Mikaela P.O.V
Nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto sa kwarto ko
"Mikaela, Wake up! Malelate kana!" rinig kong sigaw ni Kuya Dave.
Napatingin naman ako sa wallclock! Shit 7:00 A.M na pala! Mabilis akong bumangon at nagtungo agad sa C.R. Mabilis lang din akong natapos then bumaba na ako. Nadatnan ko sila na kumakain na ng breakfast
"Morning, Dad, Mom, Kuya" sabay halik ko sa pisngi nila...
"Mauuna na po ako" sabi ko sakanila
"Hindi kamuna ba magbebreakfast, hija?" tanong ni Dad
"Ah, Hindi na po, dad. Malelate na po ako" tumalikod na ako. Bigla namang sumigaw si kuya nang pipihitin ko na ang doorknob
"Hintayin mo ako sa kotse ko, I'll drive you" late na ko! Duh! Hindi ba nya nakikita na late na ako? Ughh kainis!
"Kuya, Malelate nako huwag nalang atsaka may taxi naman, eh" nagmamadaling sabi ko sakanya
"Tsk! Fine!" tumayo na sya at uminom ng tubig at sinabing
"Hintayin mo nalang ako, kukunin kolang susi ko" sabi na e! Hindi rin ako matitiis ni Kuya
Pumasok na ako sa kotse ni kuya at ilang sandali lang ay pumasok narin sya. Mabilis lang ang naging byahe namin at agad din kaming nakarating sa Silver National High.
"Bye kuya! Thank you narin" tapos bumaba nako at nagmamadaling pumasok.
Second day of school na ngayon kailangan kong bumawi dahil nga sa absent ako kahapon. Kainis kasi yung ex-bestfriend ko na yun!
Halos kasabay kolang din pumasok ang lecturer ko. Buti nalang di ako nalate. Nag discuss lang sya then mabilis ding nakalipas ang oras at naglunch na.
Nang nasa Labas na ako ng room, naramdaman kong kumukulo na ang sikmura ko. Oo nga pala di ako kumain.
Nagtungo ako sa canteen ngunit hindi paman ako nakakapasok ay may humila nanaman saakin. Bigla ako natumba at pinagtawanan ako ng mga nanghila saakin! Diko sila kilala! Quota na ako sa panghihila!
"Hahahahaha! Yan ang bagay sayo malandi ka! Dapat Sayo binuhusan nito" then I saw a tumbler....alam ko na mainit ito at pwedeng pwedeng masira ang balat ko.
Shit! Shit! Shit!
Binuksan na nya ang takip at pagkatapos ay binuhusan ng konti ang inuupuan kong sahig.
"Ngayon naman magdasal kana" hindi nalang ako kumibo at hinintay na matapon sakin ang mainit na tubig.
"Wait lang! Dapat sugatan muna natin sya para mas masakit" tapos nagsitawanan sila. I feel so helpless.
Sa sakit ng sampal ng babaeng parang leader nila ay, unang sampal palang ay nalaglag na ang luha ko."Umiiyak na si nerdy mika" sabi nila at nagtawanan.... Ang sakit kaya! Sinong hindi iiyak sa sakit ng sampal nya! Gusto kong sumagot sakanya kaso hindi nalang.....
"Iyak pa! Iyak pa nerd!" sigaw nung parang alalay nya
"Iiyak pa yan! Iiyak pa yan" they were chanting those word.... Humagulgol lang ako.... I want to go home.... Kung dati hindi ka pinapansin ngayon naman ata sobra na ako sa pansin...
Dahil to sa ex-bestfriend ko! Dahil sakanya!
"Hoy! Kayong lahat gusto nyong isumbong ko kayo sa Dean natin?" napatingin ako sa babaeng nagsalita.. Teka! Sya ba yung Valedictorian namin? Not sure pero parang sya! Sikat kase sya sa School 'Silver National High, Ideal Girl' sya sa paaralan namin.
"Talaga ba? Kailan pa nakielam ang mahinhin naming Valedictorian?" umirap sya at sinabing
"Ngayon lang.... Kaya pwede ba? Maawa naman kayo sakanya" humalakhak lang sila at nagtaas ng kilay. Naku naman! Niligtas nya nga ako nadamay naman sya
"Manuod ka nalang kung ayaw mong madamay" sabi nung tumatayong leader nila. Kaso mapilit yung babae
"Try me" tapos ngumisi sya
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Novela Juvenil"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...