Sila kuya Jeric at si ate Mayla ay may nakareserve nang suite sa hotel. Paniguradong meron ding sarili sila Tita. Kaming apat lang ni Rafa,at ng mag jowa ang sumunod dito sa Manila. Ang kinuha namin ay yung suite na may dalawang bed room. Hindi na ako nakialam sa pagbabangayan ni Rafael at Eve tungkol sa hotel room na kukunin. Masakit kasi ang ulo ko. Feeling ko ako lang ang nagpaka big deal sa sitwasyon namin.
Habang nasa elevator ay naglalampungan yung mag jowa,sobrang sakit na ng ulo ko kaya naiinis ako sa ingay nila. "
"Pwede pakitigil yang kalaswaan niyo? Nakakadiri yang ginagawa at pinag uusapan niyo. Mahiya naman kayo!" Nakakairita na talaga.
Sasabat na sana si bakla ng makita ko si Rafael na pinigilan ito. Inirapan na lang ako ni Eve ng 360 degrees to the point na nawala na yung poise niya. Ang arte talaga.
"Raf,bebe,sama ka nalang sa amin ni Ken ko at mag bar tayo,hindi naman halatang minor ka eh,ang laking bulas mo. Kesa naman maiwan ka sa pangangalaga ng old maid wannabe jan sa isang tabi.hmp!" Parinig sa akin ni Eve na hindi ko na pinansin.
"Akin na yung susi..lumayas na kayo."inilahad ko ang aking kamay at padaskol na inabot ni Eve ang isang key card na kamuntikan pang mahulog. Kung nahulog ito ng tuluyan ay paniguradong gera nanaman kaming dalawa.
Nagbukas na ang elevator at dere-diretso akong naglakad papunta sa tamang hotel room number at padabog na pumasok doon.
Nag hubad na ako at tumapat sa cold shower ng marinig kong may pumasok. Malamang ay si Rafael na iyon. Buti nalang at may bathrobe dito sa loob ng cr.
Pagkalabas ko ng shower room ay nakita kong may hawak itong beer in can at nanonood ng basketball sa tv sa living room. Malaki rin pala talaga ang kinuha ni bakla.
"Saan ko pwedeng ilagay ang mga gamit natin?"ang tanong ni Rafa habang hindi inaalis ang mga mata sa Tv.
" Share ba tayo sa isang room? Maduga iyong si bakla..may kaliitan yung atin..sasabunutan ko yu..mf!!"bigla ba naman akong painumin ng beer. Mokong na ito!
"Tama na ang satsat,kung hindi ka iinom,matulog ka na. Minsan lang tayo makakainom kase walang nakamata. At hahayaan na tayo ni mama kase malaki na tayo. I mean,malaki na ako. Pandak ka parin. Ahahaha!!!"at talagang nilait nanaman ang height ko. Masama bang hindi na ako tumangkad at hanggang 5 feet lang talaga ako?tss.
"Ewan ko sayo. Hindi porket weekend bukas ay maglalasing ka ha? Tandaan mo! Mamimili pa tayo sa Divisoria bukas. Maya maya bago pa dumating sila bakla ay matulog ka na.Okay?",paninigurado ko.
"Yes Miss...!",at sumaludo pa si Rafa."...sis."
Nakahiga na ako ng maalala kong itext si Renz. Hindi man lang ako nakapag paalam. Marahil ay nasabi na ni Eve ang tungkol sa pagluwas namin ngayon sa Manila. Pero gusto ko talaga siyang makausap. Tinawagan ko siya at bago pa man magtatlong ring ay nasagot na niya.
"Hello?"bakit ba ang lambing mg boses ni Renz???
" hi,kamusta ka na?pasensya ka na kanina kung hindi na kita nalapitan. Nagmamadali kasi kami. Nasabi na naman siguro sayo ni Eve ano?" Bakit parang gf niya ako kung magpaliwanag? Nakakakilig naman itong moment na ito!!
"Ayos naman. Medyo boring kase wala si bakla. Malungkot din kase wala ka." Yung totoo,kinikilig na ako.kulang nalang tumili ako kaso baka mabingi siya. Marami pa kaming napag usapan bago ako magpaalam dahil sobrang sakit na ng ulo ko.
Matapos ang tawag ay nakatulog na ako ng hindi pa natatanggal ang towel sa buhok ko at nakasuot parin ng bath robe.
Nagkumot na lamang ako at mahimbing na nakatulog.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?