Rose Andy P.O.V
Pagkauwi namin ay kanya kanya ng hatid. Hinatid ako ni Axel sa bahay at sabi niya ay duon daw siya natutulog at wala namang kaso saakin yun. Kami lang ang tao sa bahay dahil nga wala naman si Papa at si Mama ay wala rin.
"Babe, may damit ka pa naman diyan. Mauna ka ng maligo saating dalawa" sabi ko habang inaayos ang dvd dahil magmomovie marathon kami. At kaya may damit si Axel sa bahay dahil nagdala siya dati, incase of emergency daw.
"Babe, sabay tayo?" hindi na ako nagulat ng niyakap niya ako, alam ko naman na gagawin niya yun. May pagkapilyo rin na tinatago si Axel na saakin niya lang ipinapakita. Napairap nalang ako sa sinabi niya.
"Okay, let's go" pagpatol ko sa kapilyuhan niya. Pansin ko na nabigla siya sa sinabi ko kaya gusto kong matawa. Pag kasi nakusumpong siya sa kapilyuhan niya ay hindi ko nalang pinapatulan pero dahil gusto kong maiba naman ay pinatulan ko na.
"B-babe, biro lang"
"I don't like jokes. Come on, sabay lang naman tayo maliligo" pambibiro ko sakanya. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kahit hinihila ko siya.
"B-babe" sambit niya. Tumawa ako ng sobrang lakas kaya nawala ang kaba sa mukha niya. Napaniwala ko siya na sabay kami maliligo. Damn. Baliw talaga.
"I was just kidding, babe" sabi ko habang tumatawa. Mabilis niya akong hinapit at niyakap.
"Bukas may trabaho ka nanaman?" tanong niya habang yakap ako.
"Yup, why?"
"Wala. Parang namimiss kita agad. Mag apply rin kaya ako?" tanong niya na mabilis kong ikinailing
"Bukas yung resume ng practice niyo. Yung concert remember?" paalala ko sakanya. Biglang nagring yung phone niya kaya kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Huh? Matutulog sana ako dito kila Rose, e..... Bakit biglaan naman ata?..... Okay, sige sige" rinig kong sabi niya. Nahihiya niya akong tinignan.
"Babe, may bisita kasi kami sa bahay---"
"It's okay, I can manage" putol ko sakanya. Hindi naman ako iiwan ni Axel kung hindi importante, kaya okay lang.
"Sorry" sambit niya na ikinatawa ko.
"Ano ba! Parang aalis ka lang naman, e. Magkikita naman tayo bukas, kaya huwag mo ako masyado mamiss" sambit ko.
"Basta susunduin kita bukas... Sige, alis na ako" tapos ay humalik siya saakin. Hinatid ko siya at masayang kumaway habang papalayo ang sasakyan niya.
Axel P.O.V
Mabilis lang akong nakarating sa bahay at nang makapasok na ako ay may mabilis na yumakap saakin.
"I miss you" sambit niya. Tinignan ko kung sino ito.
"Amanda!" masaya kong sabi. Bestfriend namin ni Ate si Amanda... Ang laki ng ipinagbago niya. Parang kailan lang pareho pa kaming paslit.
"Annulled na sila Mom at Dad" sambit niya tapos ay biglang humagulgol. Hindi ko napansin na maga pala ang mata niya. Mabilis ko siyang hinapit at niyakap.
"Everything's gotta be alright" sabi ko. Tumango tango naman siya.
"Hoy! Bakit kayo lang?! Saliii" sabi niya tapos ay naki yakap narin.
"Dinner na" sabi ni Mommy kaya nagsitango kami at sumunod sakanya.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang isipin si Rose. Kumain na kaya siya?
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.
"Axel, you're eating" sita saakin ni Mommy.
"Just texting Rose" sabi ko tapos ay inilapag ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...