Chapter 9: Rescue

121 10 1
                                    

Mary Chandria P.O.V

Nagising na lamang ako ng narinig ko ang boses ni mommy.

"Chandria anak gising kana maaga pa ako pasok mo"

Napatayo ako agad ng naalala ko na may pasok pala ako. "Opo, Mommy maliligo na po ako"

Pumasok na ako sa banyo at naligo na ng natapos kong maligo at makapagbihis dali dali na ako bumaba. Nakita ko sila mommy and daddy na nakaupo na at hinihintay na lang ako. Nagdasal muna kami bago kumain.

Ng natapos na akong kumain humalik na ako kay mommy and daddy.

"Bye mommy! Bye daddy!" kumakaway na sabi ko ng nasa may pinto nako.

"Okay, take care!" sabi nila.

Nagpahatid na ako sa aming driver na si kuya kiko. Pagkarating ko sa school agad ko ng nakita si Drake.

"Good morning Chandria!" nakangiting sabi nya.

"Good morning din" nakangiting sagot ko naman.

"Gusto mong mag breakfast?" tanong nito.

"Hindi kakatapos ko lang" sagot ko.

"Okay" nakangiting sagot nito.

Pumasok na kami at nakita ko ang mga kaklase kong ang gugulo at ang iingay. Maliban sa kaklase kong isa na ang cold ng face at parang walang pake sa nasa paligid nya. W-wait ano na kasing pangalan nya? Sebastian ba? Ah oo! Tama!

Dumating na ang adiviser slash math teacher namin. Pagkarating na pagkarating ng aming teacher agad agad syang nagtanong.

"What is the square root of 695?" tanong nito.

Nagtaas ako ng kamay dahil alam ko ang sagot ngunit tinawag ni Ma'am si Mr. Cold na nakataas din ang kamay. Oo! Mr. Cold ang tawag ko sakanya e pano ba naman ang cold cold ng muka pati boses.

"26.36" walang emosyong sabi nito.

"Very good" sabi ng aming teacher. "Next, what is the square root of 3,333?"  Nagtaas ako ng kamay at mabuti tinawag na ako ng teacher namin.

"57.73 Ma'am" magalang na sagot ko.

"Verry good"sabi ng teacher namin.

"Tss" narinig kong sabi ni Mr. cold.

Pssh ano naman kayang problema nya? Gusto nya sya lang ang nakakasagot? No way! Ayaw kong madisappoint saakin sila mommy.

Natapos ang klase na puro recitation ang nangyari at halos kami lang dalawa ni Mr. Cold ang nakakasagot. Nakakasagot din naman si Drake kaso madalang lang.

"Okay class dismiss." at lumabas nadin kami.

"Chandria, tara na sa canteen" nakangiting sabi ni Drake.

"Oo mauna kana susunod nalang ako" tumango na lamang sya. Kaya ako nagpaiwan dahil may nakita akong binubully'ng babae lumapit ako sakanila. Wait! Siya ba yung Salutatorian namin? Parang sya, e! Hay nako! Grabe naman tong mga babaeng to sakanya!

"Hoy kayong lahat gusto nyong isumbong ko kayo sa Dean natin?" pagbabanta ko sakanila

"Talaga ba? Kailan pa nakielam ang mahinhin naming Valedictorian?" masungit na sabi nito. Ha! Akala nila di ko lalaban? Pwes akala lang nila yun!

Umirap ako at sinabing "Ngayon lang... Kaya pwede ba? Maawa naman kayo sakanya" Humalakhak lang sila at nagtaas ng kilay.

"Manuod ka nalang kung ayaw mong madamay" sabi nung leader nila na feeling maganda. Sarap ihagis ng babaeng to sa kabilang building!

"Try me" nakangising sabi ko.

"Try me ka dyan! Isumbong ka lang namin sa Dean at mga faculty teacher ay sira na ang pangalan mo" nakangising sabi nya. Ugh! Kainis naman o! Pero nandito na, e. Papanindigan na nga lang

"Magsumbong ka! I'm just protecting this girl" sabay turo ko sa babae

"Masyado kayong bully! Hindi kayo bagay na maging Silverian" sabi ko sakanila. Nakatingin narin ang ibang Silverian saamin. Wala ba silang balak tulungan kami?

"Ikaw ang hindi!" sinampal ako nung babae at napapikit ako sa sakit ng sampal nya. "Hindi ka bagay sa Silver National High!" tapos sinampal ulit nya ako. Alam ko na kung bakit binubully ang babaeng to.... Inggit sila sakanya...

Huminga ako ng malalim at buong pwersa syang sinampal. Kaso napalakas ata dahil napaupo sya

"Ms.De Guzman!" sigaw ng isa sa mga dati kong teacher. Tinignan ko yung babae at umiiyak na sya. Masyado ba yung malakas? O sadyang Best Actress lang tong babaeng to.... Pakitang tao! Bitch!

"Ma'am, Sorry" nakayuko kong sabi nang makalapit na sya saamin

"Ms.De Guzman and Ms.Gonzales.... Follow me" seryoso nyang tugon. Kaya sumunod kaming dalawa sakanya. Nang marating nanamin ay nakita namin ang Dean's Office. Patay na talaga ako kila Mommy at Daddy! Lagot!

Nang makapasok na kami ay may dalawang babae na mukhang nag-away. Nagsalita naman ang dean

"Puro babae na talaga ang gumagawa ng kalokohan...Nasan na yung babaeng nagditch at sumagot sa senior teacher natin?"
So, tama ako! Nag-away nga sila, pero yung babaeng sumagot sa senior teacher ay grabe naman!

"Nandyan na po" magalang na sabi nung guard ata nang Dean. Tapos bumukas ulit ang pinto at nakita ko yung babaeng sumagot sa senior teacher....

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon