Chapter 41: Alexis

88 6 2
                                    

Alexis P.O.V

Palabas na sana ako ng bahay ng biglang may nagsalita

"Ate" mahinahong sabi ni angela

"Bakit?" kunwaring inis na tanong ko

"Ate kasi kahapon narinig ko si lola sa office nya may kausap na lalake " nahihiyang sabi nya

"Tapos?...alam mo kung wala kanang sasabihing iba aalis nako malelate nako sa school " pag-aarte ko parin na naiinis sa sinabi ni Angela

"Ate kasi si BLAKE yung kausap ni lola kahapon lilipat na daw sa SNH" natigilan ako sa sinabi nya.

"Aalis nako" madiing sabi ko. Parang biglang nasira ang araw ko ng marinig ko ang pangalan NYA

"Ate sana naka move on kana " mahina pero rinig kong sabi ni Angela. I'm also wishing that, Angela..

------SNH------

Habang naglalakad ako sinalubong ako ng mga kabanda ko pati narin yung StoneCold Band... So, anong meron at magkakasama sila?

"Uy! Alexis" sabi ni Shane ng derederetso akong maglakad papunta sa pwesto nila.

"Wala ako sa mood makipag usap ngayon" malamyang sabi ko. I should forget him... Hindi dapat sya iniisip

"Ay ganon? May sasabihin pa naman din akong maganda" masayang sabi ni Shane. Ano bang meron sa babaeng to? Bakit ang playful nya ngayon? Ito ba ang nagagawa ng isang Ken? Mukhang kailangan ko ng lalaki para makalimutan muna SYA

"Ano bayon?" mahinang tanong ko
"Kanina nakakita kami ng pogi. Alam naman namin na mahilig ka dun kaya naalala lang kita hahah. Sweet ko no?" masayang sabi ni Shane. Gusto ko syang biruin rin pero sa ibang mundo tumatakbo ang pag-iisip ko

"Hindi naman mas pogi pako don" nakangising sabi ni Raven

"Ano bang name nya?" nakangiting sabi ko. Nabuhayan ako ng luob dahil mukhang triggered tong si Raven.

"Ang pagkakarinig namin BLAKE ALESANDER MARTIN. Dba, super sweet ko na talagang kaibigan dahil pati name nya inalam ko. Hindi na ako bitter hehe I don't need sugar" sabi ni Shane

"Blake?" gulat na sabi ko

"Bakit kilala mo?" curious na tanong ni Chandria. Mukha namang nagulat si Sebastian sa tanong ni Chandria... Bakit hindi pa kase sila mag-aminan? Parang naglalaban sila sa isang Torpe Challenge

"Oo kilalang kilala ko sya. Ex ko sya, eh " sa hindi malamang dahilan ay mabilis na nangilid ang luha ko.

"O bat ka naiiyak ka?" tanong ni Mikaela

"Wala, Sige una na ko" sabi ko pero bago pako makaalis nagsalita si Raven

"Siya ang FIRST LOVE MO, tama ba ko?" may pagkadiing sabi ni raven

"You're wrong" nakangising sabi ko

"Edi mas okay. Mas masaya. No rivals. Just you and me" sabay kindat nya pa. Bago ako umalis ay sinabi nila na may practice daw kami, yun daw ang dahilan ka sila magkakasama. If I know gusto lang makita ng mga boys ang mga girls. Kaya hindi na nila ito tinext...

"Alis na talaga ako. Mamaya nalang  sa music room" paalam ko sakanila. Pagkatapos ay umalis narin ang iba.

Papunta ako ng classroom ng biglang kong nakita si myra at nilapitan sya
"Anong meron?" tanong ko sakanya

"Si a-ano" nagdadalawang isip na sabi ni Myra

"Ano?!" galit na sigaw ko sakanya. Because I can feel it...... I can feel him..

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon