Shane P.O.V
"Shane.. di na tuloy ang arrangement.. We're done" walang emosyong sabi ni Ken.
"Huh? Kung kailan naman minahal na kita dun mo pa ako iiwan?" umiiyak kong sabi.
"Sorry.. pero kasi may iba na akong mahal" sabi niya na lalong nagpatindi ng iyak ko.
"Ganun ba talaga ako kadaling palitan ha?" umiiyak kong sabi nang biglang may dumating na babae at agad na pinulupot ang sarili kay Ken na parang isang linta.
"Tara na, Babe?" sabi nya.. tumango naman si Ken at umalis na sila.
"K-ken.." bulong ko at tuluyan nang humagulgol sa iyak..
*knock knock knock*
Pagkatok ng isang taong nagparealize sa akin na panaginip lamang iyon.. masamang panaginip na ayaw kong mangyare kailanman.. natatakot na akong masaktan ulit.. ayoko na.. di ko sya mamahalin.. pipigilan ko ang sarili kong mahulog ulit.. kay Ken man.. o sa iba.. basta ayoko nang masaktan ulit.. isa lang ang paraan doon.. wag ng magmahal ulit..
"Miss Shane.. gumising na raw po kayo.. utos po ng Dad nyo" sabi ng isa sa mga maid namin.. so sya pala ang kumatok kanina.. salamat sakanya at nagising ako mula sa masamang panaginip na iyon.. haay..
"Sige po.. pakisabi bababa na ako" sabi ko.
Bumangon na ako sa kama ko at agad na tumungo sa banyo upang maligo..
Pagkatapos kong maligo at nagbihis.. agad akong bumaba.. Nakita kong kumakain na sila.. Umupo na ako at nagsimula na ring kumain..
"Shane" pagtawag ni Dad sa pangalan ko.
"Yes, Dad?" magalang kong sambit.
"Pirmahan mo ito" sabi nya sabay abot ng isang papel.
"Ano po ito?" sabi ko.
"Contract..read it" sabi ni Dad.. binasa ko naman at nakalagay rito ang mga dapat at di dapat dahil nga may Arrangement kami..
Pinirmahan ko na lang at agad na inabot kay Dad ang papel.."Sir Sean, nandyan po si Sir Ken" sabi ng isang maid namin na si Maria.
"Papasukin mo" utos ni Dad at agad namang sinunod ni maria.
"Goodmorning po" nakangiting bati ni Ken pagkadating nya sa dining area namin.
"Goodmorning din" bati ko kasi alam ko namang walang babati sakanya dito.. di uso yun sa mansion na to..
"May dala nga pala ako.. leche flan" nakangiti nyang sabi habang pinapakita ang leche flan na dala nya.. wait leche flan?! Wahhh! My favorite!! Agad akong lumapit sakanya at kinuha ang leche flan na dala nya.. at agad na pumunta sa kusina.
"Hihi leche flan" masigla kong sabi habang kumukuha ng hati ng Leche flan.
"Haha favorite mo?" tanong ng taong nasa likod ko na ikinagulat ko naman.. sinundan nya ako? My god!nakakahiya! Para pa naman akong bata kung umakto kanina..
"Uhm..oo ehh" nahihiya kong sabi.. pakiramdam ko namumula na mukha ko sa sobrang hiya.
"Hmm.. may sakit ka ba?" tanong ni Ken.
"Wala..bakit?" nagtataka kong sagot.
"Kasi namumula ka ehh" sabi nya..Gosh! Namumula na pala ako!
"H-hah? Uhm..ano kasi.. ahh.. basta.. hehe" nahihiya kong sabi.
"Haha ang cute mo naman" sabi nya.. di ko nalang sya kinibo kasi wala rin naman akong alam sabihin.. alangan sabihan ko syang ang cute rin nya? Pero seryoso.. cute naman sya ehh.. ay di mali gwapo sya... kaso tingin ko di kami magtatagal nito.. susuko rin to sakin.. di nya kakayanin ang pagkabitter ko..
BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...