Chapter 13

119 10 0
                                    

Shane P.O.V

Hayst ano ba yan! Nakakainis! Dahil sa letcheng Alexis na yun na-office tuloy ako! Ayan tuloy mapipilitan pa akong sumali sa girlgroup na band na sinasabi nung dean..pero mas okay na yung parusang yun..kesa naman maging janitress ng school..Like duh! Ang maganda at sexy na tulad ko di dapat pinaglilinis! Makita ko pa si... Nevermind

Atsaka isa pa..di naman ako masyadong mahihirapan dun sa Band na yun..dati naman na akong kumakanta..sadyang ayoko lang talaga ng dagdag responsibility.

Pupunta na ko sa next class ko....baka maoffice nanaman ako pag di ako pumasok..

Habang naglalakad ako ay may nakita akong babaeng parang pinagtutulungan sa di kalayuan... grabe naman yung mga yun..apat laban sa isa? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong sumigaw

"Pag ako nakawala rito lagot kayo sakin!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Kung makakawala ka dyan! Bwahaha" sabi naman nung parang leader nila sabay sampal dun sa babae..di ko makita ang mukha nung babae pero parang familiar sya ehh..
Mas lalo pa akong lumapit..dun sa hindi ako makikita..tinignan ko muna kung sino ang binubully nila..
at nagulat ako ng makitang si... Tss ang mangaagaw ng boyfriend! Kahit bitter ako dahil sa babaeng yan ay tutulungan ko na sya...papatayin ako ng konsensya ko pag di ko ginawa yun ehh..atsaka kita naman.Wala na syang laban..

"Ang hina mo pala, Angela...apat lang yan..pano pa kaya kapag dumagdag ako?" sabi ko sakanya na medyo nangaasar... Dapat lang! Inagaw nya ang boyfriend ko!

"Sino ka?" tanong ng leader nila na ubod ng feeling!

"Shane Gil" cold kong sabi

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya ulit..medyo may pagkachismosa din to nuh? Tss

"Maybe tutulungan kayong bugbugin sya?" sabi ko at napangisi naman ang babae

"Walang hiya ka Shane!" sigaw ni Angela pero di ko nalang yun pinansin at tinuloy na ang sasabihin ko

"Or baka tutulungan sya" nakangisi kong sagot tas humalakhak naman yung leader

"Tingin mo kaya mo kami?" mapanghamon nyang sabi, ngunit ngumisi lang ako

"Bibitawan nyo sya o mamamatay kayo?" pananakot ko gamit ang malalim kong boses..Medyo natahimik sila pero kasunod din nun ay ngumisi sila

"Call the other girls" sabi nung isang leader sa alalay nya at umalis naman si girl..

"Napakatanga mo para paalisin sya..di mo ba alam na kulang pa ang apat para matalo ako? tatlo pa kaya?" nakangisi kung sabi

"Let's see" ngumisi sa at sinugod ako.. Mabilis syang tumakbo palapit sakin..Umiwas naman ako at tinakid sya

"May let's see ka pang nalalaman..tumba ka rin pala" pangaasar ko

"Arghh! Di pa ako tapos!" sumugod sya ulit..umiwas lang ako ulit..kasabay ng paghila ko sa buhok nya..dahilan para mapasigaw sya

"Bitawan mo ko!!" sigaw nya pero mas hinigpitan ko pa ang hawak sa buhok nya..halos mapaluha na sya

"Hoy! Magsitigil kayo!" napatingin ako sa babaeng sumigaw. Tss si Alexis.... Ginagawa ng babaeng to?

"Bitawan mo sya! Andrea!" so kilala pala nitong si Alexis tong babaeng bully na to. Kung sabagay parehas na bitch

"A--alexis" utal na sabi nitong si Andrea

"Let go!" parang natakot ako sa expresyon na ipinakita ni Alexis. Hindi yun inggit kundi galit.

Tinanggal ko ang pagkakasabunot ng kamay ko sa buhok nitong Andrea "Andrea, sinusubok mo talaga ang pasensya ko!" sigaw nanaman nya. Parang natakot ako sa Alexis na nakikita ko ngayon. Umalis na yung mga babae dahil kay Alexis. She's scary.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon