The Calm Before The Storm
Part2Rafael
Dapat ay may dalawang araw pa kami sa Makati. Pero dahil dun sa balitang nakarating kay Angelina ay natapos agad ang honeymoon.
Heto nga at naipit kami sa traffic sa SLEX ngayong katirikan ng araw.
"Rafael,pasensya ka na ha? Malaking problema kasi ito. Biruin mo ay napakasipag mag-aral ni Maxine tapos hindi pala siya makakapag martsa? Kawawa naman ang friend ko. Wag ka sanang magtampo."
Napalingon ako kay Nah-nah.
Ako pa ba ang hindi susunod sa gusto niya ngayong ang bait bait na niya at wala na ang katigasan ng ulo? Ngayon pa bang misis ko na siya,eh aawayin at pagmamaktulan ko pa ba? Baka isipin niya pang isip bata ang napangasawa niya.Kinuha ko ang palad niya at inilapit iyon sa pisngi ko. Tapos ay hinalikan ko iyon bago ngumiti.
"Oo naman,naiintindihan ko noh. Mamimiss lang kita misis." Kinindatan ko ito at sinuklian niya ako ng malambing na ngiti.
Pero syempre....."Kaya kung talagang nahihiya ka sakin. Baka gusto mong masahiin si junior habamg traffic. Pagod na sa kakaupo eh." Tinaas taasan ko ito ng dalawang kilay at ngumiti ng sobra.
Nai-eskandalong hinatak nito ang kaliwang kamay pero hinigpitan ko ang hawak doon. Tatawa tawa kong hinalikang muli ang likod ng palad niya.
"Mr. Rafael Benitez, I'm warning you. Kapag hindi mo binitawan ang kamay ko,tatama iyan sa mukha mo,either pahampas o pasuntok." Seryosong saad nito. Namumula ang magkabilang pisngi at nanlalaki ang mga bilugang mata.
Tumawa ako at ininaba ang kamay niya. Pinag salikop ko ang mga daliri namin at ipinatong iyon sa aking kanang binti.
Hindi na umangal si misis. Sumulyap ito sa akin kaya kinidatan ko.
Sa wakas ay nakalampas na kami sa tollgate. Deretso na kami pa-Calamba to Los Baños.
Angelina
Kinausap ko ang landlady namin. Kinagabihan raw nung araw na umalis ako ay nagpaalam na si Maxine at iniwan ang susi nito. Dala raw diumano nito ang lahat ng gamit. Ang paalam daw nito ay uuwi na sa mga magulang nito.
Pero ng mabasa ko ang sulat na iniwan niya ay hindi raw ito sa magulang nito pupunta. Binasa kong muli ang sulat nito at inintindi ng maayos.
Angie,
Masaya ako na naging kaibigan kita,sana ipangako mo na hindi mo ako kakalimutan. Na kahit kaibigan mo lang ako ay naging mahalaga ako sa iyo.
Dati ay pinuna mo na pareho tayo ng mga ayaw at gusto,pati nga pananamit at hanggang sa hairstyle. Sa totoo lang,pinilit ko ang sarili ko na maging katulad mo. Dapat ay sabay tayong magtatapos sa parehong paaralan pero hindi ko na pinaalam sa iyo na noong isang buwan pa nawawala ang lahat ng records ko. Sana ay huwag mong mababanggit kay Lucas na umalis ako. At kung alam man niya. Sabihin mo na lang na umuwi ako ng Canada. Gusto kong ikaw lang ang nakakaalam kung nasaan ako.
Malamang ay nasa Pagudpud na ako ngayon.Pakisunog ang sulat na ito pagkabasa mo. Tatawagan kita. Wag mo nang subukang tawagan ang telepono ko. Itinapon ko na iyon. Malalaman ko kapag may sinabihan ka kung nasaan ako. By that time,sisiguraduhin kong makakalayo na ako. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Sabihin nalang natin na nagso-soul searching ako.
Yours trully,
Max.Hindi ko magawang sunugin iyon. Nalulungkot ako sa pag-alis ni Maxine. Naging close talaga kami.
Graduation
Magkavideo call kami ni Rafael kani-kanina lang. Tapos na ang graduation at kasama ko ang mga sorority sisters ko na grumaduate. May after party pa. Bukas naman ay aasikasuhin ko na agad ang mga documents ko. Matutupad na ang plano namin ni Rafael na wedding at yung balak naming simulan na negosyo gamit ang perang pamana ni nanay Laura,I mean my mom,Lauren Miranda Andrade. Nangako din si Dad at si kuya na gagabayan kami sa balak naming simulang negosyo.
"Here's to our sisters!! Cheers!!" Sabi ni Mariel na nagtapos bilang Veterinary Medicine. Siya yung cheerleader ng UPLB squad.
Nag-usap usap kami about sa mga plano sa buhay. Nakakatuwa lang na minsan kong naisip na makontento sa simpleng buhay at mamuhay ng tahimik kasama si Renz doon sa kubo niya.
Pero ngayong nakapagtapos na ako at may mapagmahal na asawa ay talaga namang ipinagpapasalamat ko na nabago ang buhay ko. Na hinarap ko ang mga pag-aalinlangan ko. At heto na nga't magsisimula ng umasenso ang buhay ko maging ang pagkatao ko.
Ilang araw matapos ang graduation ay nakaempake na ang mga gamit ko. Ngayon ko na makukuha ang lahat ng natitira ko pang paperworks at pagkatapos nito ay makakauwi na ako sa Lumar,kung saan magsisimula na akong mamuhay bilang asawa at tagasuporta ni Rafael.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?