ka sumuko? Bakit mo ako sinukuan?" Dagdag ko pa at lumabas na ng kotse niya

Nag para nalang ako ng taxi para umuwi ayoko naman makita ni Jacob na ganito ang itsura ko

Itetext ko nalang siya at sinabing umuwi na ako

Pagkauwi ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko at duon ako umiyak

Sebastian P.O.V

'Fck! Ang tanga ko! Sobrang tanga sht!' Naiinis na sabi ko sa sarili ko sa loob ng kotse

Ng narinig ko lahat ng sinabi ni Chandria saakin duon lang ako natauhan

'Fck! Bakit kasi hindi ko siya inintindi? Bakit ko kasi inuuna ang galit ko?! Kaylangan mapatawad niya na ako para magkabalikan na kami lalo na ngayong may umaaaligid-aligid sakanya' sabi ko sa sarili

'Magiging akin ka ulit Chandria dahil una palang akin kana...'

Chandria P.O.V

Nagising ako dahil sa katok galing sa pintuan ko

At pagkatingin ko sa orasan malapit sa kama ko duon ko lang napagtanto na umaga na pala sobrang haba ng tulog ko

Pagkabukas ko ng pinto agad bumungad saakin sina Shane, Alexis, Mikaela at Andy

Nabigla ako dahil akala ko sina mommy lang o manang wala naman kasi silang sinabing pupunta sila dito

"Ano pang ginagawa mo? Mag bihis kana tara na" sabi saakin Andy

"H-ha? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko

"Basta mag ayos kana lang tsaka magdala kana din ng damit mo good for 1 week" sabi saakin ni Mikaela tsaka tinulak ako pabalik sa kwarto ko

Wala akong nagawa kung hindi maligo at mag empake ng mga gamit ko

Ng maka ayos na ako bumababa na ako at nabigla akong hindi lang pala sila Andy ang mga nandito dahil kasama din sila Raven, Axel, Shantel, Nathan at Sebastian

'Aba buti nandito siya' sabi ko sa sarili ko

Ng lumapit ako sakanila agad ko silang tinanong

"Ano ba talagang meron?" Tanong ko nanaman ulit sakanila

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon