Chapter Eight

402 5 0
                                    

Rafael

Hindi ko alam kung bakit ganito ako, at kung bakit biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi naman talaga perpekto ang pamilya namin noong una palang. Bata pa kami ni kuya noong unang beses namin nakita ang tunay na lihim ng pamilya namin. Fifteen years old si kuya samantalang five years old lang ako noong gabing iyon.

Si mama ay nagbibihis at magandang maganda kaya nakatitig lang ako sa  kanya. Si kuya ay nasa sala at may kausap sa telepono. Marahil ay yung pinopormahan niyang kaklase na si ate Jessie.

"Raf raf,ayos ba ang suot ni mama?maganda ba?" Malambing na tanong ni mama. Tumango tango ako at ngumiti sa kanya. Hindi ako mahilig magsalita noong bata ako pero marami akong nalalaman. Siguro ay tinatamad lang ako magsalita.

Paglabas namin ng kwarto ni mama ay napatingin ako kay kuya na nakasalampak sa sahig at may dugo sa gilid ng bibig. "Kuyaaa!!!" Tili ko at nilapitan si kuya. Si papa pala ang may gawa kay kuya non. At may kasama itong babae na sexy at parang mas bata lang kay mama ng kaunti.

"Hoy,Fina! Walang ganyanan. Kung may lakad ka,at talagang gusto mong pangatawanan lahat ng ginagawa natin, ikaw magpaliwanag sa mga bata. Nakakainis naman oh!" At umakbay ulit sa babaeng kasama nito at iginiya pataas sa second floor ng bahay ang babae.

"Mga anak. Huwag na kayong aakyat sa taas. Sa kwarto lang kayo at bukas ng umaga ay mag uusap tayo. Aalis na ako at baka mahuli ako sa lakad namin ng mga friends ko." At nagmamadaling lumabas ng bahay si mama. Hinabol ko pa siya pero may nakaabang na palang kotse sa labas at dere-diretso na iyong umandar pagkasakay ni mama.

Bumalik ako sa loob para tanungin si kuya.

"Kuya, matutulad ba tayo kanila Jems na klasmeyt ko? Nag aaway mga parents niya at naghiwalay?, " medyo nag aalalang tanong ko.

"Hindi noh, hindi man sweet si mama at papa, love pa rin nila ang pagsasamahan nila. Titigil din yang ginagawa nila kaya wag kang mag alala." Alam kong totoo ang sinasabi ni kuya,hindi kase siya nagsisinungaling. Kaya sana ay maayos pa ang gulong ito.

Pinatulog na ako ni kuya sa kwarto niya at tinapik tapik ako hanggang sa makatulog ako. Matagal na rin akong nakatulog ng maramdaman ko si kuya na bumangon. Paglabas niya ay naisipan kong sumunod dahil naiihi na rin ako. Sa pag aakala na sa cr ang punta niya ay sunod lang ako ng sunod hanggang sa itaas. Nakita kong huminto si kuya at nakatingin sa nakaawang na pinto. Medyo kalahati na ang bukas nito kaya't kitang kita namin ang ginagawa ni papa sa katawan ng babaeng kasama niya kanina. Nung lumapit ako kay kuya at tahimik siyang naiyak at hindi ako napansin. Bumaba siya na parang hindi ako nakita.

Naroon lang ako at nanonood sa bawat kilos na ginagawa ni papa at ng babaeng iyon. Naririnig ko ang mga tila daing at pagkapos ng hininga ng dalawang taong hubad at hindi mapakali sa pagkilos. Nang tumigil sila ay kapwa pawisan at mga nakangiti. Sa batang edad ay tumatak sa isip ko ang kataksilang ginagawa ng pareho kong magulang.

Natigil ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng matapos yung game at ini-announce yung scores. Ubos na rin yung beer na hawak ko kaya't isinara ko na yung tv. Binuhat ko yung dalawang back pack namin ni Angelina at pumasok ng kwarto.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon