Chapter 117

24 1 0
                                    

Mikaela P.O.V

"Huwag mo nga akong sundan"

"Gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo"

"Can't you understand?I hate boys."Naiirita na ako.

"Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay tulad nung ex mo."

"Paano mo nalamang may ex ako?"

"Remember I'm your stalker.Pero sige hindi na kita kukulitin.Atsaka hindi naman kita mapipilit." tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

Ang sama ko naman ata.Tama siya hindi lahat ng lalaki ay katulad ni Shantel.

"Sandali"Habol ko sakanya.

"Pumapayag na ako."

"Talaga?"

"Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko?"

"Naintindihan ko po"

Nag pumilit siyang ihatid ako.Dati kasi kasama ko si Dame pero nung minsan nabalitaan ko nalang umalis na pala siya.Hindi man lang siya nagpaalam saakin.
"Mamaya hihintayin kita sa canteen.Sabay tayong mag lunch."

Pumayag nalang ako para hindi na siya mangulit.

Nung maglunch na ay dumiretso na ako sa canteen para puntahan si Ryle.Pagpasok ko ay agad ko din siyang nakita kaya lumapit na ako.

"Akala ko hindi ka na darating.Susunduin na sana kita."

Imbes na magsalita ay umupo nalang ako..

"Order muna ako"umalis muna siya para umorder ng kakainin namin.Nakapwesto kami sa may dulo.Kaharap non ay ang pintuan ng entrance.

Habang naghihintay ay tumingin muna ako sa paligid.Huminto ang mata ko sa isang pamilyar na tao na nakatingin din sa mga mata ko.Ang taong sinaktan ako.

Ako na ang umiwas.Nang bumalik sakanya ang tingin ko.Ni anino niya ay wala na.Aaminin ko na hindi ko pa siya totally nakakalimutan pero yung pagtingin ko sakanya ay naglaho na.Hindi ko na siya mahal.Tanging pangalan nalang niya ang hindi ko kayang mabura.

"Ayos ka lang?"

"A-ah oo" Hindi ko namalayang andiyan na pala siya.Si Ryle.

Tahimik lang kaming kumakain.Hanggang sa matapos kami ay walang nagsalita.

"Free ka ba bukas?"

"Saturday?not sure.Why?"

"Labas tayo?bonding? Para makilala natin ang isa't isa"

Hindi porke inaccept ko siya as a friend ay magtitiwala na ako sakanya.

"Don't worry hindi naman kita re-rape-in.As if naman may makukuha ako sayo."

"What?"

"Sabi ko pumayag kana" Hindi na naman niya ako titigilan.

"Ayoko"

"Please"

"No"

"Please"

"Oo na oo na"Ang kulit.

Magkikita daw kami sa MC park.Bahala na kung pupunta ako.Bahala siya sa buhay niya.

After nung last subject namin ay dumiretso muna ako faculty room.May ni-pass akong form sa science prof ko.

Naglalakad ako papuntang parking lot ng biglang matapilok ako kaya napaupo ako.

"Need my help?"Malamig ang boses na bigkas niya.

"Kaya ko"Tatayo na sana ako ngunit hindi kinaya ng paa ko kaya napaupo ulit ako.

Kahit walang permiso ko ay lumapit parin siya sakin at itinayo ako.Hindi na ako nakatanggi dahil wala rin ako magagawa.

Binuhat niya ako at inupo sa may upuan sa gilid.

"Iwan mona ako,kaya ko ang sarili ko"hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa pagmamasahe sa paa ko.

"Hayaan mo lang akong tanggalin ko yung sakit".Kahit anong gawin mo ay hinding hindi na mawawala yung sakit.As if naman tinutukoy niya yung naging paghihiwalayan namin.

Nang tapos na siya sa ginagawa ay umupo din siya sa tabi ko.

"It's been a month baby.A-ah I mean Mikaela"

Nananadya ba siya.

"May balak kana naman bang guluhin ulit ang buhay ko?"

"Ofcourse not"

"Then stop acting like one"

Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ano pa ang masabi ko sa lalaking to.Kaya tumayo na ako at naglakad kahit na medyo masakit pa ang paa ko.

"Sandali"Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko para huminto sa paglalakad.Mabilis ko naman itong hinawi.

"Ano bang problema mo?"Naiiritang tanong ko.

"Alam ko namang may pakialam kapa sa naging relasyon na-"Hindi ko na siya pinatapos.

"Yes you're right,I still care.Pero hanggang don nalang yon."
Hindi kona napigilan ang sarili ko kaya napasigaw na ako.

"But-"

"Diba ikaw ang nakipaghiwalay,Pero ngayon umaarte ka na parang ikaw pa ang nasaktan."

"Nasaktan din ako"

"Just move on.kasi ako matagal ko ng ginawa yon."

Pagkatapos ay umalis na ako.Nang pagpasok ko sa kotse ko ay doon tuluyang tumulo ang luha ko.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak ng dahil sakanya.Pero anong nangyari?

Bago ako tuluyang makaalis ay nakita ko pa siyang nakatingin sa direksyon ko.

Ni isang tao ay wala akong nakita sa bahay paguwi ko.Sabagay si manang lang naman palagi ang naaabutan ko pag umuuwi ako galing eskwela.

Kinuha ko nalang yung ipad ko at nag sound trip sa sala para hindi boring.

Naka tatlong kanta palang ako ay inaantok na ako.Humiga ako sa sofa.Pagkatapos ng ika apat na kanta ay nakatulog na talaga ako.

"Hija!Hija" inalog alog ng kung sino ang balikat ko kaya napamulat ako.

"Yung mga kaibigan mo hinahanap ka."Si manang pala.

"Hi Mikaela"Sabay sabay pa sila.Bigla naman akong napatingin sa pintuan.Mga Crystal group at StoneCold band pala.Pero parang may kulang.

"May hinahanap ka?"
Sebastian asked me.

"A-ah wala."

"Huwag kang mag alala,may mahalagang inaasikaso lang yon.Babalikan ka din non." -Andy

"Ano kaba naman, Andy.Pinapaasa mo pa yung tao.Nasaktan na  nga."-Shane

"Malay natin,Katulad lang din natin sila.Kahit na naghiwalay na ay nagkatuluyan padin."
Nathan said.Pero hindi ko nalang sila pinansin.

Nagdala sila ng mga alak.Gusto daw nila akong damayan.At tutal sabado naman daw bukas.Walang pasok.

Different Couples (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon