Alexis P.O.V
Ilang araw ata ako sinusuyo ni Raven at sinasabi na papuntahin at makipagayos na ako kay mommy.
"Heart, ayan ka nanaman. Bukas na yung graduation pwede bang tumigil kana? Naiinis na ako" sabi ko habang na sa Music Room kami. Buo kaming magbabarkada dito at ayaw ko naman na makita nila kaming nagaaway ulit.
"Heart, naman. Kailan ka ba makikipagayos sa mommy mo? Pag pinagsisihan mo na lahat dahil wala na siya?" inis niya ring tugon. Ito ang hirap kay Raven, masyadong advance magisip.
"Not now but---"
"E kailan?!" inis niyang sigaw. "Graduation na bukas at yayayain mo siya. Huwag mong hayaan na tumagal yang alitan niyo. Nanay mo parin siya" seryoso niyang sabi.
"Chill, pare" sabay akbay ni Nathan.
"Sige labas lang ako" sabi ni Raven tapos ay dire diretsong lumabas. Yun na yun. Nagaaway nanaman kami. Nasa akin lahat ng tingin nila na akala mo ay may ginawa ako.
"Nag sarili lang kayo ng usap ay nagaway na kayo" kumento ni Chandria.
"Ewan ko ba dun! Masyado siyang seryoso" sabi ko naman.
"Seryoso naman ang pakikipagaway sa magulang. You know, I'm not with my mother" sabi naman ni Andy. Hayst. Oo nga naman. Si Andy nandyan yung mommy niya pero wala naman sakanila. Aishhhh. Ayan nanaman sila sa panggugulo sa isip ko.
"Hey, pinapalungkot niyo si Rose ko... Sundan mo na nga si Raven, Alexis. Gusto lang nun na suyuin mo siya" sabi naman ni Axel.
"Wow ah! Ako talaga magsusuyo? Don't like feeding his ego" sabi ko naman.
"Boyfriend mo naman siya. Walang mawawala basta para sa taong mahal mo" sabi naman ni Shane. Yuck! Saan natuto ng ganyang salita si Shane?
"Grabeng hugot yan, Love" sabi ni Nathan.
"Sundan mo na siya, Alexis. Dapat kung sino ang galit siya ang sinusuyo. Hindi yung galit siya ay galit ka din" sabi naman ni Mikaela. Bakit feeling ko pinagtutulungan nila ako?
"Go, Alexis. Puntahan mo na para matuloy na ang practice" sabi ni Shantel. Aishhh! Bakit nung galit ako kay Raven ay sinabi nila na makipagayos ako at kung ano ano pa, pero ngayon siya naman ang galit ay ako nanaman ang magsusuyo?
"Bakit feeling ko kinakampihan niyo si Raven?" nakapout kong sabi.
"Feeling mo lang yun, besh" sabi ni Shane habang natatawa. Inis akong tumayo.
"Okay, okay. Pupuntahan ko na siya" sabi ko tapos lahat sila ay natawa.
Kalabas ko ay tinext ko si Raven kung nasan siya. Mabilis naman siyang nagreply.
'Back into you' tumingin ako sa harap ko at nakita ko siya na nakangiti saakin. Tumakbo ako at niyakap siya. Damn this guy! Miss ko na siya agad kahit na naiinis ako sakanya.
"Huwag mo na ulit akong iwan sakanila. Ikaw ang favorite ng mga yun kaya lagi nila akong pinagtutulungan" parang bata akong nagsusumbong. Natatawa siyang niyakap ulit ako.
"Hindi ka man favorite nung mga yun ay ikaw naman ang nagiisang favorite ko. Sapat naman na ako para maging favorite ka diba?" sabi niya tapos ay nagtama ang mata namin. Bakit kinikilig ako sa simpleng salita niya? Bakit parang hindi ako nagsasawa sa linyahan niya?
"I love you, heart. I'll try my best to do your favor" sabi ko kaya mas lalong nagliwanag ang mukha niya.
"Talaga, heart? It means a lot" sabi niya.
"Tara na sa Music Room tapos ay sa gymnasium para sa practice natin sa graduation" tumango naman siya saakin. Pumunta kami sa Music Room at nagpractice na.
Mabilis lang natapos ang araw at gaya ng nakagawian ay inihatid ako ni Raven.
"Makipagayos ka na ah? I'm expecting your mother tomorrow" sabi niya bago ako lumabas sa kotse niya.
"Yes, my heart...." sabi ko sakanya.
Kalabas ko sa kotse niya, dumiretso na ako sa bahay. Agad naman na sumalubong saakin si Mommy.
"Mag-usap tayo" pangunguna ko sakanya. Nabigla siya sa sinabi ko pero agad na tumango.
"Oo, anak. Sige" sabi niya. Umupo ako sa sofa at ganun rin siya na katapatan ko.
"A-ano ba y-yung gus---"
"Gusto ko na magkaayos na tayo. Time will come na mapapatad kita at matatanggap lahat ng ginawa wa mo. Pero ngayon gusto ko muna is one step at a time. At gusto ko bukas na pumunta ka sa graduation ko" dire diretso kong sabi sakanya. Nangilid ang luha niya sa mga sinabi ko.
"A-anak, salamat. Salamat... Pwede ba kitang yakapin?" tanong niya. Ako na ang lumapit at niyakap siya. Ang sarap sa feeling na nasa yakap ka ng nanay mo, walang katumbas.
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...