Shane P.O.V
Nang magising ako nakita kong nasa Van kami.. Teka..
"Saan nyo kami dadalhin?" sabi ko ngunit walang kumikibo sakanila.. Ano to? Kidnappers na pipe? Kakaiba grabe!
"Hoyy ano ba?! Mga pipe ba kayo?! Saan nyo kami dadalhin sabi eh!" Inis na sabi ni Andy ngunit wala paring kumibo
"Ano bang kailangan nyo samin? Kung pera lang ibibigay naman namin eh.. Pakawalan nyo lang kami please.." sabi naman ni Chandria at di parin sila kumibo
"Saan ba talaga nila tayo dadalhin?" mahinhing sabi ni Mikaela
"Hayy nako.. Kung ako sa inyo wag na kayong mag aksaya ng oras sa nga yan.. Wag nalang kayong kumibo.. Di pa sayang laway nyo.. " sabi naman ni Alexis
Habang nasa byahe kami wala kaming ibang ginawa kundi magdasal ng magdasal, na sana kung ano mang masamang balak ng mga to.. Hindi sana mangyare.. Kaso kahit dasal dasal kami ng dasal hindi parin nawawala ang takot namin.. Sila Chandria at Mikaela dahil sa sobrang takot na baka kung ano nang mangyari sa amin, umiiyak na sila.. Ako at si Alexis naman medyo naluluha narin... Si Rose lang talaga ang di makikitaan ng takot.. Para bang wala lang sakanya ito.. Kapag pala sanay kana dahil sa pagrerebelde ay kahit na kasama na sa kidnap scene di parin takot.. Sana makuha ko ang ugaling yun.. Yung katapangan lang ahh.. Hindi yung pagka-rebelde nya..
Ilang oras pang byahe ay itinigil na nila ang Van.. Bago nila binuksan ang pinto nilagyan muna nila ng takip ang aming mata..
"Bakit kailangan nyo pang takpan ang mata namin? Ganon ba kalala ang gagawin samin kaya hindi na namin dapat makita?" inosente kong sabi.. Ayaw ko ng sumigaw.. Nawawalan lang ako ng lakas.. Hinihintay ko lang ang sagot nya pero wala talaga.. Nakipagtitigan lang sya sa akin.. Habang nakikipagtitigan sya sakin hindi ko alam bakit pero feeling ko sa mga mata nya para syang naawa nung nakita nya ang itsura ko.. Atsaka parang feeling ko kilala ko ang mga mata at titig na ganyan.. Pinagmamasdan ko lang mabuti..
"Sino ka hah? Parang kilala kita.." sabi ko at nagtaka ako kaso agad syang umiwas..
Tinakpan na nila ang mga mata namin pagkatapos binuhat na nila kami at di na alam kung saan kami dadalhin..
Mga ilang minuto pa naramdaman kong dahan dahan akong ibinaba sa isang malambot na higaan ng lalakeng nagbubuhat sa akin.. At naramdaman kong tumabi din sa akin ang lalakeng ito.. Teka lang..
"Anong gagawin mo sakin? Kung ano mang masamang binabalak mo. Wag mo ng gagawin, please.." Pagmamakaawa ko.. Pero imbis na sumagot sya.. Isang labing dumampi sa mga labi ko ang naramdaman ko.. ramdam ko ang kalambotan ng labi nya.. Pero kahit na! Si Nathan lang ang pwedeng mang akin sa akin! Inipon ko ang lahat ng lakas ko at itinulak sya.. Tagumpay naman dahil nakawala ako sakanya.. Agad kong inalis ang takip ko sa mata at nagulat ako ng makita ko kung sino ang humalik at kung saan ako naroroon.. Nandito lang naman ako sa isang bahay na malapit sa isang beach.. Di ko nga lang alam kung kanino to.. paano ko nalaman na sa may beach ito? Kitang kita kasi ang dagat mula dito eh.. Tapos ang katabi kong lalake ngayon ay ang lalakeng mahal na mahal ko.. Walang iba kundi si Nathan.. Naiyak nalang ako ng maintindihan ko ang nangyare.. Agad akong lumapit at sumubsob sa dibdib nya..
"Nakakainis ka?! Akala ko kung ano ng mangyayari sa akin." umiiyak kong sabi
"Sorry na.. Pero love wala naman akong masamang gagawin sayo eh.." sabi nya habang hinahaplos ang ulo ko
"Pero Love thanks talaga.. Sobra akong nasurprise.. Obvious naman diba?" natatawa kong sabi kahit na may mga tumutulo paring luha sa mga mata ko
"Para ka nang baliw Love.. Pero kaya naman kita minahal eh.. Kasi baliw ka" banat nya na nagpaiba ng mood ko.. Ang sweet talaga nya haha natatawa nalang ako sa banat nya..
"Corny mo, Love! Baliw ka na rin!" sabi ko
"Edi parehas tayong baliw hahaha" tawa ni Love.. Baliw talaga to.. kaya ko nga sya minahal eh hihi
"I love you Nathan" diretsyo kong sabi sabay smack sakanya
"I love you and I always will, Shane.." sabi nya at akmang hahalikan ako ulit pero pinigilan ko sya gamit ang daliri ko..
"Bakit??" sabi nya na naka-pout na parang bata.. natatawa nalang tuloy ako haha
"Nakadami ka na sakin.. Tas ang tagal pa nung kanina.. Sobra na yun" pangaasar ko sakanya
"Hmmp!" sabi nya na parang bata..
"Haha joke lang.. Kiss mo na ako" sabi ko sabay nguso senyas na ikiss na nya ako.. Tapos kiniss naman nya akong ng smack pagkatapos ay binulabog na kami ng mga kabanda naming kakapasok lang sa kwarto namin..
"Hey Guys! Ano pang ginagawa nyo dyan!! Swimming na tayo dali!" excited na sabi ni Alexis
"Hala! Pano ka nakapagpalit ng swimming suit? Wala naman tayong dala ahh? Don't tell me kasabwat din kayo dito?" sabi ko
"Hindi shungek! biktima lang din kami dito! Syempre dahil planado nila ito pinagkuha na nila tayo ng mga susuotin na pangswimming.. Kaso dahil may pagka conservative ang mga boyfriend natin ang dinala nila ay yung hindi masyado maeexpose ang katawan natin" paliwanag ni Alexis at tumango nalang ako
"Magbihis ka na dali.. Excited na talaga ako hihi" sabi ni Chandria.. Obvious nga.. lahat naman kami excited eh.. Kaya agad na akong pumunta sa cabinet at tinignan kung nandun ang favorite kong swimming suit kaso nalungkot ako kasi wala
"Love!! Yung favorite kong swimming suit bakit hindi mo dinala!!?" sabi ko
"Alin? Yung one-piece na kulay purple na may kapartner pang see through na damit?" sabi nya
"Oo yun!!" sabi ko
"Ayaw ko! masyado expose katawan mo dun!!" sabi nya at nagpout lang ako
Nagbihis na ako at agad kaming pumunta sa Beach.. Habang naglalakad kami may mga lalaking nakatingin sa akin..
"Kainis.. Pumunta tayo dito para makabawi sayo at makapagcelebrate din tayo.. Hindi para pagtinginan ka nila.. Parang gusto ko na tuloy hugutin mga mata nila.. Okaya pilipitin ang mga leeg nila.." sabi nya.. Ngayon ko lang sya nakitang nagganto.. Natatawa nalang tuloy ako
"Kalma lang Love... Hanggang tingin lang naman sila ehh.. Ikaw pagmamay ari mo na ako" Banat ko sabay kapit sa mga bisig nya
"First time ka atang nagganyan love?" tanong nya habang nakangiti
"Eh first time ka lang rin nagganun ehh haha" sabi ko
Nagpatuloy lang kami sa aming kasiyahan.. Nagtawanan.. at lahat lahat.. Masasabi kong ito na yata ang pinakamasaya kong pasko sa buong buhay ko..
Pagkatapos naming magsaya ay umuwi rin kami pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...