Raven P.O.V
Dahil lang sa halik na yun ay nagkanda letse letse na. Ilang araw kong sinusuyo si Alexis. Nagusap narin kami ni Ace.
Flashback
Nandito ako sa bahay nila Alexis pero hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto. Akmang aalis na ako ng magsalita sa likod ko.
"Magusap tayo, Raven" humarap ako at nakita si Ace.
"Okay" sabi ko tapos ay sinundan siya. Pumunta kami sa kwarto niya na tinutuluyan dito sa mansion nila Alexis.
"I told you, don't play with her" seryoso niyang sabi.
"Seryoso ako sakanya, Ace" sagot ko naman.
"Tss yan din ang sinabi mo saakin nung kayo ni Angelyn"
"Totoo rin naman yun. Pero nung narinig ko siyang kausap ang mga kaibigan niya at sinabi niya na ginagamit niya lang ako para mapalapit sayo. Hindi rin naman ako tanga para hindi malaman na may gusto ka sakanya" saad ko "So hiniwalayan ko siya. Nagulat nalang nga ako nung nagmakaawa siya saakin. Tss galing umarte ng babaeng yun"
"Raven" sambit ni Ace. Siguro hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Naging kayo naman at naging fiancee---"
"Fake fiancee. Nagpanggap lang kami para layuan ako ni Camilla pero hindi ko rin siya natakasan dahil naengaged rin kami sa isa't isa. Pinaglaruan tayo ni Angelyn. Hindi niya tayo gusto, ang gusto niya ang yung pera natin"
"Bitch" sabi ko tapos ay natawa nalang kami pareho.
"Sige hindi na ako tututol sainyo ni Alexis. Sana maging masaya kayo" sabi niya.
"Ikaw rin, sana maging masaya ka" tapos ay lumabas kami sa kwarto niya ng tumatawa. Nagulat ako nung nagtama ang mata namin ni Alexis. Pababa kami at siya naman ay paakyat.
"May gagawin pa pala ako. Ikaw nang bahala sakanya, Raven" tapos ay bumalik na siya sa kwarto niya habang hindi nawawala ang tingin ko sakanya. Siya ang unang nagiwas ng tingin at dumiretso sa pagakyat. Hinarang ko ang kamay ko para hindi siya makaakyat.
"Alexis, come back to me" sabi ko sakanya. Yan lagi ang sinasabi ko sakanya sa nagdaang araw.
"Raven, sumuko ka na please. Ayoko na e" sabi niya tapos tinanggal ang kamay ko na nakaharang.
"Hindi ko kaya nang wala ka. I need you" sabi ko habang nakatalikod sakanya at ganun rin siya saakin.
"Tumigil ka na, Raven. Nababaliw ka na" madiing sabi niya kaya humarap ako. Humarap din siya saakin kaya muling nagtama ang mata namin.
"Baliw sayo? Oo" sagot ko sakanya. Nakita kong naluluha nanaman siya.
"Kung susuyuin mo rin akonpagkatapos mo akong niloko, bakit ka pa nagloko? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?" tanong niya saakin.
"Kung ikaw ang magpapahirap saakim ay okay lang. Alipin mo ako kailanman. It's just one mistake kaya please bigyan mo ako ng sencond chance"
"Satingin mo deserve mo yun? Do you deserve a second chance?"
"Alexis"
"Ayoko na. Pagbigyan mo naman ako sa space na hinihiling ko" tapos ay unti unti siyang naglakad palayo saakin. Nanlulumo akong umalis sakanila.
Umuwi nalang ako saamin at duon uminom. Ayoko sa bar, hindi ko type.
Alexis P.O.V
Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga at nagbabrowse lang sa facebook. Nakakainis dahil walang Raven na nagpapapansin saakin sa facebook. Namimiss ko na siya pero naaalala ko lang ang panloloko niya ay huwag nalang. Matutulog sana ako nang may nagbukas sa pinto at maiingay na babae ang pumasok. Psh. Crystal Group.
"Alexis, cheer up! Movie marathon tayo" sabi ni Shane.
"May cd's akong dala" sabi naman ni Andy.
"May foods narin kaming dala" sabi ni Chandria.
"May drinks narin" sabi ni Mikaela.
"Aishhh! Matutulog sana ako e. Since nandito narin kayo ay tara nuod nalang" sabi ko sakanila.
So ayun nanuod lang kami buong maghapon. Puro horror ang pinapanuod namin at puro nalang kami tili.
"Puro horror palitan naman natin"
"Lovestory!" sabay na sigaw ni Mikaela at Chandria.
"Okay" sabi ni Andy tapos pinalitan ang cd. Sa kalagitnaan ng palabas ay umiiyak kaming apat habang si Andy ay seryosong nanunuod lang. Napanuod niya na kase e.
"Huwag nang lovestory panuorin natin! Nakakaiyak lang" sabi ko sakanila.
"Mas nakakatakot pang magmahal kesa manuod ng horror e. Kainis!" sabi ni Mikaela.
"Huwag na tayo manuod. Puro kayo iyak" sabi ni Andy tapos ay tumawa.
"Magkwento ka nalang tungkol sainyo ni Raven" sabi ni Shane habang tumataas baba ang kilay niya.
Kaya bumuo kami ng circle sa kama at nakatutok sila saakin.
"Nitong nakaraang araw lagi siyang pumupunta sa bahay at sinusuyo ako. Gusto ko pa siya, oo, pero hindi ibig sabihin ay babalikan ko na siya. Maraming bagay ang pinagiisipan ko. Natatakot akong masaktan ulit" sabi ko sakanila. Nakakatakot naman talaga ang masaktan. Walang tao ang gustong masaktan.
"Why don't you take the risk? Isugal mo na lahat ng baraha mo and see what will happen next" sabi ni Andy. Hindi naman ako kasing tapang niya para sumugal. Si Andy na nga ata ang pinakamatapang na babae na kakilala ko. Nagawa niyang lampasan lahat yun? Kung ako lang baka nabaliw na ako.
"Alam mo kung mahal mo talaga si Raven ay handa kang masaktan kahit paulit ulit pa. Nagmamahal ka nga e" sabi ni Shane. Isa rin si Shane sa mga matapang na kakilala ko. Biruin niyo? Tinanggap niya si Nathan kahit pa niloko niya na siya. Hayst. Hirap na ah.
"Sabi nila pag nagmamahal ka ay masasaktan ka dahil kung hindi ka nasasaktan hindi ka nagmamahal. Logic" sabi naman ni Mikaela. Hayst hindi ko na talaga alam.
"Try mong ayusin kung ano ang meron kayo dahil baka pag nakahanap siya ay ikaw naman ang maghabol" sabi naman ni Chandria. Tsk. Ano ba talaga? Natatakot ako na masaktan niya ulit? O natatakot ako na makahanap siya ng iba? Sa dalawang yun, saan ba ako higit na mahihirapan?
"Aishhh! Ginugulo niyo lalo ang isipan ko! What to do?"
"Talk with him!" sabay sabay na sabi nila. Kakausapin ko na ba siya? Paano kung ayaw niya? Paano kung i-reject niya ako? Badtrip naman.
"Pinagplanuhan niyong guluhin ang isipan ko!" pabiro kong sigaw sakanila.
"Hahaha" sabay sabay na tawa namin.
"Tuwang tuwa ako sainyo, group hug nga tayo" sarkastiko kong sabi pero nagyakap yakap parin kami.
"Thank you guys because I've got your back" sabi ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...