Chapter 28: Mikaela

68 6 0
                                    

Mikaela P.O.V

Ngayon ay Monday na at nasa stage kami para magperform na. Isa kase sa mga ipinangako ng dean sa mga Silverian ay ang magperform ng magkasama ang Crystal Group at StoneCold Band.

Nagsimula ng tumugtog ang banda. Ang kanta namin ay Love yourself

Andy:

For all the times that you rain
on my parade

Chandria:

And all the clubs you get in
using my name

Shane:

You think you broke my heart,
Oh girl for goodness sake

Ako:

You think I'm crying all my own,
Well I ain't

Hindi paman namin natatapos ang kanta, pero todo hiyaw na ang mga estudyanteng nanunuod.

Crystal Group:

And I didn't wanna write a song
Cause I didn't want anyone
Thinking I still care I don't but,
You still heat my phone up

Lalong lumakas ang hiyaw ng mga tao ng biglang lumabas ang StoneCold Band at lumapit saamin.

StoneCold Band:

Cause if you like the way you look that much
Oh, baby, you should go and love yourself,
And if you think that I'm still holdin' on to somethin' you should go and love yourself

Biglang nag-iba ang kanta at umatras kami para sila naman ang nasa harap bale ang pwesto namin ay parang isang linya. Si Andy, Chandria, Alexis, Shane at ako. Habang nakawindow kami sa StoneCold Band.

King Shantel:

Itanong mo sa akin
Kung sino'ng aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal

Sebastian:

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

Nathan:

Isa lang ang damdamin
Ikaw and aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan

Axel:

Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw

Nathan:

Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw

Tapos ay tumabi kami sakanila at nakiduet na sa huling parte

Kaming lahat:

Ikaw ang aking mahal.
Ikaw ang aking mahal.
Ikaw ang aking mahal.

Pagkatapos ay naghawak-hawak kami ng kamay at nagbow. Umalis na kami sa stage at nagtungo sa sarili naming upuan na nakareserve para talaga saamin. Hindi parin humuhupa ang sigawan. Tumahimik lang nung narinig namin na nagsalita ang President ng SSG.

"Silverian may mahalagang iaanunsyo ang ating Dean, kaya makinig kayo" panimula ni Jein, SSG Pres. Bigla namang lumabas ang Dean at pumunta sa stage.

"Good morning silverian. Una sa lahat naimpress ba kayo ng Crystal group at StoneCold Band?" nakangiting tanong ng Dean.

"Yesss!" sigaw naman ng lahat.

"You want more?" tanong niya.

"MORE! MORE!" sigaw nila.

"Next time" natatawang sabi niya.

"Ahhhh!" tila nanlulumong sigaw nila.

"Move on muna tayo diyan. Makinig kayo sa sasabihin ko, next week na ang sembreak niyo kaya this week na ang exam niyo for first quarter. Kaya ang gusto ko ay magreview kayo" seryosong sabi ng Dean.

"Dean! Dean!" sigaw nung isang student.

"Yes?" tanong naman ng Dean.

"Ang bilis naman po ng sembreak, atsaka kulang po ang isang gabi lang para makareview kami" naka pout na sabi pa nito.

"Kaya nga pauuwiin kona kayo para mastart nyo na. Osige na magsiuwi na kayo at magiingat kayo ah. Get ready for your examination and goodluck"

Pagkatapos non ay nagsiuwian na ang lahat. Nang malapit na akong makalabas ay biglang humarang sa dinadaanan ko si Karen ang dati kong kaibigan na ex na ni Sander.

"Anong ibig sabihin nito?!" nakakatakot na sigaw niya, at may pinakitang picture. Ako at si sander na magkayakap, teka! Yung sa mall ito ah nung niyakap niya ko.

"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sakanya.

"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha. Ang mahalaga nalaman ko ang totoo"

"Totoo?" pag-uulit ko.

"Na malandi kang talaga!" pagkatapos ay sinabunutan niya ako. Natigil lang nung may nagsalita.

"Stop it" parang familiar yung boses saakin. Bigla namang tumigil si Karen at tumingin sa nagsalita, napatingin din ako. SHANTEL?

"Kapag hindi mo itinigil yan, ako mismo ang magsusumbong sayo kay Dean" seryosong sabi niya, habang nakakunot pa ang noo. Parang bigla namang natakot si Karen na parang nakakita ng multo at pagkatapos ay tumakbo siya. Nang susundan ko siya para sabihin na wala lang yun ay dun ko narealize na andami palang nanunuod saamin.

"My gosh diba si Shantel yon. Yung super bad boy? Ang gwapo nya Aljane" -girl 1.

"Oo nga, Chabren!" -girl 2.

"Ay ako gusto ko parin siya
kahit nakakatakot siya" -girl 3

At parang kinikilig pa siya. Pero teka tama ba ung narinig ko? Isa siyang bad boy?

"May kailangan kayo?" tanong naman ni Shantel kaya mabilis na umalis ang mga ito.

"Ah salamat nga pala sa pagligtas" pagpapasalamat ko sakanya.

"No problem" yun lang ang sinabi niya at derederetsong umalis. Anlabo naman nun!

Umuwi nalang ako at nang makapasok ay nadatnan kong naguusap sina mommy at auntie Celia.

"Hello po" bati ko sakanila at humalik sa pisngi.

"Bakit ang aga mo?" tanong ni mommy.

"Ah pinauwi napo kami para daw po makapagreview. This week na po kasi ang exam" paliwanag ko.

Nagkwentuhan lang kami at umakyat na ako sa taas at inumpisahang magreview, nagbasa ng books at inaral lahat ng naging lessons namin.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon