Chapter One

1.3K 16 6
                                    

"Angelina, (Angelina, Angelina)...lalalala(Angelina, Angelina)..." Magiliw na kumakanta si Angelina habang nagwawalis sa kanilang bakuran at sinasabayan pa ng kendeng.. Apat na taong gulang pa lamang si Angeline ng pumanaw ang kaniyang inay Laura, at hindi niya kilala ang kanyang ama. Ayos na rin sa kanya iyon para wala ng magdidikta sa buhay nya.

Kasalukuyan syang nag-aaral sa Don Manuel High school at isang 2nd year student. Nakikitira lamang sya sa kanyang tita-titahan na kumupkop na rin sa kaniya. Ang mabait ngunit may kaartehan na si Tita Fina. Ito na rin ang itinuturing nyang pamilya. Bale para siyang ampon sa pamilya nito sapagkat walang anak na babae si Tita Fina. Tatlong maton ang anak nito habang ang asawa naman nitong si Uncle Ted ay isang lasenggero na tambay sa bahay. Ang panganay na anak ni Tita na si kuya Jeric ay nagtatrabaho sa Maynila,habang ang pangalawa ay mas bata lamang sa kanya ng isang taon at sa iisang paaralan sila nag-aaral. Ang bunso naman na si Chico ay grade 4 sa paaralan malapit sa bahay,kung kaya't uwian lang ito tuwing lunch break.

Aminado naman si Angelina na naggagwapuhan ang mga binata sa kanilang barangay lalo na ng mga binatang anak ni tita Fina ngunit wala lang sa kanya iyon. Mas gusto nya yung ideya na mayroon  siyang itinuturing na pamilya.

"Hoy babaIta, tawag ka ni mama", ayan na ang sakit ng ulo nya,si Rafael,yung pangalawang anak ng Tita Fina niya. Hindi maintindihan ni Angelina kung bakit siya laging inaasar nito na Ita samantalang hindi naman sya gaanong maitim...siguro'y pinagti-tripan nanaman sya nito.

"Pakidakot naman itong winawalis ko,Raf." Ang sabi ko sa kanya, pero...

"Ayoko nga! Ikaw na,nautusan na nga akong dayuhin ka dito sa likod,uutusan mo pa akong bumalik.. May laro pa ako. Diyan ka na." at inigihan na ako ng mokong na yun paalis.

Pagpasok ko ng bahay ay nabungaran ako ng tulog na si uncle Ted,naghihihilik pa at nakanganga..."Tita,ipinatawag nyo daw po ako?"tawag ko kay tita habang binabagtas ang daan papuntang cr,naiihi na kase ako. "Oo, may iuutos ako sayo. Mamayang uwian mo ay doon ka na dumiretso sa grocery natin at samahan mo roon si Eve. Yung baklita na yon!kulang nanaman ang ini-remit nya kagabi. Baka nangupit nanaman,balita ko ay may bagong jowa iyon eh." Mahabang litanya ni tita.

"Opo,sige po at sasamahan ko sya mamaya tita."pagsang-ayon ko.

Si Eve ay ang isa pang ampon ampunan ni tita,isang bakla. Hindi kami laging magkasundo at naiinis kami sa isa't isa,o mas grabe pa..nagkasabunutan na rin kami eh,ah basta,ganun na yun. Pero sa kabila ng alitan namin,pinoprotektahan naman namin ang isa't isa. Hindi bale ng kami ang mag away basta't walang aargabyado sa isa sa amin. Kung hindi ay talagang gagantihan o lalabanan ng isa.

Kung tutuusin ay simple ang buhay ko ngayon,pero deep inside my heart,mayroon akong hindi maipaliwanag na damdamin na gustong maghanap ng thrill. Ewan ko ba. Feeling ko,may mga pagbabagong magaganap sa buhay ko soon. I didn't expect that it'll be sooner than I expected.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon