Chandria P.O.V
Sa ilang buwan kong paninirahan mag isa sa Canada nakaya ko naman
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa eroplano para umuwi
Kasabay ko sila mommy at daddy dahil uuwi nadin sila
Walang katumbas ang mga ngiti nila mommy at daddy nung iannounce na ako ang panalo
Worth it naman lahat ng pinagdaanan ko dahil dala dala ko ang medalya...
'Hay sa wakas makikita ko na mga kaibigan ko at makikita ko nadin siya miss na miss ko na siya, e ang tanong namimiss niya din kaya ako?'
Naidlip muna ako para may energy akong mag kwento sa mga kaibigan ko
Ng makatungtong na kami sa Airport nakita ko na ang mga kaibigan ko
Nandun si Shane, Mikaela, Andy, Alexis kasama ang kanilang mga boyfriend nandun dun sina Nathan, Shantel, Axel, at Raven
Kaso wala ang isa sa mga pinaka aabangan ko wala siya...wala si Sebastian...
Adag akong lumapit sakanila at nag group hug kami
"Madami kang ikwekwento saaming babae ka" sabi saakin ni Alexis
"Haha opo" sabi ko naman
"Sumabay ka nalang saamin miss na miss kana namin e" sabi ni Mikaela
"Mommy pwede po bang sa sasakyan nalang nila ako sumakay?" Tanong ko kay mommy
"Hmm okay, halatang miss na miss kana ng mga kaibigan mo e basta mag ingat kayo ha? Mauna na kami" sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi ganun din sa daddy
Sumakay na kami sa Van na dala ni Raven at siya din ang nag dadrive
Puro kwentuhan, tawanan, at asaran lang ang naging buong biyahe namin
Alam naman siguro nila ang sitwasyon kaya hindi nila binabanggit si Sebastian
Mas masaya sana kung nandito din siya kasama naming tumatawa, nagkwekwentuhan, at nag aasaran
Dumiretso kami sa isang restaurant dahil nagutom daw sila kakahintay saakin
After naming kumain nagkayayayaan silang pumunta kami sa bar mamaya para daw mag enjoy naman
Pumayag nadin naman ako dahil miss na miss ko na sila at para din pang patanggal stress
"Thank you Raven bye!" Sabi ko sakanya dahil hinatid niya ako dito sa bahay
Nagpahinga muna ako sa kwarto ko dahil may jetlag pa ako at para din hindi ako antukin mamaya
Pagkagising ko agad na akong naligo dahil ang usapan ay 8:00 kaming susunduin ni Raven
Nagrereklamo na nga siya dahil nag mukha daw siyang driver saamin pero ng nag salita si Alexis wala tiklop nanahimik
Nag suot lang ako ng high waist na short at loose T-shirt na tinali ko sa gitna at nag white converse tinali ko din ang buhok ko ng messy bun
Bumaba na ako sa hagdan at ng may narinig akong busina ng kotse agad na akong lumabas ng bahay at nakita ko ang van na gamit ni Raven kanina
Pagkapasok ko nakita kong kumpleto na sila "Hi guys!" Bati ko sakanila at umupo na
Ilang minuto lang nakarating na kami sa bar na pupuntahan namin
Pagkapasok ko agad kong nakita ang mga ibang taong nagsasayawan sa gitna at yung iba naman umiinom
"T-tara duon tayo!" Yaya saakin ni Shane
"Hmm oo nga tara!" Sabi naman ni Mikaela at tila may tinatakpan sila
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Novela Juvenil"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...