Raven P.O.V
Magkakasama kami ngayon sa Music Room dahil bukas ay concert na namin. Lahat kami ay kinakabahan.
"Kinakabahan ako para bukas!" saad ko tapos ay tumawa.
"Hindi lang ikaw, huwag mong solohin" sabi naman ni Nathan.
"Akala ko ako lang, e. Kahit pogi kase ay kinakabahan"
"Hangin" sabi ni Sebastian. Biglang tumunog ang cellphone ko, pati narin sakanila. New number siya.
Unknown:
Meet me at Dark Coffee. Kung saan ako nagtatrabaho dati.
~Andy
Marami nang nagprank saamin ng ganito kaya medyo nagdalawang isip pa ako.
"Nagtext si Andy?" patanong na sabi ni Shantel.
"Ganun din text sayo?" tanong ni Nathan.
"Are we going?" tanong naman ni Sebastian.
"Try natin. Baka siya na to" sagot ko naman.
"Prank ulit yan. Huwag niyo nang subukan" cold na sabi ni Axel tapos ay lumabas ng Music Room.
"Ano, aalis tayo?" tanong ko sakanila.
"Tara. Para lunch narin tayo" sabi ni Sebastian. Kapunta namin duon ay nabigla kami sa nakita namin. Nandiyan siya! Bumalik na si Andy! Halos takbuhin namin ang lamesa kung saan siya nakaupo. Mabilis ko siyang niyakap tapos ay sumunod si Nathan. Sila Shantel at Sebastian ay nakaupo na pero pansin ko na nabigla rin sila sa pagbabalik niya.
"Tatawagan ko si Axel" saad ko ngunit pinigilan niya ako.
"Don't. I already texted him. Kung hindi siya pupunta ay hindi" cold niyang sabi.
"Why are you being so hard on him? Hindi siya pumunta dahil nawalan na siya ng pagasa na babalik ka. You know, you just left without saying a word" sabi ni Sebastian kaso tinignan niya kaming lahat nang walang emosyon. Nakakatakot.
"I don't care. Atleast I did my part as a friend to him" sabi niya.
"Ano bang nangyare?" tanong ni Nathan.
"Sorry. Sorry if I left without saying a word. Atleast I'm here now. Balita ko may concert kayo bukas, ah? 8PM?" pagaalis niya sa usapan about sakanila ni Axel.
"Oo, ano bibili ka ba ng ticket?" pakikisakay ko nalang sakanya.
"Tss hindi ba libre?" tanong niya sabay pout niya.
"Wala nang libre sa mundo. Lahat kase pwedeng magbago" banat naman ni Nathan.
"San mo naman nakuha yan? Nawala lang ako saglit naging corny ka na" biro ni Andy.
Nagkwentuhan pa kami ng konti pero wala siyang nasabi kung saan siya nagpunta at ang dahilan lang na sinabi niya ay
"Kailangan ako ng kaibigan ko"
Yun lang ang sinabi niya. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa napagdesisyunan naming lahat na magabsent muna ng dalawang subject.
"Pumasok na kayo. May time pa kayo para magdrive, recess naman" sabi niya saamin. Tumango kaming lahat pwera lang kay Shantel na napapansin ko na kanina pa tahimik.
"Mauna na kayo. I need to talk to Andy" malumanay pero batid mo ang pagkadiin ng pagkakasabi nito.
"Why?" tanong naman ni Sebastian.
"I need to talk to her"
"Why don't you say it now? Bakit kailangan pa silang paalisin? Is it that important?" pabalang na sagot ni Andy.
![](https://img.wattpad.com/cover/123201651-288-k744231.jpg)
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...