Mikaela P.O.V
So, kahapon nga ay nag-bati na kami ni Kuya. At ngayon naman ay nasa office kaming lima. Dahil may sasabihin daw ang Dean saamin
"I called all of you, AGAIN" may pagkakadiing sabi ng dean, na napag-alaman kong Lola pala ni Alexis na isa rin sa mga kasamahan ko sa grupo namin.
"Dahil gusto kong malaman nyo, na may mahalaga akong i-aanunsyo mamaya, at dapat lahat ng estudyante ay naroon, including your group" pagpapatuloy ng dean.
"Para saan ba?" walang modong singit ni Andy.
"Mamaya nyo malalaman" sagot naman ng Dean.
"Tsk! Pasorpresa" pagpaparinig Ni Andy.
"May sinasabi ka, Ms.Valencia?" nakangiting tanong ng dean.
"Wala" sagot ni Andy
"Just prepare a song and you'll face one of your consequences, okay? Sige pwede na kayong umalis" nang makalabas ay wala paring kibuan Ang lahat. Ngunit ilang saglit lang ay binasag na ni Alexis ang katahimikan.
"Ano kayang meron mamaya?" nacucurious na tanong nito.
"Tss! Parang walang tainga" bulong naman ni Shane. Itong dalawang to kaya kailan matitigil sa pagsasagutan?
"Di mo ba narinig ang sinabi ng dean slash your grandma?" sarkastikong tanong nito.
"Narinig ko! Bakit? May angal ka?" pananakot nito.
"Alam nyo kayo kanina pa eh!Nakakarindi kayo at kailan ba kayo matatapos sa pagbabangayan nyo!?" pakikisabat ni Andy then after she shouted she walked away! Nice iniwan kami. Sa inis ni Alexis, umalis din.
Nang medyo makalayo ay sumunod naman si Shane. Bale kaming dalawa nalang ni Chandria ang naiwan.
"Ah sige Mauna na ako" pagpapaalam ko sakanya. Tatalikod na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
"A-ah! Mikaela, pasensya na ah. Kung hindi dahil saakin hindi ka sana kasali sa gulong to" paghihingi nya ng paumanhin.
"Ah ano kaba! Ayus lang kung hindi nga dahil sayo siguro nabalatan nako" pagpapakatotoo ko. "Sige!" paalam ko ulit ngunit hinawakan nya nanaman ang kamay ko.
"May sasabihin kapa?" tanong ko sakanya
"G-gusto ko sanang makipag friend sayo, Pwede ba?" tila nahiya pa ito mukha naman syang mabait, pero pagiisipan ko muna. Sa panahon ngayon mahirap na ang magtiwala. Ay! Ang OA ko na ata!
"Friends?" paglalahad ko ng kamay dito. Putek na utak! Sinabi ng pagiisipan palang eh.
"Friends!" nakangiting sabi nya pagkatapos ay niyakap ako.
This time I'll use the word trust. I think she's trust worthy
Sabay na kaming naglunch at pagkatapos ay pinatawag na lahat ng students ng SNH, para sa magaganap na anunsyo. Iniisip korin na ano kaya ang iaanunsyo?
Nang nasa gym na ang lahat ay nagsimula ng magsalita ang Dean. Actually, kasama ko ang mga kaklase ko ngunit hindi ako nagsasalita
"Good afternoon, Silverian. I'm having a very simple announcement at gusto kong magkaroon kayo ng respect sakanila bilang kau-unahang babaeng grupo na ginawa ko. They will be called CRYSTAL GROUP" Wow! May name na nga kami? I guess ito na talaga to
"Hmmm! Sino naman kayang tinutukoy ni Dean?"
"Oo nga, e!"
"They? Ibig sabihin madami sila" narinig kong bulungan ng mga estudyante.
"May I call on, Ms.Valencia, Ms.Gil, Ms.Gonzales, Ms.De Vera and
Ms.De Guzman" WAIT ITO NA BA TALAGA? Kinakabahan ako"Ha anong meron sakanila?" girl 1
"Bakit kaya sila tinawag?"Girl 2
"Baka sila na yung new girlgroup!" Boy 1
"Ang alin?" Boy 2
"Yung ginawang new band ni Dean" boy 1
"Silverian, Quiet!" sigaw ni dean at nanahimik naman ang lahat. Ng hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ay biglang may nanghila saakin at nakita ang kaibigan ko na si Chandria.
Nang nasa stage na kami ay dumami nanaman ang mga nagbubulungan ngunit ng mag umpisa nang magsalita si dean ay nanahimik din.
"Sila ang magiging girlgroup sa school na ito kaya sana ay magustuhan nyo sila...."
"Yesss, Dean!" sagot naman ng lahat ngunit ang iba ay hindi parin kumbinsido. Nag-iingay na lahat sa gymnasium
"Song!!!! Sample! Sample!" sigaw ng lahat kaya medyo tumawa ang Dean
"Okay, So girls pakitaan nyo sila" nagkatinginan kaming lima ng bigyan kami ng tig-iisang mic. Oh no! Hindi kami prepared sa ganito
"Guys, don't panic. Ano bang alam nyong kanta?" pagpapakalma ni Andy tapos naglupong kaming lima. Bakit kasi hindi kami nagpractice?
"Skyscraper" sabay sabi namin ni Chandria
"Alam nyo ba talaga yun? E, kayong dalawa?" parang naging leader namin si Andy. Kung wala sya ay baka kainin na kami ng nerbiyos
"Yup, alam ko" parehas at sabay na sabi ni Shane at Alexis, parehas pa silang umirap sa isa't isa
"Okay, so game... Unahan mo Chandria" sabi ni Andy na medyo kinakabahan narin
"H-huh? Ako talaga?" tanong nya at tumango kami "Okay" kabadong sagot nya
Chandria:
Skies are crying, I am watching
Catching teardrops in my hands
Only silence, as it's ending
Like we never had a chanceTumingin sya kay Shane at parang nakuha naman yun ni Shane
Shane:
Do you have to make me feel like
There's nothing left of me?Tumingin si Shane kay Alexis at umirap naman si Alexis. Akala ko nga ay hindi nya itutuloy ang kanta ngunit tinuloy nya
Alexis:
You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paperTumingin si Alexis kay Andy at itinuloy naman ni Andy
Andy:
Go on and try to tear me down
I will be rising from the groundKaming lahat:
Like a skyscraper, like a skyscraper
Habang kinakanta namin ay tinitignan nila akong lima parang sinasabing 'it's your turn'
Ako:
As the smoke clears, I awaken
And untangle you from me
Would it make you, feel better
To watch me while I bleed?Tinapos ko na dun tapos ay nag-hawak hawak kaming kamay, at gaya ko ay ang lamig din ng kamay nila. Ang daming nagreklamo. Bitin daw sila at isa pa. Napangiti kaming lima ng marinig namin ang mga yun
"Konti palang yan. Magpreprepare pa ng mas bongga ang Crystal Group. Kaya tatanungin ko kayo. Gusto nyo ba sila?" tapos biglang nag-sigawan ang lahat at sobrang ingay na sa gym. Hanggang naging isa ang salita nila.
"CRYSTAL GROUP! CRYSTAL GROUP!" hanggang sa tumawa ang dean at sinabing
"Next week, ulit" tapos pinababa na kami sa stage. Tapos nagluluntag si Shane
"My gosh! Nagawa natin!" humalakhak kaming apat
"Oo nga, e! Hindi ako makapaniwala" sagot naman ni Alexis
"Guys! Group Hug!" sigaw ni Chandria. Tapos nag group hug kami. First time namin lahat na maging mag-kasundo sa isang bagay.

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...