Rose Andy P.O.V
"Ganito ang plano. Mauuna kaming lalabas ni Mikaela tapos susunod yung apat tapos tatlo ulit tapos ang pinakahuli ay si Andy. Copy?" tanong ni Shantel. Siya ang naglead ng grupo dahil ayaw nya daw mapahamak ang pinakamamahal nyang Mikaela. Tss. Corny
"Copy" sabi nila except me. I don't follow orders.
"Basta dapat huli kang lalabas. Kami ng bahala sa back-up mo" sabi ni Shantel. Ilang beses tumutol si Axel pero wala rin naman syang nagawa. All is set.
Lumabas na sila Mikaela at Shantel na magkaholding hands. Duh, ano pa bang ieexpect ko sakanila. After 10 minutes ay nakarecieve na kami ng text kay Shantel kaya ang sunod na lumabas ay sila Raven, Alexis, Shane and Sebastian. After 15 minutes ay nagtext na sila kaya sina Chandria, Nathan at Axel nalang.
"Be safe, okay? Huwag mong hahayaan na madaplisan ka nila. Kaya kong magpakademonyo para sayo" sabi ni Axel tapos ay umalis na. After 10 minutes ata ay nakapagtext narin sila. Inayos ko ang damit ko na black jeans, plain black t-shirt, black vans shoes, and plain black cap. I'm wearing all black, like I'm going to funeral. Bago ako makalabas ay naabutan pa ako ni Mama
"Rose, mag-iingat ka" sabi ni Mama "Sinabi na saakin ng mga kaibigan mo ang plano nyo kaya magiingat ka, Rose. I love you" tapos niyakap nya ako kaya niyakap ko nalang sya pabalik. Kailangan ko na talagang patawarin si Mama. Anak nya ako at Mama ko sya at hindi magbabago yun kahit may kasama man syang ibang pamilya. Lahat ng sinabi saakin ni Mama kahapon ay nagpaliwanag sa isip ko na hindi nya kasalanan ang lahat. Walang dapat sisihin sa pagiging masaya ng isang tao. Walang dapat sisihin sa pagkawatak watak ng pamilya namin.
"I need to go, Ma. Be safe too" sabi ko tapos ay naglakad na. Nang makalabas na ako ay may nakita na agad ako na isa sakanila. Nakapalibot ata sila sa buong hospital. Nice.
Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko na may nakasunod na agad saakin. Napangisi nalang ako ng may nakita nanaman ako pero nagpapanggap na nagaayos kunwari ng sasakyan. Tss.
Nang marating ko ang motor na pinadala ko kay Axel ay mabilis akong sumakay pero kakaupo ko palang at kukuha na sana ng bwelo ay bigla silang lumabas sa iba't ibang parte ng parking lot. May mga hawak silang bat at kung ano-ano. Pansin ko ang nasa gitna nila, mukhang kilala ko na ang gangster na binabalikan ako.
"Running, Ms. Rebel Girl?" tanong nya. Bigla nalang nag-init ang ulo ko ng makita ko sya. Isa ang grupo nila sa napabagsak ko dahil sa ayaw ko lang sa mukha ng leader nila.
"Nice to meet you again, Bulldog" seryoso kong sabi tapos bumaba para harapin sila. 15 ata silang kaharap ko ngayon at ewan ko nalang kung may kasama pa syang iba. Damn.
Sinanyas nya ang kamay nya na tumigil sila sa paglalakad kaya huminto sila at syang mag-isa ang naglakad. Aba tumapang ata ang isang to. Nang magkatapat na kami at ilang dangkal nalang ang layo ay nginisihan nya ako
"Ang ganda mo parin, Ms. Rose Andy Valencia. Pasalamat ka at wala na ang mga kaibigan mo kaya hindi na sila mapapahamak pa. Makipagdeal ka nalang saakin, Rebel Girl. Ibigay mo saakin si Chandria na kaibigan mo at tapos na ang deal" sabi nya
"Mamahalin ko sya ng tunay, Rebel Girl" sabay haplos nya sa pisnge ko kaya mabilis ko syang sinipa sa tiyan nyang malaki. Damn, nadumihan ako. Fvcking germs.
"Nakakasuka ka, Bulldog. Nanggigigil ako sa mukha mo, sarap mong tirisin!" sigaw ko sakanya. Ngumisi sya at sinenyasan ang mga kasama nya. May lumapit na lima saakin at may hawak pa silang mga bat. Damn it!
"Sige na! Iligpit nyo na ang maarteng yan" utos nya kaya pumwesto na sila. May utang sumugod saakin pero agad ko itong nasalag at sinundan pa ng isa kaya dalawang bat ang hawak ko kaya hinila ko ito at mabilis na sinila ang mukha ng isa tapos isang malakas na suntok ang nakuha saakin ng isa. Napadaing nalang sila tapos biglang sumugod ang dalawang nasa likuran ko na pala kaya mabilis kong binend ang katawan ko para hindi tamaan. Ginawa kong pwersa ang isang lalaki para mapalakas lalo ang suntok na gagawin ko. Beng! Dumudugo na ang mga ilong nila. Ang isa naman ay seryosong nakatingin saakin kaya hindi nya namamalayan na nakakuha ng ako ng bat at napukpok ko na sa ulo nya. Nainlove ata saakin ang isang yun.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...